Kabanata 14:

2217 Words
It's already 9pm but I still feel the pain in my manhood. That woman! I will sue her! Ikaw ba naman hampasin sa pagkalalaki mo sinong hindi mamimilipit sa sakit, mabuti nga at hindi ang two balls ko ang nahampas. Pero still masakit pa rin ito, parang nabalian ako ng buto. Kanina ay halos gumapang na ako papasok ng mansiyon, mabuti at may natitira pang awa ang babaeng yun at tinulungan ako. "It really hurts! f*ck her." dahan dahan akong bumaba at pumunta sa intercom na paika-ika. Daig ko pa ang navirginan. "Manang, call Audris at papuntahin mo sa kwarto. Magpadala ka sa kanya ng pagkain." maowtoridad na utos ko kay Manang Wanda. Pagbabayaran niya to! I slowly take off my boxers. Pagnasasagi, ang sakit-sakit kawawang alaga nainjured ng wala sa oras. Maya-maya pa ay may kumatok na sa pinto. I know si Audris na yun. "Come in!" sigaw ko at prenteng humiga sa kama. Hinubad ko na rin ang sando ko para presko itinago ko na lang sa makapal na comforter. "Hi Señorito ito na po ang pagkain niyo." masayang wika ng babae habang nilalapag ang tray sa bedside table ko. "W-who are you?!" inis na tanong ko, i thought it was Audris bakit itong babaeng to ang naghatid ng pagkain sa kwarto ko. "I'm Katya po señorito." masayang wika pa rin nito. "Si Audris ang gusto kong maghatid ng pagkain ko, hindi ikaw!" nakakainis, nabingi na ba ang matandang yun. Audris hindi Katya! "S-señorito... ako na po yung nagpresentang maghatid k-kasi---" agad kong pinutol ang sasabihin niya. "I don't care, can't you understand? ang sabi ko si Audris, hindi ikaw. Kung sa simpleng utos lang ay hindi makaintindi, lumayas ka na sa mansiyon!" kita kong namumula na ito at maya-maya'y tutulo na ang luha. "Get out! naalibadbaran ako sayo, just call Audris. Pag hindi pumunta dito edi sabay na kayong lumayas sa mansiyon!" mariing wika ko, kita kong napatango-tango siya. "Bago ka umalis, kunin mo iyang tray tapos ibalik mo sa kusina, bigyan niyo ng panibago si Audris at dalhin dito. Naiintindihan mo ba?" tumango ulit ito at kinuha na ang tray. Agad naman siyang lumabas ng kwarto. Maya-maya pa ay may kumatok na ulit. "Kung hindi ka si Audris, lumayas ka na sa mansiyon ah!" sigaw ko. Pumihit naman ang seradura at inis na mukha ni Audris ang bumungad sa akin. "Andito na po mahal na señorito!" inis na wika niya at tinapunan ako ng mataray na tingin. Bahagya akong napangisi. "Come here!" tawag ko sabay naghand gesture na papuntahin sa gawi ko. "Hindi na, andito lang naman ako para ihatid ang pagkain mo. Aalis na rin ako mahal na señorito." wika nito at inilapag sa bedside table ang tray. "Subuan mo ako." utos ko, pero tinignan niya lang ako ng mapang-uyam na tingin. "Bingi ka ba?" ang lakas talaga ng babaeng to para kontrahin ako. "Hoy Audris!" bulyaw ko. "Señorito, hindi naman po kasama sa nasaktan yung kamay niyo, pwede pa naman kayong makakain ng maayos." wika niya. "Aba! kahit na, nasaktan mo pa rin ako!" inis kong sigaw sa kanya. "Sobrang sakit ng paghampas mo sa kargada ko, hinding-hindi ko to palalampasin. Kung ayaw mong sundin ang utos ko, sige I will call Granny and tell to he--." "Oo na, gagawin ko na." biglang sabat niya. "Good girl." nakangising wika ko at umupo ng maayos. Pansin kong nag-iwas siya ng tingin dahil tumambad na sa kanya ang