bc

WHEN I SAY, I LOVE YOU (EDITED) [Tagalog]

book_age18+
196
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
second chance
dare to love and hate
CEO
drama
twisted
bxg
city
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Chernikov Khareem Kadovar, a half-Turkish businessman. A man who is still enslaved by his past. Some ladies tried to date him, but he refused as he still loved his ex-fiancée, who tragically died. Until he meets Audris Leonidas, his grandmother's carer, who is secretly in love with him.

 

Is there a chance Chernikov will fall in love with Audris and eventually lose his love for his ex-fiancée?

 

Briguel Juvencia is a well-known attorney who is in love with Audris. Is it possible that Audris can repay the love that he gives?

Audris Leonidas is a woman who only wants to be loved and wants to live peacefully. She's stuck between two people; the one she loves and the one who loves her. 

 

Sino nga ba ang pipiliin niya sa dalawa?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
BLURB: Paano kung yung taong mahal mo ay nakakulong pa rin sa nakaraan niya?Hahayaan mo na lang ba ang sarili mong patuloy na mahalin siya kahit alam mong sa huli ay dehado ka. O, ititigil mo na lang dahil may isang tao din na handang ibigay ang lahat para mahalin mo siya. Magulo, kung pag-ibig na ang pag-uusapan. Kaya basahin mo na lang ang kwento ko para malaman mo kung paano ko ito masusulosyunan. Ako nga pala si Audris Leonidas, ang babaeng nagmahal sa taong may ibang mahal. Ang masaklap pa ay patay na ang karibal ko... *** Umaga pa lang ay nakapila na sa labas ng kompanya si Audris upang mag apply ng trabaho, may ginanap kasing job fair kaya nagmadali siyang pumunta ka agad. Kahit anong trabaho ay tatanggapin niya alang-alang sa mga kapatid niya. Ulila na kasi sila, may apat siyang kapatid na animo'y pa United Nation ang datingan, dahil iba't-iba ang mga lahi nito. Si Audris na lang ang tumataguyod sa kanila. Namatay na ang kanyang ina, ang kanyang ama naman ay hindi niya mawari kung nasaan. Naghiwalay kasi ang ina niya at ama noong bata pa siya, nagbanta kasi ang ama nito na dadalhin siya sa Italy dahil hindi ito mabibigyan ng magandang buhay nang ina, dahil isa itong prostitute sa bar. Oo, yun ang trabaho ng kanyang ina kaya may mga apat siyang kapatid na may lahing Japanese, Lithuanian, Lebanese at Indonesian, pati siya ay may lahi ring Italian. Kung sa ibang tao ay pangarap na magkaroon ng ibang lahi ang dugo nila, sila ay kabaliktaran. Mas gusto nila maging buong pinoy, puro kasi pangungutya ang nakukuha nila sa ibang tao. "Bunga ng kalandian!" "Mga bastarda at bastardo!" puro ganyan na lamang ang naririnig nilang panglalait. Okay lang na kay Audris sabihin lahat ng mga yun, wag na wag lang talaga sa mga kapatid niya, dahil malaking gulo na kapag nagkaganon. Pagkatapos ng interview ni Audris ay sinabihan siya na hindi qualified sa mga posisyon sa kompanya. Oo, nasa isip na niya yun baka hindi talaga siya matanggap dahil 1st year college lang ang naumpisahan niya at hindi din ito related sa mga posisyon sa kompanya. Napasandal na lang siya sa may poste ng Sodium Light, ngalay na ngalay na rin siya kakapila. Saktong may Fishball at Buko Cart sa gilid, makakakain na rin siya. "Kuya, magkano po ba yung isang tuhog ng fishball?" kinuha niya muna ang pitaka sa bag. "10 pesos neng," pagbukas niya sa pitaka niya, dalawang benteng papel at puro coins na di aabot sa 20. Bahagyang napangiti si Audris, sa