"Babygirl, I'm sorry. Baka gabi na ako makauwi. May emergency meeting sa kumpanya." "It's okay lo. Mag-iingat ka." "I love you." "I love you too." Pagkababa ko ng tawag ay napangiti ako.Dahil wala akong pasok ngayon ay napagpasyahan kong maglakad-lakad sa hardin. Ngunit pagpasok ko sa loob ng mansion ay agad akong natigilan. May isang lalaking hindi ko kilala ang kampanteng nakaupo sa sala. Nakasandal ito sa mamahaling sofa.Nakapangalumbaba.Nakapatong pa ang dalawang paa niya sa center table na tila sarili niyang bahay ang mansion. May sinding sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri. Dahan-dahan siyang bumuga ng makapal na usok. "Sino ka?" Malamig kong tanong. Bahagya siyang napangisi bago dahan-dahang tumayo. Nang tuluyan niya akong makita ay tila nanlaki ang kanyang mga mat

