Lucio POV “Papa… I can’t breathe!” Halos hindi ko na makita ang mukha ng aking anak sa kapal ng usok. “Lucifer!” Pilit kong pinipigilan ng aking mga mata ang luha habang tinatangka kong abutin ang kanyang kamay. Sa paligid namin ay naglalagablab ang apoy. Ang mga kurtina, muwebles, at kahoy na bahagi ng mansion ay isa-isang nilalamon ng apoy. “Hold on, son! Huwag kang bibitaw!” “Papa!” Hinawakan ko siya nang mahigpit. “Makakalabas tayo rito. Pangako ko sa’yo.” Ngunit kahit gaano ko kagustuhang maging matatag para sa kanya, alam kong unti-unti nang nauubos ang aming oras. May malaking bahagi ng kisame ang bumigay. “Lucifer, run!” Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong silid. At bago ko pa siya tuluyang mahila ay isang malaking debris ang bumagsak sa pagitan namin. “Papa!”

