“M-mama… P-papa…” Mahina ang boses ni Nerea habang pilit nitong binibigkas ang dalawang salitang halos araw-araw nitong bukambibig.Napalingon ako sa kanya at saglit na natigilan. “Come here, Nerea. Gumagawa ng oatmeal si Lola.” Inabot siya ni Mama at kinandong. Agad namang kumapit ang anak ko sa leeg nito habang hinihintay ang pagkaing ihahain sa kanya. “Ma, hindi kumakain si Nerea niyan. Mas gusto niya pa rin yung lugaw.” Napailing si Mama. “Nenefe, magdadalawang taon na ang anak mo. Huwag puro lugaw ang ipakain mo diyan. Kailangan na niyang masanay sa ibang pagkain.” Napabuntong-hininga ako. “Alam ko, Ma.” Hindi na ako nakipagtalo. Sa halip, pinagmasdan ko na lamang si Nerea habang masayang kumakain sa kandungan ng kanyang lola. Sa simpleng tagpong iyon, hindi ko maiwasang makaram

