Chapter 31

1788 Words

Nagising ako na tila ba binugbog ang buo kong katawan.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang puting kisame ng silid ang unang bumungad sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko tuluyang naalala ang huling nangyari. Ang basement...Ang malamig na sahig...Ang madilim na paligid... At ang mukha ni Lolo Lucio na walang kahit katiting na awa habang isinasara niya ang bakal na pinto. Napahawak ako sa aking leeg nang maalala kung paano ako nagmakaawang palabasin, kusang tumulo ang aking mga luha sa pangyayari.Hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ako. Marahan akong bumangon ngunit agad ding napahawak sa gilid ng kama nang umikot ang aking paningin. "Mam Nenefe... kumain muna po kayo." Napalingon ako sa pinto. Nakita ko roon ang matagal nang naninilbihang kasambahay ni Lolo Lucio

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD