Mahigpit kong hinawakan ang maliit na device na ipinadala sa akin ng misteryosong kausap. Ayon sa kanya, ito lamang ang makapagpapatigil sa CCTV system nang ilang minuto. "Five minutes... that's all you have," muli kong naalala ang babala niya. Limang minuto.Limang minutong sapat upang mabago ang buong buhay ko... o tuluyan akong mapahamak. Huminto ako sa harap ng control panel ng surveillance room. Nanginginig ang mga daliri ko habang ikinakabit ang device sa pangunahing server. Isang pulang ilaw ang kumislap bago naging berde. ACCESS DENIED.Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi maaari..." bulong ko. Mabilis kong sinubukang muli. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko bago muling ipinasok ang encryption code na itinuro sa akin. ACCESS GRANTED. Kasabay niyon ang unti-unting pagpatay ng mga mon

