Chapter 5

1557 Words
"Nenefe... ikaw na ba 'yan? Dalagang-dalaga ka na." Nanginginig ang tinig ni Lola Mercedita habang nakatitig sa akin. waring hindi pa rin siya makapaniwalang ang batang iniwan niya sa paliparan pitong taon na ang nakalilipas ay nakatayo na ngayon sa kanyang harapan bilang isang ganap na dalaga. "Lola..." Hindi ko na napigilan ang sarili. Agad akong tumakbo patungo sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Ilang segundo kaming nanatiling magkayakap.Kahit wala kaming dugong nag-uugnay, itinuring ko na siyang tunay kong lola. "Ang laki mo na talaga, Nenefe," umiiyak niyang sambit habang hinahaplos ang aking buhok. "Napakaganda mo na. Sigurado akong kung nabubuhay pa si Benecio, hindi niya mapipigilang ipagmalaki ka." Napayuko ako. "Na-miss din kita, Lola." tinitigan ko si lola kahit may edad na ito ay bakas pa rin ang sopistikada niyang ganda,kaya hindi maikakailang nahulog agad ang loob ni Lucio sa kanya dahil sa bukod sa maganda si Mercedita ay mabait naman talaga ito at mapagmahal. Napangiti siya at muli niya akong niyakap "Tara na. Kanina ka pa pagod sa biyahe." Kinuha niya ang isa sa aking mga maleta habang ang driver naman ang nagbuhat ng iba pang gamit ko. Sumakay kami sa isang mamahaling itim na sasakyan na naghihintay sa labas ng airport. Habang bumibiyahe, tahimik lang akong nakatanaw sa bintana. Marami nang nagbago sa Pilipinas. Mas matataas na ang mga gusali, mas marami nang establisyimento, at tila mas mabilis na rin ang takbo ng buhay. Makalipas ang halos isang oras ay huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking bakal na gate. Unti-unti itong bumukas. Agad na bumungad sa akin ang isang napakalawak na bakuran na napapalibutan ng matatayog na puno, mamahaling mga sasakyan, at isang napakalaking mansyon na mistulang pag-aari ng isang hari. Hindi ko namalayang nakabuka na pala ang aking bibig. "Lola..." napailing ako habang nakatanaw sa napakalaking bahay. "Kaninong bahay 'to? Bakit ang laki? Oh my God... is this a mansion?" Napangiti si Lola Mercedita sa aking reaksiyon. "Oo, apo." "Sa... sa atin ba 'to?" Mahina siyang tumango. "This is Lucio's mansion, Nenefe. Nitong nakaraang buwan lang ay dito niya ako pinatira." Sandali siyang tumigil bago ngumiti nang nahihiya. "After he proposed to me." Nanlaki ang mga mata ko,ang mga katagang iyon ay tila ba punyal na unti-unting winasak ang puso kong lihim na nagmahal sa kanyang mapapangasawa. "Wow... congratulations, Lola! Hindi ko akalaing ganito pala kayaman si Lolo Lucio. You're so lucky." Ngunit habang binibigkas ko ang mga salitang iyon, tila may kung anong matalim na bagay ang unti-unting bumaon sa kaibuturan ng aking dibdib.Maswerte siya. Maswerte siyang may lalaking nagmahal sa kanya nang buong-buo kahit matapos mawala si Lolo Benecio. Maswerte siyang muling nakatagpo ng taong handang ipaglaban ang kanyang kaligayahan. Samantalang ako... Sa loob ng pitong taon kong pananatili sa Amerika,heto mas masasaktan pa marahil sa naging desisyon kong umuwi dito at masasaksihan kung paano sila tunay na nagmamahalan. "Halika na, Nenefe.Narito na tayo." mahina akong ngumiti kay lola Mercedita,habang sinusundan ang bawat hakbang niya papasok sa loob. "Good evening, Doña Mercedita." Sabay-sabay na yumuko ang halos isang dosenang kasambahay na nakahanay sa magkabilang gilid ng malawak na foyer. Lahat sila'y nakasuot ng magkakaparehong uniporme, tahimik na naghihintay sa bawat utos ng babaeng nasa aking tabi.Napakurap ako. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang eksenang iyon. "Wow..." napailing ako. "You look so special here, Lola. Para ka yatang asawa ng isang mafia boss." Napatawa si Lola Mercedita at marahan akong tinapik sa braso. "Ikaw talaga, Nenefe." Ngunit sa likod ng biro kong iyon ay may bahid ng paninibugho na pilit kong ikinukubli. Napakaswerte niya.Mula sa pagiging simpleng biyuda ni Lolo Benecio, ngayon ay ginagalang siya ng lahat. Tinatawag na siyang Doña Mercedita, may mga katulong na handang sumunod sa bawat utos niya, at nakatira siya sa isang mansyong hindi ko man lang naisip na maaari kong matirhan. "Come here, hija," malumanay niyang saad habang hinahawakan ang aking kamay. "Naghihintay si Lucio sa hapag-kainan." Sa simpleng pagbanggit pa lamang niya sa pangalang iyon ay tila may kung anong kumabog sa aking dibdib. Tahimik akong sumunod kay Lola Mercedita habang binabagtas namin ang mahabang pasilyong nababalutan ng mamahaling mga obra, kristal na ilaw, at makintab na marmol na sahig. Hanggang sa tuluyan kaming makarating sa napakalawak na dining hall. Sa pinakadulong bahagi ng mahabang mesa ay may isang lalaking nakaupo na para bang likas na sa kanya ang mamuno. May hawak siyang sigarilyo sa isang kamay habang ang isa nama'y nakapatong sa armrest ng kanyang upuan. Bahagya siyang nakasandal, kalmadong nakikipag-usap sa cellphone hindi man lamang napapansin ang pagdating namin. Hindi niya kailangang magsalita upang maramdaman ang bigat ng kanyang presensya.May kakaibang awtoridad na kusang nagpapatahimik sa buong silid. "Lucio, darling... we're here." Agad niyang ibinaba ang telepono. Dahan-dahan siyang tumingala. At sa unang pagkakataon matapos ang pitong taon... Nagtagpo muli ang aming mga mata. Hindi ko namalayang napasinghap ako.Halos hindi ko siya makilala. Mas matikas ang kanyang tindig kaysa sa natatandaan ko. Mas lalong tumapang ang kanyang mukha, at ang ilang hibla ng puti sa kanyang buhok at balbas ay hindi nagbawas sa kanyang karisma. Sa halip, lalo pa iyong nagbigay sa kanya ng kagwpuhan,sa aming mga kabataan mas tamang sabihin na isa siyang hot grandpa daddy. Mas lalong gumaguwapo habang tumatagal ang panahon. Isa si Lucio Cerruti sa mga iyon. Nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa akin.Ako naman ay tila nakalimutang huminga. Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nagkatitigan. Ang alam ko lang, sa mga matang iyon ay para bang may kung anong pamilyar na hindi ko maipaliwanag. Bahagya siyang ngumiti. "Nene" Mahina ngunit malinaw ang kanyang tinig.Siya lang naman ang tumawag sa akin ng ganung pangalan. Nene..oo Nene pa rin marahil ang tingin niya sa akin,Nene simbolo ng edad na minor,pero hindi na ako ang dating Nene nya ngayon ang Nene niya ay isa ng ganap na dalaga "Hindi ko akalaing ang maliit na batang makulit noon..." Saglit siyang tumigil habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "...ay isa nang napakagandang dalaga ngayon." Lalong uminit ang aking mga pisngi. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya... O dahil sa kakaibang kaba na unti-unting bumabalot sa buong pagkatao ko. "How's your life abroad, hmm?" Malalim ang boses ni Lucio habang mahinahon akong pinagmamasdan. Hindi man ito mataas o galit, may kakaibang bigat ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Bakit hindi ka man lang tumawag sa amin?" bahagya siyang sumandal sa kanyang upuan. "O kahit sa lola mo man lang... ni isang beses." Napayuko ako. Para akong batang nahuling may ginawang kasalanan.Hindi ko magawang salubungin ang kanyang mga mata. "Ahm... I'm sorry, Lo." Pilit akong ngumiti. "Busy lang po talaga ako." Muling nanaig ang katahimikan. Tanging ang mahinang tunog ng air conditioner at pagkakalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa loob ng napakalawak na dining hall. Naramdaman kong nakatingin pa rin siya sa akin. Nang maglakas-loob akong mag-angat ng tingin ay eksaktong nakatitig pa rin siya sa akin, tila sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo. Alam kong hindi siya lubusang naniwala.At hindi ko rin naman siya masisisi. Pitong taon akong walang kahit isang tawag.Walang simpleng pagbati tuwing Pasko o kaarawan man lang ni lola o sa kanya.Hindi dahil nakalimutan ko sila... Kundi dahil pinili kong ilayo ang sarili ko sa lahat ng alaalang magpapaalala kung gaano ako nasaktan nang umalis ako ng Pilipinas. "Alright." Napabuntong-hininga si Lucio at tuluyan nang binasag ang katahimikan. "So ngayong nandito ka na..." Bahagya siyang ngumiti. "Feel at home in my house." Saglit siyang tumingin kay Lola Mercedita bago muling ibinalik ang tingin sa akin. "Para na rin kitang apo, Nene." Mahina akong ngumiti "Thank you... Lo." Ngunit sa likod ng simpleng pasasalamat na iyon ay magulo ang isip ko. Bawat sandaling nagtatama ang aming mga mata ay hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kaba na nararamdaman ko. Parang may apoy na unti-unting kumakalat sa aking dibdib. Pilit kong sinisita ang sarili. Siya ang mapapangasawa ni lola Mercedita. Ngunit habang pinagmamasdan ko silang dalawa, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kirot. Napakagaan nilang mag-usap. Paminsan-minsan ay inaabutan ni Lucio si Lola Mercedita ng pagkain, habang si Lola nama'y ngumingiting pinapagalitan siya kapag sumosobra ito sa paninigarilyo. Maliliit na kilos lamang ang mga iyon. Ngunit sapat upang ipakita kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't isa. At sa bawat ngiti ni Lola Mercedita... Pakiramdam ko ay lalo akong nawawalan ng lakas. Naparalisa ako sa kinauupuan. Hindi dahil may ginawa silang mali. Kundi dahil unti-unti kong naaalala ang tunay kong dahilan ng pagbabalik sa Pilipinas. Hindi lang ito simpleng pagbisita. May dahilan ako.May layunin. May bagay akong gustong makuha. At handa akong gawin ang lahat para makamit iyon. Ngunit ngayong nakikita ko kung gaano kamahal ni Lucio si Lola Mercedita... Unti-unting binabagabag ng konsensiya ang puso ko. Magagawa ko pa ba ang plano ko? O ako mismo ang unang bibigay bago pa man magsimula ang laban? Tahimik akong humigop ng tubig upang itago ang kaguluhan sa aking isipan. Ngunit isang bagay ang hindi ko maitatanggi.Sa mismong araw ng aking pag-uwi... Nagsimula na ang laban sa pagitan ng aking isip at ng aking puso wala akong pakialam kung may masagasaan,ako si NENEFE SANTANDER, isang palaban at ang pagdating ko bilang isang kontrabida ang babago ng lahat makamit ko lang ang aking inaasam..subalit paano kung sa dulo ang aking lihim na pag ibig sa lalaking matagal kong pinangarap ang siya palang sisira sa aking pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD