Nenefe's POV
It's been seven years since I left the Philippines.Pitong taon na hindi ko nasilayan ang tahanang kinalakihan ko at higit sa lahat... pitong taon na hindi ko nakita sina Lola Mercedita at Lolo Lucio.
Ngunit kahit gaano katagal ang lumipas, sariwa pa rin sa alaala ko ang araw ng pag-alis ko.
Halos hindi ako makahinga sa kakaiyak noon habang yakap ko nang mahigpit si Lola Mercedita sa loob ng airport.
"mag iingat ka doon Nenefe"
umiiyak na ako ayokong bumitiw kay lola
"Lola... ayoko pong umalis nasaan po si Lolo Lucio bakit hindi po siya sumama sa inyo po." mangiyak-ngiyak kong tanong kung bakit hindi ito nagpakita kabaligtaran sa ipinangako nya sakin na ihahatid nya ako.
"Mas magiging maganda ang kinabukasan mo roon Nenefe,oras na rin para alagaan ka ng ina mo,at si Lucio abala,siya ngayon sa bago niyang negosyo." Hindi ko man gustong bumitaw sa kamay ni lola at umaasang magpakita sa akin si lolo Lucio sa huling pagkakataon ay tila nanlumo ako nang tawagin na ang eroplanong sasakyan namin paalis ng bansa.Napilitan akong sundan ang lalaking ipinadala ni Mama upang ihatid ako sa eroplanong magdadala sa akin.
Paulit-ulit akong lumingon nagbabakasakali na darating din siya
Hanggang sa tuluyan nang mawala sa paningin ko si Lola Mercedita.
Makalipas ang isang taon...
Isang tawag lamang ang tuluyang sumira sa katahimikan ng buhay ko rito sa ibang bansa.
"Nenefe... may sasabihin sana ako."
boses iyon ni Mama.
"Ano po iyon?"
"Magkasama na raw sa iisang bahay sina Lola Mercedita at Lucio." Parang tumigil ang oras.
Hindi ako agad nakapagsalita.
Nanghina ang mga kamay kong may hawak na cellphone.
Hindi ko alam kung bakit ganoon kasakit ang naramdaman ko.
Labing-apat na taong gulang pa lamang ako noon.
Napakabata pa para maintindihan ang pag-ibig.
Ngunit sapat na ang edad na iyon para maramdaman kung paano mabasag ang puso.Dahil may isang lihim akong itinago sa lahat.Isang lihim na hindi kailanman nalaman ni Lucio.
Crush ko siya.
Hindi ko maintindihan noon kung bakit iba ang t***k ng puso ko tuwing nakikita ko siyang ngumingiti.
Tuwing bubuhatin niya ako noong bata pa ako.Tuwing hahaplosin niya ang buhok ko habang tinatawag akong "baby."
Alam kong mali.Alam kong hindi dapat.Ngunit bata lamang ako noon.
Hindi ko pa nauunawaan ang pagkakaiba ng paghanga, pagmamahal, at paghahanap ng taong magpaparamdam sa akin ng seguridad matapos mawala si Lolo Benecio.
At lalo lamang tumindi ang sakit nang maalala ko ang huling gabing nakita ko sila bago ako lumipad.
Nakatayo ako noon sa may veranda.
Tahimik lamang.Nakita kong marahang hinawakan ni Lucio ang magkabilang pisngi ni Lola Mercedita.Pagkatapos ay dahan-dahan niya itong hinalikan.
Hindi nila alam na nakita ko sila.
Tahimik akong umatras.
At doon pa lamang, alam ko nang isang araw...
Magiging sila.
Simula nang mabalitaan kong nagsasama na sila, pinutol ko ang lahat ng komunikasyon.Hindi ko sinagot ang mga tawag.
Hindi ako nagbukas ng mga mensahe at hindi ako umuwi kahit isang beses.
Sa isip ko kung hindi ko sila makikita hindi rin masasaktan ang puso ko.
Ngunit nagkamali ako.
Habang tumatagal, lalo lamang akong nagiging walang direksiyon.
Pagsapit ko ng labingwalong taong gulang...Nagbago ako,naging rebelde.
Halos gabi-gabi akong nasa iba't ibang bar.Iba't ibang lalaki ang naging nobyo ko sa madaling salita naging liberated ako dito sa bansang States.
"Hey, Nenefe! Wanna dance?"
Halos hindi ko marinig ang boses ng lalaking tumawag sa akin dahil nilalamon iyon ng malakas na tugtog ng DJ. Kumikislap ang makukulay na ilaw sa bawat sulok ng bar habang ang mga kabataang katulad ko ay walang pakialam na nagsasayawan, umiinom, at pansamantalang tinatakasan ang kani-kanilang realidad.
Ngumiti ako at itinaas ang hawak kong baso.
"Oh yeah! C'mon, let's dance! Whoaa!"
Malakas kong sigaw habang hinihila siya papunta sa gitna ng dance floor. Sumasabay ang katawan ko sa matinding beat ng musika. Tila bawat indak ay paraan upang ilabas ang lahat ng sakit na matagal ko nang kinikimkim.
Sa paningin ng iba, isa lang akong dalagang masayahin na mahilig mag-party. Isang babaeng palaging may ngiti sa labi at tila walang problema sa buhay.
Ngunit walang nakaaalam na sa bawat tawa ko ay may kasamang lungkot.
Sa bawat tagay ng alak ay may pilit na paglimot.
At sa bawat gabing ginugugol ko sa bar ay umaasa akong kahit sandali lang ay may pupuno sa matagal nang bakante sa puso ko.
Lumaki akong hinahanap ang pag-aaruga ng isang ina.Isang yakap.
Isang simpleng tanong na, Kumusta ka na, anak?
Ngunit hindi ko halos naranasan ang mga iyon sa sarili kong ina na kahit ngayon ay nasa poder nya na ako pinapaaral ay iba pa rin pala kapag hindi siya ang nagpapalaki sa akin.
At si Lola Mercedita,kasama ko man siyang lumaki subalit alam ko kung hindi dahil kay lolo Benecio sa malaking pera na ipinadala nya para alagaan ako ni Lola Mercedita ay marahil iniwan nya rin ako noon.
Mas naaalala ko pa ang mga araw na kasama ko si Lolo Lucio sa piling niya sa tatlong taong palagi ko siyang nakikita at inaalagaan niya ako ay pakiramdam ko nabuhay si lolo Benecio sa katauhan niya.
Pitong taon na ang lumipas mula nang umalis ako ng Pilipinas, ngunit hanggang ngayon sariwa pa rin ang bawat alaala niya.
Kapag may nakikita akong kasing edad niya matangkad,may matipunong pangangatawan at balbas na umayon sa gwapo niyang mukha nakangiti sa kalye, siya agad ang pumapasok sa isip ko.
Kapag may naaamoy akong usok ng sigarilyo, naaalala ko ang mga gabing tahimik lang kaming magkatabing nakaupo habang nagkukuwentuhan siya tungkol sa buhay at kapag nakatulog na ako ay minsan naka kandong lang ako sa kanya buong magdamag pareho na pala kaming nakatulog sa inuupuan nya.
At kapag nakakakita ako ng isang batang mahigpit na niyayakap ng isang matured na lalaki, napapangiti pa rin ako... kasunod ang unti-unting paghapdi ng dibdib ko.
"Nenefe! Earth to Nenefe!"
Napakurap ako nang may kumaway sa harapan ko.
"You're spacing out."
"I'm fine," mabilis kong sagot habang pinipilit ngumiti.
Pero alam kong hindi iyon totoo.
Hindi ako naroon sa gitna ng dance floor.Hindi ako naroon sa maingay na bar.Gusto ko lang kalimutan ang batang ako na nagka gusto sa minsan ko ng tinawag na LOLO LUCIO.
"Let's get out of here..."
Mahinang bulong ni Mathew sa aking tainga habang nakahawak siya sa aking baywang. Isang araw pa lamang kaming magkasintahan, ngunit tila nakalimutan na niya ang hangganan ng paggalang.
Hindi ko nagustuhan ang paraan ng kanyang pagngiti at ang tinging tila may ibang balak.
Sa isang iglap, dumampi ang aking palad sa kanyang makisig na mukha.
"Pervert!" mariin kong sambit habang matalim ko siyang tinitigan.
Napahawak siya sa pisngi niyang namumula sa lakas ng aking sampal.
"W-What? I was just asking-"
"Just asking?" putol ko sa kanyang paliwanag.
"I thought you wanted this..."
"Then you thought wrong."
Mahigpit kong hinawakan ang aking handbag bago ako humakbang palayo sa kanya.
Habang binabagtas ko ang makulay ngunit nakabibinging bar, napagtanto kong hindi pala lahat ng taong nagsasabing mahal ka ay tunay na nirerespeto ka.
May mga lalaking kayang sabihin ang salitang "I love you" nang napakadali, ngunit hirap na hirap igalang ang salitang "hindi."
Paglabas ko ng bar, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi.
Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad.
Hindi ko kailangan ng lalaking magpaparamdam sa akin na isa lamang akong pansamantalang aliwan.
Ang matagal ko nang hinahanap ay isang pagmamahal na may paggalang, pagtitiis, at pag-aaruga mga bagay na minsan ko nang nakita sa isang taong bata lang ang tingin sa akin.
May mga nagtangkang angkinin ako.
May mga nangakong pakakasalan ako.May mga nagsabing mahal nila ako.Ngunit ni isa sa kanila...
Hindi ko hinayaang makuha ang p********e ko.
Hindi dahil konserbatibo ako.
Kundi dahil may bahagi ng puso kong ayaw bumitaw sa isang pangarap na alam kong imposibleng matupad.
May taong hindi ko pa rin kayang kalimutan.
Si Lucio.
Kahit alam kong hindi na dapat.
At ngayong dalawampu't isang taong gulang na ako...
Muli na namang gumuho ang mundong pilit kong binuo.
"Nenefe..."
Lumapit si Mama habang hawak ang kanyang cellphone.
"Nakatanggap ako ng mensahe galing sa Pilipinas."Hindi ko siya pinansin.
"Ano po?"
Huminga siya nang malalim.
"Sa susunod na buwan... ikakasal na sina Lola Mercedita at Lucio."
Parang may humawak sa dibdib ko.
Hindi ako makahinga.Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.Hindi ko alam kung ilang minutong katahimikan ang lumipas.
Hanggang sa marahan kong pinunasan ang aking mga mata.
At buong katigasang sinabi,
"Babalik na ako sa Pilipinas."
Napalingon si Mama.Nagulat siya sa desisyong iyon.
"Akala ko ba sinabi mong hindi ka na kailanman babalik doon, Nenefe?"
Dahan-dahan akong tumingin sa bintana.Sa labas ay bumabagsak ang makakapal na niyebe.
Ngunit mas malamig ang nararamdaman ng puso ko.
"Akala ko rin."
Napangiti ako.
Ngunit puno iyon ng pait.
"Pero hindi ko kayang panoorin na ikasal sila nang wala man lang akong ginagawa." sa isip ko
Napatayo ako at tahimik na tinungo ang aking silid.Binuksan ko ang lumang maleta na pitong taon nang hindi nagagamit.
Isa-isang inilagay ang aking mga damit.Habang ginagawa ko iyon, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili.Babalik ba ako para batiin sila?
Para pigilan ang kasal?
O para tuluyan nang ipaalam kay Lucio ang damdaming pitong taon kong ikinulong sa aking puso?
Hindi ko alam ang sagot.
Isa lang ang sigurado.
Sa pagbabalik ko sa Pilipinas...
Hindi na magiging pareho ang buhay naming lahat...