Lucio POV Maingat ang bawat hakbang ko habang dahan-dahang lumalapit sa nakagapos sa bakal na upuan sa gitna ng malamig na silid. Ang mahinang liwanag na nagmumula sa nag-iisang bombilya ay sapat lamang upang makita ang kanyang anyo...nakaitim mula ulo hanggang paa, nakatakip ang mukha ng makapal na maskara. Tahimik.Napakatahimik. Tanging ang mabibigat niyang paghinga at ang patak ng dugo na bumabagsak sa sementadong sahig ang sumisira sa katahimikan. Sa kabila ng kanyang kalagayan, hindi man lamang siya humihingi ng awa. Hindi siya nagsasalita.Parang isa lamang siyang batong hindi kayang yanigin ng sakit. "Ah..." Isang mahinang ungol lamang ang kumawala sa kanyang labi nang muling humampas ang latigo ng aking mga tauhan. "ah!" kapag ayaw magsalita latiguhin pa!" sigaw ng isa kong

