Chapter 18

1694 Words

Warning SPG❗️ Lucio's POV "Do I cheat on Mercedita?" Paulit-ulit na umalingawngaw ang tanong na iyon sa aking isipan matapos ang bawal na sandaling ibinahagi ko sa babaeng itinuring ni Mercedita na parang sariling apo si Nenefe. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang lumabo ang hangganan ng tama at mali. Ang alam ko lamang, bawat pagkakataong magkalapit kami ay tila unti-unting kinakain ng apoy ang natitira kong katinuan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang nakaupo sa loob ng aking opisina. Mahigpit kong hinawakan ang sintido ko na para bang kaya nitong pigilan ang magulong alaala. "Hindi na iyon dapat maulit..." paulit-ulit kong sambit sa sarili. Malapit na ang kasal namin ni Mercedita.Kaya simula ngayon. Iiwasan ko si Nenefe. Hindi ko hahayaang mapag-isa kaming dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD