Habang tumatagal ay lalo kong nararamdaman ang unti-unting paghina ng aking katawan. Sa bawat araw na lumilipas ay tila may kung anong dahan-dahang sumisipsip sa natitira kong lakas.Madalas na akong mahilo. Kahit ang simpleng pag-akyat ng hagdan ay kinakailangan ko nang huminto upang habulin ang aking paghinga na anumang sandali ay babagsak ako. Hindi ko alam kung ang dugong paulit-ulit kong ibinibigay ay talagang napupunta lamang sa batang dinadala ni Lola Mercedita... o kung may iba pa siyang dahilan na hindi ko nalalaman.Minsan ay napapatanong ako sa sarili.Ito na ba ang karma ko? Ito ba ang kabayaran dahil inagaw ko si Lolo Lucio mula sa kanya? Ngunit sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga tanong na iyon ay agad ko ring itinataboy. Ayokong magkimkim ng galit habang may isang inosen

