“Anong kailangan n’yo sa akin?” Tinitigan ko ang doktor na lumapit sa akin.Wala akong ideya kung paano ako napadpad sa lugar na ito ganung nasa hotel lang kami ng anak ko kasama si Lucio. Wala man lang itong emosyon sa mukha habang inaayos ang suot nitong puting coat. “Nenefe, Lucifer is waiting for you. He wants to talk to you. Please, come with me.” Napakunot ang noo ko. “Si Lucifer? kaya ba dinala mo ako rito?” “Yes. He specifically asked for you.” "alam ba ito ni Lucio?" "no" Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bigat sa dibdib ko. Gayunpaman, sumunod ako. Tahimik ang pasilyong dinaanan namin. Habang palayo kami nang palayo, napansin kong unti-unting nawawala ang mga tao. Hanggang sa tuluyan kaming makarating sa isang lugar na halos walang ilaw. Huminto ang doktor.