matipunong pang-itaas ko. "Dami mo talagang kaartehan señorito, sige na susubuan na kita." napipilitang turan nito at pilit umiiwas. Kinuha naman niya ang tray at umupo sa may tabi ko. Seryoso nga talaga siya na susubuan ako, nagbibiro lamang ako. Bahagya akong napangiti, ganito ang ginagawa sa akin ni Elsie sa tuwing nagtatampo ako. "Alam mo señorito hindi kita maintindihan. Minsan mabait, minsan d*m*ny* at madalas timang." kunot-noo naman akong napatingin sa kanya. "Ako timang? aba may timang bang kasing gwapo ni Chernikov Khareem Kadovar?" tanong ko sa kanya habang nakapogi-sign pa. "Oo ikaw señorito." wika niya sabay takip sa bibig. "Nagwagwapuhan ka sa akin?" mapanuksong tanong ko na natatawa pa. "Hindi no!" pasigaw na wika niya, napaghahalataan. Agad naman niyang pinasakan ang bunganga ko ng pagkain. "Asus! wag na magdeny alam ko naman na gwapo ako. Normal lang iyan." natatawa ko pa ring saad. "Tumahimik ka na diyan señorito at kumain ka na lang." wika niya sabay subo ulit. "Sinong nagluto?" tanong ko habang ngumunguya. Agad naman niyang tinampal ang bibig ko at matalim ko siyang tinignan. "You son of a bi---ano ba l*tse!" natawa pa ito dahil nagkanda hulog-hulog pa ang kanin na nasa bunganga ko. Para akong batang timang na pinagalitan ng ina. "Wag kang magsalita kong may pagkain sa bibig, ayan tuloy tumatalsik-talsik na. Dugyot mo, kalalaking tao." asik niya. "Talsikan kita diyan eh!" natatawang turan ko. Hindi niya na lang ako pinansin at sinubuan ulit ako, grabe puno na ang bunganga ko. Tinapik-tapik ko siya kasi nga nabubulunan na ako. Lintik na Audris yan! papatayin niya ba ako. "A-audr..is..!" pinagsuntok-suntok ko na ang dibdib ko. "Señorito? na pano ka po?" tarantang tanong niya. F*ck! ang sakit na letse to! I can't talk, umakto ako na kunwari iinom ng tubig. "Naku! ba't hindi niyo po sinabi na nabubulunan kayo!" agad itong tumayo at lumabas ng kwarto. F*ck her! paano ako makakapagsalita? at ano bakit wala siyang dala na tubig?! Sinuntok-suntok ko na lang ang dibdib ko. Mukhang kakapusan na ako ng hininga nito. "Ito na po, inom na po kayo." abot niya sa baso pero yung pitsel ang kinuha ko at tinunga iyon. Kada lagok ko ay parang may bumabara talaga, hinagod-hagod niya naman likuran ko. May kung anong init na sensayon tuloy 'yong dala. Imbis na sumasakit ang lalamunan ko ay mas iba pa ang inaalala ko. Bwesit naman! mamatay-matay na ako kalibugan pa rin ang naiisip ko. "Señorito pasensya na po talaga. Ang tanga ko kanina." paghingi niya ng paumanhin. Mabuti na lang maayos na ang pakiramdam ko. "Okay na, muntik mo na ako patayin. Nahampas mo na nga ako kanina tas ngayon papatayin pa." natatawang wika ko. "Pasensya na, ito ice cream pang peace offering!" wika nito sabay peace sign pa. Pilit pang ngumingiti, kunot-noo naman akong napatingin sa kanya. Maya-maya pa ay sumilay ang ngiti ko sa labi, may naiisip na naman akong kalokohan. "Sige akin na yan! pakiligpit na lang ng pagkain." utos ko, agad naman niyang kinuha iyon at lumabas ng kwarto. Kinuha ko yung remote control at pinatay ang ilaw sa silid ko. Narinig kong pumihit ang seradura. "S-señorito anong nangyari?" alalang tanong nito. Bahagya akong napangisi. It's pay back time! "Napunderya na ba ang ilaw sa kwarto mo?" muling tanong niya. "A-ahh oo ipapaayos ko to bukas." pagsisinungaling ko. "Naku, señorito pwede naman po nating ipaayos sa mga empleyado ngayon." wika niya. "Wag na Audris, matutulog na din naman ako maya-maya. Yung lamp shade na lang pailawin natin." binuksan ko naman ang magkabilang lamp shade. Parang ang romantic tuloy tignan. "Halika Audris manood tayo ng movie." pag-aaya ko sa kanya. "Anong panonoorin?" tanong niya sa akin. "Pipili tayo, pakisaksak na muna ang flatscreen tapos buksan mo. Akin na rin ang remote." utos ko rito, tinignan niya lang ako at agad na sinunod ang utos ko. "Okay na po mahal na señorito." wika nito na pinipigilan ang inis. "Umupo ka dito sa tabi ko, bilis baka matunaw na tong ice cream." maowtoridad na sabi ko. "Ayoko nga baka kung ano pa ang gawin mo sa akin." sabi niya at umupo ito sa may kanto ng kama. "Ikaw bahala." binuksan ko na ang ice cream, 1.5L to ewan at saan niya nakuha. "Saan mo naman ito ninakaw?" takhang tanong ko. "Hoy grabe ka sa ninakaw ah, pinabili ko kila Marichu yan nong namalengke sila iuuwe ko sana bukas sa mga kapatid ko kaso naawa ako sayo e, ayan pampalubag loob." wika niya. Nabaling naman ulit ang tingin ko sa ice cream. Kesong puti ito, ang pinakapaborito kong sorbetes nong bata pa ako. "Oh ang laki naman ata ng ngisi mo diyan?" napangiti ako sa kanya pero agad ko naman binawi yun. Kinuha ko yung plastic na kutsara at nagsimula ng mag sadlok. "Hoy señorito!" tawag niya. Susubo na sana ako. "What? can't you see susubo na ako." inis na bulyaw ko. "Anong movie ba panonoorin natin? ako na lang magseselect." sinubo ko muna ang ice cream bago siya sagutin. Nakakabalik-bata talaga itong ice cream. "Gerald's Game." wika ko at itinuon ulit ang pagkain ng sorbetes. "Audris, ayaw mo?" alok ko sa kanya, nagsadlok pa ako sa kutsara ngunit pahapyaw niya lang itong tinignan. "Iisang kutsara lang e." wika niya at nagselect ulit. "Audris ngayon ka pa magiinarte e, nakailang palitan na tayo ng laway." mapanuksong sabi ko. I smiled when something silly came to my mind. I spooned some ice cream and put it on my tongue. After that, I licked her lips. "Señorito!" kita kong napasinghap siya saka ako matalim na tinignan. "W-why?" maang tanong ko saka ngumisi and I continued eating my ice cream. "Ang dugyot mo!" inis na wika niya. Nagsadlok ulit ako at nilagay sa labi ko sabay dampi sa pisngi niya. I just burst out laughing because of how she looked. I think she was going to explode because of anger. "Hey you're so cute Audris." natatawang saad ko saka dinampi ulit ang labi kong puno ng sorbetes. Hindi naman maintindihan ni Audris ang pinapakitang ugali ni Chernikov ngayon. Tila ay iba ang binata sa nakasanayang pinapakita nitong ugali sa kanya. Masungit, strikto, bossy, moody, d*monyo at timang, ngayon ay ibang-iba talaga parang batang sayang-saya. Ni hindi na nga sila makapanood ng maayos dahil sa ikinikilos nito, lalo pa sa pang-itaas nitong tambad sa kanya parang gusto niya tuloy kurotin. Nakakadistract talaga. Wala na rin siyang maggawa ng subuan siya ng ice cream nito, hindi rin kasi nagpapaawat itong lalaking cute na nasa likuran niya. Maya-maya pa ay dumampi na naman ang labi nito sa pisngi niya na siyang ikinagising ng diwa niya. Grabe ang hatid nitong kagalakan sa puso niya, dumadagundong talaga. "Tignan mo Audris oh ang panget ng lalaki!" wika nito sabay turo sa tv, tila nabalik sa kanyang ulirat at gulat na napayakap dito. May lumabas kasing nakakatakot na mukha. "Ano ba yan natsatsansing ka Audris." natatawang saad nito. Nahampas niya nga, loko ba't ngayon niya lang napansin na may halong horror pala ito. Palibhasa ay hindi sa movie nakatuon kung hindi sa sweetness na ipinapakita ng kaniyang señorito. "Ayan na naman Audris!" panakot ulit sa kanya. Agad na siyang pumasok sa kumot ng señorito niya at nagtalukbong. Napansin niyang panay singhap ito, napansin niya ring w-walang sap... "W-wala kang saplot!" agad na napatayo ito at napalayo sa kanya. Sakto naman na tumama ang tingin niya sa tv at nakita na naman ang bwesit na pagmumukha, kaya agad din siyang bumalik sa señorito niya. Panay tawa na lang ang ginawa ni Chernikov, sinadya niyang Gerald's Game ang panoorin bukod sa may nakakatakot na mukha, ay may tukaan pa. "Ano ba yan, movie lang takot na agad. Ayan tignan mo hindi nakakatakot." wika ulit nito. Nanigas naman si Audris sa kinauupuan niya ng magsimula ng magtukaan ang mga bida. Naramdaman niya ring panay haplos ang señorito niya sa balikat niya. Kaya nakaramdam siya ng konting init at kiliti. "A-audris..." bulong nito sa tenga niya. Bawat pag salita nito ay siyang pagdampi ng maiinit nitong hininga. Muling lumapat na naman ang labi nito sa pisngi niya. Tinitigan niya lang ito, nadadala na tuloy sa mga malalagkit na titig ng kanyang señorito, kaya nagawa niyang halikan ito pero smack lang. Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Chernikov ng halikan siya ni Audris. Hindi niya inakalang hahalikan siya ng babae. Agad niyang inihiga ang babae sa kama na tila ay pinaubaya ang sarili sa kanya dahil hindi man lang ito nanglaban o nagprotesta sa pagpatong niya. Natatamaan ng ilaw ng lampshade ang pigura nito. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha nito. Maganda talaga at hindi niya malaman-laman sa sarili kung bakit kating-kati siyang galawin ito. "Pwede magpalit tayo?" tanong ni Audris sa kanya na ikinapagtaka niya. "Magpalit tayo ng pwesto, gusto kong makabawi sayo Mr. Kadovar." mapangakit na wika nito. Nabuhay tuloy ang kalooban niya dahil sa pagtawag sa kanya ng Mr. Kadovar, ganon na rin ang alaga niyang kanina lang ay sumasakit, parang ngayon ay sumasaludo pa talaga. Agad naman silang nagpalitan ng pwesto, ngayon ay nasa ibabaw na si Audris. "Isa pa ngang Mr. Kadovar Audris." pagpapaulit niya dito, may kakaibang dating kasi sa kanya ang pasimpleng pagtawag ng Mr. Kadovar. "Mr. Kadovar..." para tuloy siyang nawindang sa bulong ni Audris na sinabayan pa ng kagat sa tenga niya. Mas napasinghap siya ng lagyan ni Audris ng sorbetes ang labi niya. She licked it slowly. Nakakadarang ang ginagawa nito. Mas lalo pa itong bumaba sa leeg niya na ngayon ay nilalagyan na naman ng sorbetes at dinilaan ng dinilaan, na halos panggigilan na ito ni Audris. Papikit-pikit lamang si Chernikov habang ninanamnam ang sarap na ginagawa ni Audris. Napatigil lamang ito ng biglang magring ang phone ng señorito niya. "Sh*t!" mura nito sabay tingin sa kanya. Napakamot na lang siya sa kanyang batok at tinignan ang señorito niyang ngayon ay umuusok na naman sa inis dahil sa isturbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD