Mabigat ang mga hakbang kong bumalik sa aking silid. Pagkapasok ko ay marahan kong isinara ang pinto at isinandal ang likod dito. Napapikit ako habang pinipilit pigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang kumawala. Paulit-ulit na umalingawngaw sa aking isipan ang mga huling salitang binitiwan ni Lolo Lucio bago ko nilisan ang silid nila ni Lola Mercedita. 'if you keep trying to seduce me, I'll personally send you back to the States! Parang patalim na paulit-ulit na tumataga sa aking puso ang bawat katagang iyon.Napahakbang ako patungo sa bintana. Tahimik kong minasdan ang madilim na karagatan habang patuloy na bumubuhos ang ulan.Ngayon ko lamang tunay na naramdaman ang hiya.Hiya sa sarili ko.Hiya sa mga bagay na nagawa ko. Ano ba ang pumasok sa isip ko? Paano ko nagawang akitin ang

