Nagkagulo ang buong mansyon nang biglang sumakit ang tiyan ni Lola Mercedita. Halos lahat ng kasambahay ay nagtakbuhan habang ang pribadong medical team ay agad na inihanda ang lahat ng kakailanganin. Dahil maselan ang kanyang pagbubuntis, wala ni isa ang nangahas na magkamali. Ilang minuto pa lamang ang lumipas ay dumating na si Lucio. Halatang-halata ang kaba sa kanyang mukha habang mabilis siyang lumapit kay Mercedita. "Lucio..." halos umiiyak na sambit ni lola habang mahigpit na hawak ang kanyang tiyan. "Mukhang lalabas na ang bata... I don't think I can make it to the hospital." "It's okay. You're safe. The doctors are here," agad niyang sagot habang mahigpit na hinahawakan ang kamay nito. Hindi ko alam kung bakit, pero bawat salitang narinig ko mula sa kanya ay parang matutulis

