“Lucio!” Ang sigaw ni Lucifer ay umalingawngaw sa buong garden. Sa isang iglap, nagbago ang mukha ng lalaking kanina lamang ay kalmadong nakatayo sa altar, naghihintay sa pagdating ko. Ang lalaking dapat sana’y magiging asawa ko ngayong gabi ay biglang naging isang anak na handang sumugod sa sarili niyang ama. “Let her go!” Isang malamig na ngiti ang sumilay sa labi ni Lucio. “She was never yours to begin with.” “Put her down!” Mas hinigpitan ni Lucio ang pagkakahawak sa akin. Pilit akong nagpumiglas, ngunit tila wala siyang pakialam sa aking pagtutol. “Tonight was supposed to be your wedding,” malamig niyang saad habang nakatingin kay Lucifer. “But I’m afraid the bride is coming with me.” “Feona!” “Pakawalan mo ako!” Buong lakas akong nagpumiglas. Sinubukan kong kumawala sa pagkak