bahay na lang siguro siya kakain para makatipid na rin. Baka di na rin magkasya yung pera niya pang commute pauwi. Malayo pa kasi ang uuwian niya, 80 pesos papunta sa Makati at 80 pesos din naman pabalik sa laguna. Nakabudget na yun. Ganon kalayo ang binyahe niya para lang makahanap ng trabaho. "Kuya, ice tubig meron po kayo?" tumango naman ang tindero. Pero laking gulat ko nang magsalin siya nang buko juice at nagtuhog ng fishball. "Ineng, sayo na lang ito. Alam ko mahirap ang buhay, ilibre ko na lang yan sayo." gusto ko sana tumangi, kaso yung tiyan ko gutom na talaga eh. Ngumiti ako saka tinanggap ang bigay ni manong. "Salamat po manong, sa susunod po na magkita tayo ikaw naman po ang ililibre ko." "Ililibre mo ako ng fishball at buko juice neng?" parehas kaming napatawa, ngunit agad na nawala yun nang may bigla hinimatay na matanda sa harapan ko. "Madam? madam...?" halatang dahil sa init kaya siya hinimatay. "Madam?" inalog-alog ko siya pero wala pa ring malay. "Manong, mineral water po meron kayo?" agad naman akong binigyan ni manong. Naalala ko ang laman ng wallet ko. Bahala na, baka pag ice tubig ang ibinigay ko eh magkasakit pa lalo. Hiniram ko muna ang maliit na bangko ni Manong at don pinaupo ang babaeng nahimatay. "Madam, ito po tubig." agad ko namang binigay sa kanya ang tubig nang magsimula siyang magkamalay habang pinapaypayan gamit ang requirements na hawak ko. "A-anong nangyari?" tanong niya na may halong pagtataka. "Bigla po kayong nawalan ng malay sa harapan ko, siguro po dahil sa init." Halata kasi sa kasuotan at balat nito na yayamanin at hindi sanay sa init. "Ah, salamat sa tulong hija." nakangiti niyang wika sabay hawak sa kamay ko. "O-okay na po ba ang pakiramdam niyo?" "Maayos na hija, salamat talaga." nginitian din nang babae si Manong. "Mag-aapply ka ba?" tanong niya, napansin niya kasi ang envelope na hawak ko na ginawang pamaypay. Tumango ako. "Kaso po hindi ako qualified, 1st year College lang po kasi ang natapos ko at hindi po daw related yung kurso ko sa mga posisyon don." kita kong napakunot ang noo niya at kinuha ang resume ko. "Pharmacist? hindi ka nga matatanggap sa kompanya." tinignan niya ako ng seryoso. "Ako si Viviana Juvencia, may-ari ng kompanya na pinag-applyan mo." namilog naman ang mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Ikaw? Anong pangalan mo?" napakurap pa ako nang ilang minuto. Di ako makapaniwala, kaharap ko ang may-ari nang kompanya. "I'm Audris Leonidas po madam." ngumiti ito at saka binalik ang resume ko. "I'll give you an offer, magtratrabaho ka sa'kin pero hindi sa kompanya." "P-po?" "Kailangan mo ba talaga nang trabaho?" Tumango ako. "Opo, kahit anong trabaho po tatanggapin ko." "Well, pharmacist ka at may alam ka din sa mga gamot. Pwede kang magtrabaho sa'kin. May sakit ako, maraming minemaintenance na mga gamot at mahihirapan na akong magpa interview pa ng mga nurses. Ikaw, nakikita ko naman may mabuti kang puso, ako nga na estranghero ay tinulungan mo pa." gusto kong magtatalon sa sobrang saya. Mas okay itong trabaho na inalok niya sa'kin. "Bilang ganti na rin sa kabaitan mo, tatanggapin mo ba ang inalok ko?" agad ko siya niyakap na ikinagulat niya. "Salamat po talaga madam, hulog po talaga kayo ng langit." "Salamat din hija, nandito na pala si Ernie." napatingin ako sa lalaking nasa mga 60's na ang edad. "Ma'am Vivian, pasensya na po naflat po kasi yung gulong, dinaan ko muna sa talyer." "Okay lang, mabuti at nandito si Audris, nahimatay ako kanina sa sobrang init." "Nako po ma'am! pasensya na po talaga." bumaling naman sa'kin ng tingin ang driver ni madam. "Hello po manong, ako po si Audris." ngumiti ito sa'kin sabay kaway. "Salamat hija, sa pag-alalay kay madam." ngumiti lang ako bilang ganti at sinimulan na niyang alalayan si madam. "Audris, hindi na kami magtatagal at kailangan ko na magpahinga. Ito ang business card ko, tawagan mo mamayang gabi para mapag-usapan kung anong oras ka susunduin ni Ernie bukas." "Salamat po madam, ingat po kayo!" kaway ko sa sasakyang paalis na. "Lord, thank you po nang maraming marami!" Sa wakas! may pang gastos na rin kami, salamat talaga Panginoon. . . . . Mga ala-sais pa lang nang umaga ay may bumusina na sa harapan ng bahay namin. Tiyak na si Manong Ernie na yun, nakausap ko kasi ang sekretarya ni Madam kagabi at ngayong araw na daw ako magsisimula, kaso stay-in. "Ate, di ka naman siguro magtatagal don sa Makati?" tanong ng bunso naming si Ashfani. Siya yung may lahing Lithuanian, 6 years old na siya at di siya sanay na di ako nakakasama sa bahay, kaya sobrang nalulungkot talaga siya. "Uuwi naman ako dito baby girl, pag day- off ni ate." hinagod-hagod ko ang likod niya, nagsisimula na namang umiyak. "Hays, Ash wag ka nang umiyak, uuwi naman si ate dito, magdadala siya nang maraming laruan at chocolates." mabuti at andito ang kapatid kong sobrang bait, nagagawa niyang mapakalma ang bunso namin. Siya si Monet ang dalaga kong kapatid na may lahing Indonesian. 18 years old na ito, at sobrang sipag mag-aral, sa katunayan nga ay valedictorian siya sa kanilang eskwelahan. "Monet, alagaan mo muna si Ash ah, pag saturday at sunday naman ay uuwi ako. Si Aikie at Pacco pagsabihan mo rin wag puro computer games." Naalala ko ang dalawa kong kapatid na lalaki, matitigas ang ulo pero matatalino naman pag dating sa klase. "Ate, tumigil na ako kakacomputer games ah, si Kuya Pacco na lang yung sobrang adik don!" sumulpot naman si Aikie na halatang kakagising lang. Siya ang kapatid kong may lahing Japanese, 20 years old na ito at balita ko ay habulin ng mga babae sa eskwelahan nila. Pero ayoko muna mag jowa sila, aral muna. "Ikaw Aikie, idadamay mo pa ako diyan! Ate, yang si Aikie may babae yang pinopormahan, anak ng may-ari sa computer shop." nagsalita naman ang lalaking kalalabas lang sa banyo. Si Pacco, ang kapatid kong may lahing Lebanese, 21 anyos na ito. Kung habulin si Aikie ng mga babae, ay mas habulin tong gunggong na ito! Napahilot na lang ako sa sentido ko. Narinig kong kumatok si Manong Ernie. "Magandang Umaga Audris! Ready ka na ba?" napatango na lang ako at isa-isang hinalikan ang mga kapatid ko. "Bye Ate! pasalubong ah!" sabay nilang wika habang nakaway-kaway. "Mag-iingat kayo diyan, tawagan si ate ah!" masakit man, pero kailangan ko magtrabaho para sa kanila. Bahala na, isasantabi ko muna ang lungkot ko, uuwi naman ako pag weekends. Mga ilang oras din ang binyahe namin, at sa wakas ay nandito na kami sa bahay ni madam. "Audris, ito ang bahay ni Madam Viviana." pag labas ko ng kotse ay namilog ang mata ko at napaawang ang labi. Hindi ako makapaniwala, yung mga mansiyon na napapanood ko lang sa telebisyon ay harap-harapan ko ng nakikita sa personal. Maraming guards ang dumalo at tinulungan kaming bitbitin ang maleta at bag kong dala. Manghang-mangha pa rin ako at di makapaniwala sa nakikita ko. "Audris! Welcome to my house!" hindi pa man ako nakakapasok sa mansiyon, ay sinalubong na agad ako ni Madam Vivian ng yakap. "M-magandang Umaga po Madam, salamat po talaga." iginiya niya ako papasok sa bahay nila. Ang laki talaga, sa labas ng mansiyon sobrang lawak, sa loob naman ay grabe! parang palasyo sa mga Walt Disney Movies. "Feel at home Audris, halika at ipapakilala kita sa mga kasambahay ko." ako ata ang napapagod sa ginagawa ni madam, halos ilibot at ipakilala na niya ako sa buong mansiyon. Pumunta kami ng kusina at nakita ko ang apat na babaeng naka unipormeng pang katulong. "Hi girls, ito nga pala si Audris, makakasama niyo na siya simula ngayon." pagpapakilala ni madam sa kanila. Nginitian naman ako ng dalawang babae na halatang kaedad ko lang ang isa at halos nasa mga 40's naman yung katabi niya. Yung dalawang babae naman ay nakataas lang ang kilay at kunot noo, kaedad ko rin sa tingin ko yung isang babae at yung katabi niya naman ay may katandaan na, tansya ko ay nasa mga 60's na. "Sige Audris, maiwan na muna kita diyan." pagpapaalam ni madam sa akin dahil may aasikasuhin pa siya. "Hi Audris! Ako nga pala si Marichu Trinidad at ito naman si tita Mimi ko." masayang pagpapakilala nila. "Hello po sa inyo, ako nga pala si Audris Leonidas." nakangiti kong wika saka kami nagkamayan. "Wag mo na pansinin si Aling Wanda at Katya, pinaglihi sila sa sama ng loob." natatawang sabi naman nila Marichu. Halata nga, kanina pa nakasimangot. "Halika, ituturo namin yung kwarto mo." sumunod naman ako sa kanila. "Kuwarto ko?" taka kong tanong. Tumango sila. Agad kaming pumanhik pataas ng hagdan. "Diba dapat kwarto natin?" nagtataka pa rin ako ba't 'kwarto ko daw' ang sinabi niya. "Oo, sabi ni madam dapat malapit ka sa kwarto niya matulog, para isang tawag lang ay andon ka na kaagad." binuksan niya ang bakanteng kwarto na mapapamangha ka sa sobrang linis at laki. "Ang ganda naman..." nakita kong andon na pala ang mga gamit ko. "Eh kayo Marichu, s-saan natutulog?" tanong ko, baka kasi ako lang ang natutulog sa magagarang kwarto, sa pag kakaalam ko kasi ay may quarters ang mga katulong at dapat don na lang ako. "May bahay don sa likod ng mansiyon lahat ng mga empleyado ay don tumitira. Parang isang compound lang kung titignan." ang bait naman pala ni madam akala ko siksikan sila sa isang kwarto lang, yun naman pala ay may mga bahay sa likod nito na tinutuluyan ng mga empleyado. "Pwede kang pumunta d---..." napatigil sa pagsasalita si Marichu nang magring ang telepono sa salas. Agad naman silang dumalo ni Mimi. "Magandang U-umaga po Señorito! Si Madam po ay wala dito sa...O-opo Señorito, maliwanag po Señorito!" saka binaba ang tawag. Kita ko namang napatalon si Marichu at parang kinikilig sa inasta niya. "Marichu, okay ka lang ba?" nakita ko naman na inayos niya ang sarili niya. "Oo, okay na okay lang ako!" sabay tili. Gulat naman ako sa pag tili niya. "S-sino ba yung tumawag?" tanong ko, nacucurious na kasi ako eh. "Y-yung apo ni madam! uuwi na sa pinas, juskolord!!" agad ko namang tinakpan ang tenga ko, ang sakit sa tenga nang tili niya. "Nako, tita Mimi magpapaganda talaga ako para mapansin na ni Señorito Chernikov!" kita kong napatakip na rin si Aling Mimi sa tenga niya. "Audris, yung apo ni madam sobrang pogi, lalo na yung mga kaibigan niya. Nako! Audris para kang nakakita ng mga anghel na nahulog galing langit!" "Marichu, tama na nga yung kakatili mo! Maglinis na tayo. Audris pasensya ka na ah, magpahinga ka muna sa kwarto mo, mamayang gabi pa kasi uuwi si madam." Saad nila saka nagpaalam. Agad naman akong napasampa sa kama at niyakap ito. Grabe, first time ko makahiga sa ganito kalambot na kama. Naalala ko tuloy yung mga kapatid ko. Nagtext na muna ako sa kanila na maayos akong nakapunta sa mansiyon at saka nahiga na nang maayos. Bigla namang nasagi sa isip ko yung sinabi ni Marichu kanina, "Señorito Chernikov..." iniisip ko kung bakit ganon ang reaksiyon ni Marichu kanina. Totoo nga kayang mala-anghel ang mukha niya kaya ganon na lang kiligin at makatili si Marichu? "P-pero ang bantot naman ng pangalan niya, tunog pa lang parang Bombay'ng 5'6, na nagpapautang nang pera, halatang pinagtripan lang." napangisi na lang ako saka ipinikit na ang mga mata ko. SA KABILANG DAKO naman ay nagreready na ang mag-amang si Francis at Chernikov sa pag-uwi nila sa Pilipinas. "Büyükanneyi görmek için heyecanlı." (I'm excited to see Granny.) I'm excited to see my grandma again, but I'm also sad that I'll be leaving the country where I first met Elsie, my fiancée. "Nik, when we return to the Philippines, there will be no Turkish language? understand?" I sighed. It's hard, mas sanay akong gamitin ang Turkic language. "Anladim." (I understand.) "Kakasabi ko lang, you should practice speaking Tagalog habang andito pa tayo." I can understand Filipino language, pero hindi gaano magaling sa pagsasalita. 14 years na kasi akong andito sa Turkey, simula nong namatay si Mama nong 14 years old ako. Naisipan ni Papa bumalik sa bansang pinanggalingan niya, para dito na manirahan. We've escaped away from the pain of losing my mother, kaya andito kami. Pero mas lalo pa palang sasakit nang mamatay ang pinakamamahal kong babae. I was there nang mawala siya. She was with me in the car. I was very drunk at that time, because I couldn’t accept that she was cheating on me. I always shouted at her while she was driving the car. I saw she was already crying, which is why she didn’t notice the truck coming towards us. Maybe by that time, his vision was blurred because of the tears coming out of her eyes. Napabuntong hininga na lang ako. Kung maibabalik ko lang ang lahat. Sana ay pinakinggan ko na lang ang sasabihin niya. Huli ko nang nalaman na hindi niya pala ako niloloko. Ako lang tong Gag* na agad agad nagpapadala sa emosyon at pag ooverthink ko. She was dead on arrival nong isinugod siya sa hospital. I was there, iyak nang iyak dahil wala na. Wala na siya dahil sa'kin. AUDRIS: 7:30 na pala nang gabi, napabalikwas ako ng bangon at nag-ayos na. Alam ko maya-maya ay dadating na sila Madam Viviana. Nagtungo muna ako sa kusina upang tulungan sila Marichu. "Hi Marichu, may maitutulong ba ako?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagluluto nila. "Sa kusina wala, pero pwede patulong na lang sa pag arrange ng mga plato, ulam, baso at utensils sa mesa Audris? si Katya kasi panay t****k don at di na magawang tumulong." natawa na lang ako sa pagkakasabi ni Marichu, halatang hindi sila magkasundo ni Katya. Matapos kong ayusin ang mesa ay sakto namang pag dating nila madam. Pinasabay na niya akong kumain, nakakahiya man na makisalo sa kanya. Eh siya naman ang nagpumilit, dahil wala siyang kasabay kumain. Masasabi kong napaka swerte nang mga empleyado dito dahil may amo silang sobrang bait at may ginintuang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
556.5K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
19.8K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
786.3K
bc

The Lone Alpha

read
123.1K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook