Chapter 3

1325 Words
Lumipas ang tatlong taon mula nang tuluyang pumanaw si Benecio. Sa loob ng tatlong taong iyon, hindi ko kailanman pinabayaan sina Mercedita at ang kanyang apo na si Nenefe. Tuwing may pagkakataon ay dumadalaw ako sa kanilang bahay, may dalang mga prutas, laruan, o kung minsan ay simpleng pagkain lamang. Kapag kaarawan ni Nene ay ako mismo ang naghahanda ng maliit na salu-salo. Kapag may problema sa bahay, tahimik kong inaayos. Hindi ko iyon ginawa bilang kabayaran sa pagkamatay ni Benecio dahil alam kong walang anumang makapupuno sa pagkawala ng isang asawa at lolo. Ginawa ko iyon dahil ipinangako ko sa kanyang puntod na hindi ko hahayaang maramdaman ng kanyang pamilya na nag-iisa sila. Unti-unti ring napawi ang lungkot sa mga mata ni Mercedita. Hindi man tuluyang nawala ang sakit, natutuhan niyang ngumiti muli sa tuwing makikita niyang masaya ang kanyang apo. Si Nenefe naman ay lumaki na itinuring na talaga akong lolo niya sa katunayan ay Lolo Lucio na ang tawag niya sakin at sa tuwing maririnig ko ang katawagang iyon, palihim na kumikirot ang aking dibdib. Masaya akong tinanggap niya ako, ngunit kasabay noon ang paalala na ang totoong lolo na dapat niyang tinatawag ay matagal nang wala. Sa araw na iyon ay magkasama kaming namamasyal sa parke habang masayang nagtatakbuhan ang mga bata sa damuhan. Bumili kami ng fish ball, kwek-kwek, at paborito niyang cotton candy. Naupo kami sa isang lumang bangko habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. "Lolo Lucio..." mahina niyang tawag habang kinakalikot ang papel ng cotton candy. "Hmm? Ano iyon, baby?" nakangiti kong tanong habang pinupunasan ang ketchup na dumikit sa gilid ng kanyang labi.Hindi siya agad sumagot.Yumuko muna siya bago dahan-dahang nagsalita. "Tumawag si Mama." Napatigil ako sa pagkain. "Ano ang sabi niya?" "Sabi niya... gusto na raw niya akong kunin." Napatingin ako sa bata. "Doon na raw niya ako pag-aaralin... sa ibang bansa." Para akong nabingi sa mga salitang binitiwan niya. Tatlong taon... Tatlong taon ko siyang nakitang lumaki. Tatlong taon ko siyang hinatid sa paaralan kapag walang conference meeting ang aking kumpanya,sinundo kapag umuulan, at kinargang umiiyak kapag nananaginip ng masama.Sa pangkalahatan ay bini baby ko talaga ito na parang sarili ko ng kadugo.Hindi ko namalayang naging bahagi na pala siya ng buhay ko. "Pumayag ba ang lola mo?" mahinahon kong tanong kahit mabigat ang dibdib ko. Tumango si Nene. "Oo. Sabi ni Lola, para raw makasama ko rin si Mama. Matagal na raw kaming hindi nagkikita." Tahimik akong napabuntong-hininga. Wala akong karapatang pigilan iyon. Ina niya pa rin ang naghihintay sa kanya. Ngunit sa kabila ng pag-unawa, hindi ko maitangging may kung anong unti-unting nababasag sa loob ko. "Lolo..." "Hmm?" "Malulungkot ka ba kapag umalis ako?" Napangiti ako kahit ramdam kong bumibigat ang dibdib ko sa kanyang sinabi. "Hindi." Sandali akong tumigil bago ko itinuloy. "...Masaya ako." Ngunit alam kong nagsisinungaling ako. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay. "Ako kasi... malulungkot ako." "Bakit naman?" "Kasi ikaw na ang nakasanayan kong lolo kong pogi." "bakit pogi ba si lolo eh matanda na ako lolo na nga tawag mo sakin" "lolo because you're the replacement of my lolo Benecio pero yung iba Uncle ang tawag nila sayo" "so it means para sayo gurang na talaga ako" "hindi ah ang pogi nyo nga at ang macho pa" "weehh talaga,halika nga payakap si Uncle" "ay bakit Uncle,gusto ko pa rin lolo Lucio" sabay lapit nito sakin at yumakap.Hindi ko napigilang mapayuko at halikan ang tuktok ng kanyang ulo.Parang may kumuyom sa puso ko. Marahan kong ginulo ang kanyang buhok. "Kahit saan ka makarating baby tandaan mo lang na nandito lang palagi ang lolo Lucio mo kahit forty three pa lang ako basta ikaw ang tumawag ng lolo ay ikagagalak iyon ni lolo (note: 43 pa lang si lolo Lucio po) Napangiti siya sa aking tagubilin. "Talaga?" "Oo." "Tapos kapag malaki na ako lo ako na ang magiging asawa mo" sa sinabi niya ay napahalakhak ako. "what the f**k! hahaha ikaw talaga baby kahit anong sumasagi dyan sa utak mo,baka pagbalik mo may boyfriend ka na sa states" "hindi ah promise lo" "what promise ha?" "basta promise iyon na yun" natawa ako dahil may pa cross finger pa siya. "basta kapag andun ka na sa ibang bansa hwag pasaway sa mama mo okey?" "yes po lo" sa muli ilang minuto rin kaming nagyakapan sa bawat isa bago namin nilisan ang Parke. KINAGABIHAN, matapos kong ihatid si Nenefe sa kanilang bahay, nanatili muna ako sa lumang balkonahe nina Mercedita. Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga kuliglig at mahinang ihip ng hangin ang sumasabay sa manipis na usok ng sigarilyong hawak ko. Malalim akong humithit bago dahan-dahang nagsalita. "Kukunin na pala si Nenefe ng ina niya?" Hindi ako lumingon. Nakatitig lamang ako sa madilim na kalangitan.Narinig ko ang mahinang buntong-hininga ni Mercedita. "Oo...Tama lang siguro,panahon na ring makasama niya ang tunay niyang ina. Matagal na silang pinaghiwalay ng pagkakataon." Tumango ako nang marahan. "At ikaw? Ano'ng plano mo kapag umalis na ang bata?" Sandaling natahimik si Mercedita. "Sarili ko naman ang haharapin ko, Lucio." Napalingon ako sa kanya. May kakaiba sa kanyang mga mata. Hindi na iyon ang mga matang punong-puno ng dalamhati nang mamatay si Benecio. Mas kalmado na ang mga ito, ngunit may bakas ng pag-aalinlangan. Unti-unti siyang lumapit hanggang sa halos magkatabi na kami. Napansin kong bahagya siyang nanginginig. "Lucio..." "Hmm?" May ilang segundong katahimikan.Para bang nag-iipon siya ng lakas ng loob.Pagkatapos ay marahan niyang inabot ang kamay kong nakapatong sa rehas ng balkonahe.Nanigas ako.Hindi ko iyon inalis. "May gusto akong aminin." Tinitigan ko siya. "Gusto kita."Para akong napako sa aking kinatatayuan. Hindi ako agad nakapagsalita. "Tatlong taon..." mahina niyang dugtong. "Tatlong taon mo kaming hindi pinabayaan.Sa tuwing may problema kami, ikaw ang unang dumarating.Kapag may sakit si Nenefe, ikaw ang nagpupuyat at araw-araw kang dumadalaw sa hospital.Kapag may kailangang ayusin sa bahay, hindi mo na hinihintay na humingi kami ng tulong." Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi ko namalayang... nasanay na pala ako sa presensya mo." Napayuko siya. "At bago ko pa napansin... nahulog na pala ang loob ko sa'yo." Lalong bumigat ang katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Oo...Ilang taon na rin akong nag-iisa. Hindi na ako naghanap ng asawa pagkatapos ng masalimuot kong diborsyo matapos italaga ang buong buhay ko sa serbisyo militar. Kung minsan ay hinahayaan ko na lamang ang sarili kong aliwin ng mga babaeng binabayaran ko. Walang pangako. Walang damdamin. Isang gabi lang at tapos na. Mas madali iyon.Mas ligtas. Dahil ang mga sundalong tulad ko ay sanay mawalan. Ngunit hindi ko inasahang isang araw ay may babaeng titingin sa akin hindi bilang isang heneral... Kundi bilang isang lalaking maaaring mahalin. Humithit ako nang malalim sa sigarilyo bago ito marahang itinapon sa sahig at tinapakan. "Mercedita..." Mahina ang boses ko. "matalik kong kaibigan ang asawa mo" "patay na siya Lucio sa tingin ko... mas matutuwa pa siya." Napapikit ako. Biglang bumalik sa alaala ko ang araw na binawian ng buhay si Benecio mismo sa aking mga bisig. "Huwag mong pabayaan ang pamilya ko Lucio" Mabilis kong iminulat ang aking mga mata. Parang narinig ko muli ang kanyang tinig.Napabuntonghininga ako.Tiningnan ko si Mercedita. Sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, nakita ko sa kanyang mga mata hindi ang isang biyuda... Kundi ang isang babaeng handang magsimulang muli. Dahan-dahan kong inabot ang kanyang kamay. Mahigpit niya rin iyong hinawakan. "Bigyan mo ako ng panahon.Hindi madaling kalimutan ang isang pangakong ibinigay ko sa pinakamatalik kong kaibigan subalit hindi rin madaling umibig Mercedita matapos kong umibig noon sa dati kong asawa" Ngumiti siya sa gitna ng pagluha. "Hindi kita minamadali.Hihintayin kita, Lucio." Sa gabing iyon, sa ilalim ng malamlam na liwanag ng buwan,hindi ko alam kung kaya ko pa bang magmahal muli sa piling ni Mercedita... "salamat Lucio,ipapangako ko hinding-hindi ka magsisisi" ngumiti ako ng bahagya habang nakaangkla ang byuda sa aking matitipunong braso hindi namin namalayan may inosente pa lang mga mata ang nakatingin sa amin ni Mercedita sa dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD