Chapter 24

1724 Words

"Alalahanin mo, Nenefe!" nanginginig sa galit na sigaw ni Lola Mercedita habang mariin akong itinuturo. "Ako ang nagsakripisyo para sa'yo noong panahong iniwan ka ng sarili mong mga magulang! itinuring kitang parang tunay kong apo! At ngayon... ngayong kailangan ko ang tulong mo, ipinagdadamot mo ang dugo mo para sa magiging anak namin ni Lucio?" Bawat salitang binitiwan niya ay isa-isang tumarak sa aking dibdib. Napakagat ako sa aking ibabang labi habang pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala. Nanginginig ang buo kong katawan, hindi lamang dahil sa panghihina kundi dahil sa sakit ng kanyang mga paratang. "L-Lola..." halos pabulong kong sambit. "Hindi ko ipinagdadamot ang dugo ko. Kailanman ay hindi ko naisip na pabayaan ka. Sadyang... sobrang nanghihina lang talaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD