Kabanata 2

2422 Words
Mahigit isang linggo na rin akong nagtratrabaho sa mansiyon, taga tingin sa blood pressure ni ma'am, taga schedule at lagay ng gamot sa medicine pill box, taga gawa ng mga herbal na tsaa, minsan naman ay tumutulong ako sa mga gawaing bahay tuwing breaktime ko. Nadalaw ko na rin ang mga kapatid ko at sobrang tuwa nang magdala ako ng mga pasalubong at bigyan sila ng allowance. Naka advance kasi ako kay Madam para mabigyan ng pang gastos ang mga kapatid ko sa tuwing wala ako. Kabisado ko na rin ang mansiyon, at alam na alam ko na ang mga pasikot-sikot. Sa loob ng isang linggo, marami akong nalaman sa mga buhay nila Madam Vivian at sa apo niya, pero chismis lamang iyon ni Marichu, hindi ko pa nga sure kung totoo ba yun. May nakita rin pala akong litrato nang kanyang anak na hawig na hawig ko. Kaya pala ay magaan ang loob nito sa akin, hindi ko lang daw kasi kahawig ang anak niya, kaugali ko rin daw. Kasalukuyan akong nagchecheck ng BP ni Madam ngayon sa kwarto niya, madalas kasi itong mahilo sa opisina. "Audris, kumusta blood pressure ko?" "130/80 Madam, mukhang kailangan niyo talaga magpahinga muna dito sa bahay. Lagi na lang kasing 130/80 ang BP niyo, hindi po nagbabago." "High blood na naman, tama ka nga Audris sa bahay muna ako hanggang sa maging normal ang blood pressure ko." halatang di siya masaya sa resulta ng BP niya, ayaw niya kasing abutin siya ng linggo na ganito pa rin, dahil uuwi na sa mansiyon ang asawa ng anak niya at apo. Ayaw niya naman na malaman nila na nagkakasakit siya, madalas kasi itong mawalan ng malay. "Sandali lang po Madam, titignan ko lang po yung niluto ko at baka luto na." tumango lang ito. Nagluto ako ng Veggie Soup, mainam ito sa highblood lalo na at maberdeng gulay ang pinanghalo ko. Pagkatapos kong maihain ay gumawa na ako ng tsaa galing sa mga dinikdik kong herbal plants. Agad naman akong bumalik sa kwarto ni madam dala-dala ang tsaa at veggie soup "Ang bango Audris." napangiti ako nang simulan na niya itong kainin. "Masustansya po yan, lalo na po yung tsaa." kita ko naman ang saya sa mukha niya, naubos niya kaagad ang veggie soup. "Sobrang sarap talaga Audris, sa totoo lang ay ayaw ko sa gulay. Pero sa luto mong ito ay mapapadami ako ng kain ng gulay. Lalo na tong tsaa mo, gumagaan talaga ang loob ko pag naiinom ko to." "Masaya po akong nagustuhan niyo madam, mainam po yan para bumaba na ang blood pressure niyo." "Ang swerte ko may taga alaga akong sobrang bait." "Walang anuman po mad-..." magsasalita pa sana ako nang putulin niya ang sinasabi ko. "Audris, wag nang madam ang itawag mo." "P-po?" takang tanong ko. "Tawagin mo na lang akong lola, tutal parang apo na rin naman ang turing ko sayo." nakangiti nitong saad, sabay haplos sa buhok ko. "L-Lola?" paninigurado ko, hindi ako sure kung tama ba ang narinig ko. "Oo Audris, tawagin mo na lang akong Lola Vivian, mas gusto ko ganon ang itawag mo sa akin." halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "E-eh madam nakakahiya naman po kung ganon." hinawakan niya ang kamay ko. "Nakikita ko sayo si Eirine, nakikita ko din sayo ang mga apo ko, sobrang bait mo sa akin. Pagbigyan mo na lang ako, mas gusto kong tinatawag mo akong Lola." ewan ko ba, ba't ganyan si madam. Hays, kita ko ang lapad ng pag ngiti niya. "S-sige po Lola Vivian." niyakap niya ako ng mahigpit, namiss ko na tuloy si mama. "May ipapakita ako sayo." may kinuha siyang photo album at ipinakita sa'kin. "Ito ang mga apo ko, sina Chernikov Khareem Kadovar at ito naman si Briguel Juvencia." napadako ang tingin ko sa lalaking sinasabi ni Lola na Chernikov. Totoo nga ang sabi ni Marichu, mukha siyang anghel na hulog ng langit. "Pogi no?" sabay turo niya sa dalawang binatilyo sa litrato. Napatango naman ako. Pogi naman yung Briguel, moreno at inosente ang mukha tignan, pero mas angat ang kapogian ni Chernikov, nakwento ni Lola Vivian na may lahing Turkish ito kaya ganyan ka gandang lalaki ang mukha niya. "Sana tuluyan ng makarecover si Nik²." takang napatingin naman ako kay Lola Vivian. "B-bakit po?" inayos niya muna ang salamin niya saka nagsalita. "Namatay yung fiancée niya dahil sa car accident at sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay nito." malungkot na kwento ni Lola. kwinento ni Lola Viviana lahat ang buong nangyari sa apo niya at sa anak din nitong namatay. Nakakalungkot yung nangyayari sa kanila, lalo na sa apo nito na tiyak ay sobrang nahihirapan na. Napagpasyahan na munang mag libot- libot ni Audris, tutal tapos na naman ang mga gawain nito at breaktime na. May nakita siyang isang tree house sa may puno ng Narra. Curious siyang napatingin don, ang ganda kasi nang pagkakagawa at ngayon lang niya iyon napansin. "Gusto mong umakyat diyan?" muntik na siyang mapatalon nang may biglang magsalita sa likuran niya. Boses ito nang isang lalaki. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita ang isang pamilyar na mukha nang binatilyo. "Hello, I'm Briguel!" nakangiti nito sabi saka inilahad ang kanyang kamay. Nag-aalangan pa akong tanggapin iyon, nadedestruct kasi ako sa ngiti niya, kitang kita ang ngipin niyang mapuputi. "H-hey!" kumaway-kaway pa ito sa mukha ko. Huli ko nang mapansin na nakatulala pala ako at titig na titig sa pagmumukha niya. Kita ko namang napatawa siya. "Panyo oh, natutulo na ang laway mo." nanlaki naman ako nang may panyong dumampi sa gilid ng labi ko. "S-sorry po." agad naman akong dumistansya. Di maalis ang ngiti nito sa labi. "Joke lang walang laway." ewan ko ba ba't panay ngiti at ngisi. Nahahawa tuloy ako haha. "May I know your name beautiful lady?" napaawang naman ang labi ko. Lord! b-bakit ganito? Bakit ang pogi niya! ahhhh! "H-hey?" at eto na naman siya nakaway na naman sa mukha ko. "A-audris po sir, Audris Leonidas." naiilang ako sa mga tingin at ngiti niya, feeling ko ay matutunaw ako sa kinatatayuan ko ngayon. "Beautiful name, kasing ganda nang nasa harapan ko ngayon." hindi pa man ako nakakasagot ay bigla ulit siyang nagtanong. "Gusto mong makita yung tree house?" sasagot na sana ako nang may tumawag sa lalaking kausap ko. "Briguel! apo!" napalingon ako sa gawi ni Lola Viviana, masaya ito nang makita ang apo niya. Isang mahigpit na yakap ang ginawa nila. Ang saya nilang tignan, namimiss ko na talaga si Mama. "I miss you Granny, here's my pasalubong." sabay pakita nito sa dala niyang mga prutas. "Audris!" tawag ni Briguel sa'kin sabay hagis ng susi. Tinuro niya ang tree house at suminyas na susunod siya. Di ko alam na ganon pala siya ka gwapo sa personal, sa picture kasi kanina ay mukhang nasa 14 years old pa ang edad niya, ngayon mas dumoble ang kagwapuhan niya. "Audris, umayos ka nga! trabaho ang ipinunta mo dito hindi panglalandi!" saway ko sa sarili ko. Nagsimula na akong pumanhik sa hagdan at binuksan ang-..."Juskolord ang alikabok!" halos malanghap ko na ang lahat ng alikabok pagbukas ko ng tree house. "Grabe naman to!" narinig kong may tumawa sa likuran ko. "Labing apat na taon na kasing hindi nalilinisan yan, last naming tambay dito ay mga 13-14 anyos pa kami." natatawa nitong sabi saka ako sinuotan ng mask. Napaawang naman ang bibig ko, mabuti at di na niya iyon nakita dahil natakpan na ng mask. Ang bango niya, amoy natural na bango nang isang lalaki. "Maglinis tayo, para gumanda ulit ito." inabutan niya ako ng walis at dustpan sabay wink. Hindi ko ata matatagalan tong lalaking to, kinikilig ako maryosep! "A-ano to?" sabay taas ko sa mga rubber na hawak ko, may laman ito sa loob at di ko alam kong ano. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ang hawak ko. "A-audris, b-bitawan mo yan!" taka akong napatingin sa kanya, iniiwas niya ang tingin niya sakin. "T-tapon mo diyan sa basurahan!" utos niya pero nakaiwas pa rin. "A-ano ba to?" curious pa rin ako, papikit pikit siyang napatingin sa hawak ko. "C-condom." agad ko naman binitawan. Napakagat labi pa ako, kadiri!!! Bat ang dami naman nito? "Nag c-contest k-kami." tila nabasa niya ata ang iniisip ko. Gusto ko na talagang matunaw sa sobrang kahihiyan, kita ko na rin ang pamumula niya. Nakakailang na talaga! "S-sorry, napaka-pakialamera ko talaga!" nakayuko kong sabi saka umiwas ng tingin. "Wag ka mag sorry, kadugyutan namin yan. Pasensya na." pagpapaumanhin niya. Nagpatuloy na lang kami sa paglilinis. Mga isang oras din kamig naglinis sa tree house at ngayon sobrang ayos na ayos at maganda na. "Wow! ang layo lang kanina ah. Halos mapuno na to ng alikabok tas ngayon ay sobrang linis na, yung simoy ng hangin ang fresh na." kita ko namang napangiti siya sa sinabi ko. "Ngayon lang ulit ako nakabalik dito, namimiss ko na din itong tambayan." naupo ito saka nagpagpag ng kamay niya. "Audris, bago ka lang ba dito?" tumango ako at hinugasan ang kamay ko sa lababo, may maliit na lababo kasi dito at banyo rin, may isang kama, sofa at flat screen na tiyak ay napapaganahan ka sa pagtambay. "Oo, mag 1 week na rin. Ikaw ba't ngayon lang kita nakita dito?" "Busy sa work e, minsan lang talaga ako makadalaw dito. Pero ngayon andito ka na, mukhang araw-arawin ko na." nakangising sabi naman nito na ikinapula ng pisngi ko. "Susumbong kita kay Lola Vivian niyan, iba yung nirarason mo sa pag punta dito." natawa naman siya. "Ay, oo nga pala nakwento ni Granny na Lola ang ipinitawag niya. Salamat ah sa pag-aalaga kag Granny." "Walang anuman po yun Sir." kunot noo siyang napatingin. "Wag mo akong tawaging Sir, Briguel na lang or Brigz or Bri." ayan na naman ang mga ngiti niya, nasisilayan ko na naman. "Bri! Bri! para naman po ata akong feeling close non." natatawa kong sabi. "Okay lang yun, kaibigan na naman kita. Ikaw, ano gusto mo tawag ko sayo?" nakangisi ito at inaayos ang buhok niya. "Pwedeng baby na lang? love or mahal?" halos matutop ko naman ang kinauupan ko. Panay kindat din kasi ito. Feeling ko talaga sasabog na ako sa sobrang kilig. Maryosep! "Señorito Briguel kakain na po tayo." narinig kong tinatawag na siya ni Ate Mimi. Napatingin din naman ako sa orasan, 6pm na pala inabot na kami ng gabi kakachika dito. "Ano? kain na tayo?" aya niya sa'kin, sabay kaming lumabas at bumaba na ng tree house. Gulat nga na napatingin sila Ate Mimi at Marichu nang makita kaming magkasama ni Briguel. Pinasabay na rin ako ni Lola Vivian sa dinning table, natawa nga siya nang makitang masaya si Briguel dahil sa wakas may makakausap na ito pag pupunta dito. Pagpupunta daw kasi iyan ay maya maya aalis rin, ngayon mukhang hindi na raw. Makulit si Briguel at panay kwento. Nakwento niya rin yung mga kalokohan nilang magkakaibigan noong mga bata pa sila. Maya-maya ay umalis na ito dahil may tumawag sa kanya, may nangyari daw sa isang kaibigan niya kaya aalis na siya. "Audris, mabait ang apo ko no?" basag ni Lola Vivian sa katahimikang namumuo sa kwarto niya, katatapos ko lang painomin siya ng gamot at tsaa. "Opo, sobrang bait po niya kaso bolero po eh." natatawang sabi ko, pati rin siya ay napatawa. "Bolero lang yun pero hindi pa nagkakagirlfriend yun." hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lola Vivian. "Sa gwapo niyang yun wala pang naging girlfriend? nako! imposible naman po." ngumiti lang ito. "Pihikan yun, minsan lang makipag interact sa mga babae, palusot niya busy daw sa opisina." Napangiti na lang ako, di ko akalaing ganong tipo pala siyang lalaki. BRIGUEL: "Where is he?" tanong ko sa gwardyang nagpalabas sa kaibigan kong si Draeson. "Andon po sa may exit sir." agad naman akong nagtungo ron at nakita ko din si Lyle na inalalayan ang mokong. "Hey, what happened?" nagkibit-balikat lang si Lyle, dumalo naman ako at tinulungan siya para maitayo si Draeson. "Ano na namang nangyari Drae? lagi ka na lang basag ulo!" papikit-pikit itong tumingin sa'kin. "Ang sabi ng gwardya, nakipagsuntukan daw siya sa mga menor de edad." nasapo ko ang noo ko. "M-minor talaga ah?" kahit kailan talaga Draeson pahamak ka. "Oo Brigz, may ipinagtanggol kasi siyang model kanina na binabastos kaya ayun pinagugulpi niya, e mga minor pa pala yung mga binatilyo." "Sana di na magsampa ng kaso, tinatamad na akong ipagtanggol to." ako kasi lagi ang nagigi lawyer nito pag napapasama sa gulo, labas pasok sa selda halos araw-araw na lang. Natawa na lang si Lyle, saka tinulungan namin si Drae papasok ng kotse. "Should I call Chernikov to update him?" I sighed. Si Lyle ang laging taga update kay Chernikov sa mga nangyayari dito. "Wag na Lyle, this coming sunday andito na siya, malalaman din naman niya ito." "P-pre...y-yung babae ayos lang ba siya?" tanong ni Drae kahit hirap na hirap na. "Puro ka babae, gusto mo paputukin ko pa lalo labi mo?!" kita ko naman ang bahagyang pag ngisi nito. Kahit kailan talaga, puro babae lang ang iniisip nito. Kailan kaya magtitino tong mokong na to. AUDRIS: Kinakabahan ako na ewan na hindi ko alam ang dahilan. Kanina pa kasi ako di mapakali talaga, feeling ko may nangyayaring di maganda. Kaya napagpasyahan kong tawagan si Monet para kumustahin na sila, baka nilagnat ang isa sa mga kapatid ko kaya siguro kinakabahan ako. Ngunit ring lang ng ring, triny ko ulit ngunit out of coverage. Tinipa ko naman ang numero ni Aikie at sinubukang tawagan. "Hello Aikie?" mga ilang segundo rin bago may sumagot sa kabila. "Hello A-ate..." halata ang garalgal sa boses niya. "May nangyari ba? b-bakit ganyan ang boses mo Aikie?" kinakabahan na rin ako, pati kamay ko ay nanginginig na. "S-si Monet ate, hindi pa n-nakakauwi." "Si Monet? s-san ba siya nagpunta?" "Ang sabi niya po kanina ay kikitain niya lang yung kaibigan niya sa bayan." Naku Monet! asan ka na bang bata ka? "Si kuya Pacco mo asan?" "Hinahanap po si Monet hanggang ngayon hindi pa rin nakakauwi." Hays, kinakabahan na ako, babae kasi yun eh at gabi na talaga. Hindi na oras para maggala-gala. "Si Ash tulog na ba?" "Opo ate kanina pa." napahinga naman ako nang maluwag, mabuti at tulog na ito. "Sige, tawagin mo ako pag nakauwi na ah. Bukas na bukas ay pupunta ako diyan para mapagsabihan yang si Monet." Alalang-alala na talaga ako, 8pm na kasi at first time yun na gabihin si Monet. Alas siete palang sa probinsya ay tahimik na at delikado. Malilintikan talaga sa'kin yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD