Episode 12

1151 Words
Hannah's POV. Nang lumuhod si Xandro sa harapan ko noong gabing iyon, gusto kong tumakbo palayo. Pero mas gusto kong yakapin siya. Gusto kong ibuhos lahat ng sama ng loob ko, pero kasabay nito’y ang pagsabog ng mga tanong sa puso ko. Totoo bang engaged na siya? Niloko niya lang ba ako simula’t sapul? Pero bakit ganito… bakit ang sakit, at bakit hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya? “Umalis ka na, Xandro,” bulong ko sa kanya habang nakatingin sa malamig kong mga mata. “Kung panahon na ang makikiayon, saka tayo mag-usap.” Tumango siya, at tuluyang umalis, pero hindi roon natapos ang lahat. Halos araw-araw, nasa ospital ako para bantayan si Inay. Hindi pa rin siya nagigising. Tuwing naroon ako, halos araw-araw din, naroon si Xandro. Tahimik lang. Hindi ko kinakausap. Pero ramdam ko, sa bawat sulyap niya, humihingi siya ng tawad. Parang sinasabi ng mga mata niya, “Patawad. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon.” Isang araw, naupo siya sa tabi ko habang naghihintay kami sa labas ng ICU. “Fake news ‘yon,” mahinang bulong niya. “Yung engagement… hindi totoo. Ginamit ako ni Stell. May kumuha ng picture sa isang event, kinabit ng maling kwento. I’m sorry, Hannah. Alam kong hindi sapat ‘to para burahin lahat ng sakit, pero gusto kong malaman mo ang totoo.” Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung maniniwala ako agad. Pero may parte sa puso ko na nagsasabing totoo ang bawat salitang binitawan niya. Nang araw ding iyon, nalaman ko mula sa cashier ng ospital na may malaking halaga nang naideposito para sa pagpapagamot ni Inay. Doon ko lang nalaman na si Xandro pala ang nagbayad ng bill. Nainis ako. Hinanap ko siya at hinarap. “Bakit mo ‘to ginawa?!” galit kong tanong. “Hindi ko kailangan ng tulong mo. Ayaw ko ng kinaawaan mo!” Tahimik siyang tumingin sa akin. “Hindi dahil gusto kong kaawaan ka. Ginawa ko ‘to dahil mahal kita. At higit pa roon… dahil apo ako ni Don Jose. Matagal na naming utang sa mga magulang mo ang tagumpay ng pamilya namin. Nung nagsisimula pa lang si Lolo, sila ang unang naniwala at tumulong. Utang na loob ko ‘to, Hannah.” Napahinto ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Mahal? Totoo bang mahal pa rin niya ako? O utang na loob lang ‘to? Sa mga sumunod na araw, paulit-ulit lang ang eksena. Ako, bantay sa ospital. Si Xandro, naroon pa rin. Minsan nagpapahatid ng pagkain. Minsan nagdadala ng bulaklak para kay Inay. Pero kahit minsan, hindi ko siya muling pinayagang kausapin ako nang matagal. Hanggang isang hapon, dumating ang ilang mga kaklase ko—kasama si Mildred. Dumalaw sila kay Inay. Nang pumasok sila sa ospital, nakita nila si Xandro. Nagkatinginan si Mildred at Xandro. May kakaiba sa tinginan nila, parang may alam sila na ako lang ang hindi nakakaalam. “Aalis muna ako, bibilhin lang ako sa labas,” paalam ni Xandro sabay iwas ng tingin kay Mildred. Pagkaalis niya, naupo si Mildred sa tabi ko. “Uy, Hannah…” mahinang bati niya. “Anong relasyon n’yo ni Xandro?” Napabuntong-hininga ako. “Wala. Kaibigan lang. Concerned lang siya kasi matagal na nagtrabaho ang parents ko sa Lolo niya.” Tumango lang si Mildred. Pero naramdaman kong may gusto pa siyang sabihin. “Kilala ko siya eh. Si Xandro. Pinsan ko, naging girlfriend niya dati. Hindi magandang karanasan ‘yon para sa pinsan ko. Iniwan siya… buntis na, dineny pa ‘yung bata.” Nanlamig ako. Para akong binuhusan ng yelo. Para akong naiwan sa gitna ng napakaingay na ospital na biglang tumahimik. May bata? May anak si Xandro? Biglang gumulo ang isip ko. Worth it ba na sumugal pa ako? Worth it bang ibigay ang puso ko sa lalaking baka balang araw, iwan din ako kagaya ng ginawa niya sa iba? “Alam mo,” dagdag pa ni Mildred, tumingin siya sa akin na para bang gustong protektahan ako. “Once a playboy, always a playboy. I wonder ilang babae na ang umiyak dahil sa kanya. Kahit nanay niya, sobrang stress na rin sa pagiging babaero niya.” Hindi ako agad nakasagot. Tumayo ako at sumilip sa hallway. Wala pa si Xandro. “Inay…” bulong ko. “Ano ba’ng gagawin ko?” Napapikit ako. Muli kong naalala ang mga titig ni Xandro. Ang mga ‘sorry’ niya kahit hindi niya binabanggit. Ang mga lihim niyang kilos, tulong, at pag-aalaga. Pero sapat ba ang lahat ng ‘yon kung may anak siya na hindi niya tinanggap? Kung totoo man ang sinabi ni Mildred… kaya ko ba? Hindi ko napigilang mapaluha habang hinahawakan ang kamay ni Inay. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Ang totoo, oo. Mahal ko siya. Pero sa dami ng sugat, hindi ko alam kung kaya ko pang muling magtiwala. Sa ngayon, ang alam ko lang… kailangan ko munang piliin ang sarili ko. At si Inay. Ayokong maranasan pa ang sakit na iniwan kami ni Itay. Mahal na mahal ko siya, at hindi ko hahayaang may sinuman na muling sisira sa puso ko. Paglabas ko ng kwarto, andoon na si Xandro, may dalang mainit na sopas at isang bungkos ng puting rosas. Nagkatinginan kami. Huminga ako nang malalim at tumayo. “Xandro,” tawag ko. Lumapit siya, halatang nagulat na kinausap ko siya. “Hannah?” “Salamat sa lahat. Pero gusto kong tapusin na ‘to.” Napatigil siya. “Ano'ng ibig mong sabihin?” “Tigilan mo na ‘ko. Tigilan mo na ‘to. Hindi ko kayang sumugal sa’yo, Xandro. Hindi ko kayang mahalin ang lalaking posibleng sirain lang din ako balang araw.” “Pero… Hannah, mahal kita. Lahat ng ginagawa ko—” “Hindi na sapat,” putol ko. “At kahit sabihin mong mahal mo ako… hindi mo ako mapipilit. Kasi ako… may mahal na akong iba.” Halatang nabigla siya. “Anong ibig mong sabihin?” “Si Sanjoe,” sagot ko, pilit pinatatag ang boses ko. “Mahal ko si Sanjoe. Narealize ko a hindi ko kayang mawala sya sa tabi ko.” “Hindi totoo ‘yan,” bulong ni Xandro, nanginginig ang tinig. “Hindi mo ‘ko kayang lokohin, Hannah.” “Kung gusto mong isipin na nagsisinungaling ako, nasa’yo ‘yon. Pero ‘yun ang totoo. Akala ko pagmamahal ang nararamdaman ko sa'yo pero hindi pala.” Hindi na siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin, parang unti-unting nauupos. Tumalikod ako. Hindi ko namalayan na napunta ako sa tahimik na parte ng plasa malapit sa hospital. Maraming bata ang naglalaro pero nagkulong ako sa katahimikan. Siguro nga, hindi kami ang tindaha. Bumuhos ang aking luha, mahal ko si Xandro. Mahal pero bakit takot akong sumugal. Pero kung talagang totoo ang lahat ng sinabi ni Mildred… baka tama lang na hanggang dito na lang kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD