Maaga akong nagpaalam kay Lola Viviana upang umuwi sa probinsya.
Hanggang ngayon ay wala pa ring update sila Aikie tungkol kay Monet. Malilintikan na talaga sa'kin yung batang yun.
Bandang alas dies ay nakarating na ako sa Laguna. Agad naman ako nakarating sa bahay, inabutan ko don sina Pacco at Aikie na naghihintay sa may upuang kahoy sa labas.
"Pacco! Aikie!" agad naman nila akong napansin at dinaluhan.
Kinuha nila ang bitbit kong mga groceries at ipinasok sa loob.
"Si Monet asan? nakauwi na ba?!" hindi ko na talaga makontrol ang emosyon ko. Sobrang nag-aalala na ako.
Pansin ko ang pagkamot ni Pacco nang ulo. "Ate hindi pa rin nauuwi, hinanap ko na kagabi pati sa ibang barangay, wala talaga."
Napasapo ko ang noo ko, Jusko! Asan na ba kasi yung batang yun?
"Yung kaibigan na sinabi na pupuntahan niya ay nakausap ko, napadaan lang daw si Monet don." wika ni Aikie.
Hindi ko alam kung bakit natuto nang magsinungaling itong si Monet.
"Natanong mo ba kung saan nagpunta?" napabuntong hininga lang ito.
Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan. Agad namang nagsalubong ang kilay ni Audris.
Dumating na ang babaeng kani-kanina lang ay pinag-uusapan nila.
Gulat naman itong napatingin sa gawi ni Audris at halatang kinakabahan na.
"Saan ka galing?" mahinanong tanong ko.
"A-ate nakauwi k-ka na pala?" batid kong kinakabahan ito dahil tagak-tak ang pawis nito sa noo.
"Umupo ka muna diyan Monet, Aikie bigyan mo muna ito ng tubig." agad namang sumunod ang kapatid niya at dinalhan ito ng tubig.
"Ngayon sagutin mo ang tinatanong ko, saan ka galing?" napalunok pa ito ng ilang beses, halatang kinakabahan talaga ito.
"A-ate kasi-..."
"Sagutin mo ang tanong ko Monet?!" napayuko naman siya, ngayon lang ako ganito kagalit. Kung nakauwi lang siya ng gabi ay okay na okay pa, eh yung maumagahan na ay hindi na talaga maganda.
"Hindi ako makatulog ng maayos kakaisip kong asan ka?!" napapikit na muna ako ng ilang segundo para irelax ang sarili ko. "Saan ka nag punta? at sino ang kasama mo?, yan lang Monet simpleng tanong. Masasagot mo iyan, diba matalino ka?"
Nakatingin lang sila Pacco at Aikie, buti na lang at wala dito ang bunso nila dahil nakipaglaro daw ito sa kapitbahay.
"P-pumunta po akong Makati...kasama si Beverly." nakayuko pa rin nitong wika.
Mas kumulo pa ang dugo ko sa narinig ko.
"M-makati? ang layo non ba't ka naman pumunta doon?!" ewan ko na talaga sa batang ito. "Delikado Monet, 18 anyos ka pa lang puro ka na gala nang gala si Beverly pa kasama mo?!"
"A-ate pasensya na." alam kong umiiyak na ito dahil halata na sa boses nito ang pagkagaralgal.
"Ano bang ginawa mo don?" medyo nakalma na ako.
"May Modeling po kasi ang J&B nagbabaka sakali lang ako na mapasama sa fashion show nila, pero awtomaktiko po akong nakuha dahil
nagustuhan nila ang pagmodelo ko ng mga sandals at sapatos nila. Andon din po kasi si Draeson Lazaro ang idolo ko. Ginawa ko lang naman ito para makatulong din sa gastusin ate at nag iipon din ako."
"Alam mo, hindi sana ako magagalit kong nagpaalam ka lang talaga. Kaso napaisip din ako, kung nagpaalam ka naman, puro kasinungalingan lang din ang sasabihin mo." hindi ito umimik.
"Monet, alam kong pangarap mo ang pagmomodelo pero mas okay kung uunahin mo ang pag-aaral mo. Pag nakapagtapos ka na ay hawak hawak mo ang oras mo, pwede ka na mag modelo, sa ngayon aral muna."
"Kung iniisip mo ang gastusin dito, wag kang mag-alala kayang-kaya ko to. Lahat gagawin ko para makapagtapos lang kayo. Isasantabi ko muna yung mga pangarap ko. Ikaw Pacco, graduating ka na, ayusin mo. Ikaw Aikie, pagbutihan mo 2 years na lang ay makakapagtapos ka na. At ikaw Monet, 1st year ka pa lang, ayusin mo ang pag-aaral mo wag na muna yung pagmomodelo."
Kita ko namang napatango silang lahat, kahit may katigasan ang ulo ay marunong silang makinig at rumespeto sa'kin.
"Payakap nga sa mga kapatid ko!" agad naman silang dumalo at niyakap ako.
"Sali ako!" napangiti naman kami nang sumiksik ang bunso namin.
"Sana ay naiintindihan niyo ako, kung bakit ko ito ginagawa. Kung bakit ako mahigpit. Para sa ikabubuti niyo rin ito. Pag nakapagtapos kayo, hindi na tayo magsisiksikan sa bahay na maliit at hindi na tayo maghihirap. Mahal ko kayo, mahal na mahal."
Hindi man buo ang pamilya namin, ang mahalaga ay nagkakaintindihan kami.
Napapikit naman si Monet, inaalala ang mga nangyari sa Fashion show na dinaluhan niya. Muntik na kasi itong mabastos ng mga binatilyo don, buti na lang at iniligtas siya nang kanyang idolo. Si Draeson Lazaro, hindi na niya ito nagawang pasalamatan pa dahil nagmamadali na siyang umalis para makaiwas sa gulo.
AUDRIS:
Mga bandang alas-singko nang hapon na ako nakauwi, busy ang mga tao sa mansiyon dahil nalalapit na ang pagdating ng mag-amang Kadovar. Una ko munang pinuntahan si Lola Vivian para maicheck ang kalagayan nito.
"Check po tayo ng BP Lola?" nakangiti naman itong tumango.
"120/80, bumaba na po." sa wakas ay normal na ang blood pressure niya.
"Effective yung soup at tsaa mo Audris, magaan na rin ang pakiramdam ko ngayon. Salamat talaga." masayang wika niya.
"Walang anuman po, masayang ang makatulong sa kapwa." tinapik niya ang balikat ko.
"Kumusta naman ang problema mo Audris, naayos na ba?" nakwento ko nga pala sa kanya kanina ang rason kung ba't ako umuwi.
"Okay na po, napagsabihan ko na sila at mabuti ay naiintindihan nila ang mga pinupunto ko. Yun nga lang po, nastress ako masyado." natatawang wika.
"Hay nako! pumanhik ka doon sa tree house, tiyak mawawala ang stress mo don." buti at nabanggit ito ni Lola Vivian, nakalimutan ko may tree house pala don na pwede kung tambayan.
"Lola, okay lang po bang kung sa tree house muna ako matulog ngayon?" nakangiting wika ko, kailangan ko lang talaga ng isang lugar na peaceful.
"Oo naman, andiyan ang susi sa may cabinet." kinuha ko iyon at nagpaalam na sa kanya.
Mga ilang minuto ay nasa tree house na ako.
Ang fresh talaga ng hangin dito. Tanaw ko ang ibang mga bahay na kumikislap dahil sa mg ilaw nito.
Naalala ko tuloy si Briguel. Masaya akong kausap siya at magaan ang loob ko, yung tipong komportable akong kausap siya.
Nanuod muna ako ng movies sa flatscreen, matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakapanood.
"Ang sad naman ng ending namatay yung lalaki." agad ko naman pinatay. Gusto kong nagrelax eh ba't lalo pa akong nastress sa movie na pinanuod ko.
Mga ilang minuto rin ay dinalaw na ako ng antok.
Malalim na ang gabi, nagising ako nang may biglang kumalabog malapit sa pinto ng tree house na tinutulugan ko.
"Ano kaya yun?" takang tanong ko at naghanap ng bagay na ipang dedepensa.
Mas lalo pa akong natakot ng makarinig ako ng mga kaluskos.
"Baka...m-multo? Ay! wag naman sana." bulong ko.
Napapikit ako at napadasal na lang. "Lord naman wag mo naman akong takutin!" kabadong-kabado na talaga ako.
"Yoruldum! Açılması neden bu kadar uzun sürüyor?!"
(I am tired! Why does it take so long to open?!)
"A-ano yun?" nanginginig na talaga ang kamay ko. "Lord h-hindi multo yun! A-aswang...ritual ng aswang!" Nangangatog na din ang mga binti ko, panay sign of the cross na lang ang ginawa ko.
"Harika! Ben açtım!"
(Great! I opened it!)
Dahan-dahang nagbukas ang pinto at sa sobrang takot ko ay binato ko nang malakas ang alarm clock na hawak ko.
"Ah!! Yaralıyor!" nagulat ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon, ang lakas ng sigaw niya dahil sa sobrang sakit, sapul na sapul kasi yung alarm clock na binato ko sa mukha niya.
"Yaralıyor! Bwesit!" napaawang ang bibig ko nang makita ko ang kabuoan ng mukha niya.
Sobrang nangatog na ang mga
binti ko...inangat niya ang paningin niya sa'kin.
Lagot na!
"Who are you?!" pasinghal na tanong niya.
"Lord! akala ko aswang, anghel naman pala na binagsak sa lupa!" wika ko, pero sa isip lang.
"S-sir sorry po." napayuko ako sa sobrang kahihiyan. Oh lupa lamunin mo na ako!
Apo ito ni Lola Vivian, at tiyak na malalagot ako pag nalaman niyang nasaktan ko ang apo niya.
"I said who are you?!" pinaglihi ba to sa megaphone, ba't naman ganyan siya makasigaw kala mo roronda sa barangay. "Di ka ba makaintindi?! Isa!...Dalaw--" halos manigas ako sa biglaang paglapit niya sa gawi ko.
"S-sir anong ginagawa m-mo?" Hindi ako makagalaw, habol ko pa ang hininga ko nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
Hahalikan ba niya a-ako? naramdaman kong mas lumalapit pa siya. "Seryoso? hahalikan niya ba ako?" nako! dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko sabay nguso sa labi ko.
Naghihintay ako nang pagdampi sa labi ko
pero wala....wala?
"Get out!" sigaw niya sa tenga ko.
"Aray! masakit po s-sir!" grabe naman, matapos akong sigawan kaladkarin ba naman ako palabas ng tree house.
"Defol! Gözüme görünme!"
(Get out! Get out of my sight!)
"Sir, s-sorry...di ko po talaga sinasadya." mas naningkit pa ang mata niya, dahil hindi pa ako bumaba ng hagdan.
"Sen bir çöpsün!"
Buang! kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig niya, eh hindi ko naman maintindihan!
Matapos kong makababa sa hagdanan ng tree house, ay narinig ko pang tinawag niya ako.
"Hey Çerçöp!" agad naman akong napalingon at..."Yung alarm clock mo wag mong iwan!" nakangising sabi niya, saka binato ang alarm clock.
"Aray ko po!" inis akong napatingin sa kanya, tinaasan niya lang ako ng kilay saka sinara ang pinto.
"Akala ko anghel ka! akala ko lang pala! Humanda ka!" sigaw ko sa kanya, habang himas-himas pa ang noo ko.
"Buti nga sa kanya! buti nga sa kanya!" pagdadabog ko.
"Aray! ano ba?!" napalingon ulit ako sa tree house, nakangisi lang siya animo'y si Satanas! Argh!!!
Makakaganti ako sayo! Humanda ka!
CHERNIKOV:
Napahimas ako sa may bandang gilid ng mata ko.
It still hurts! nablack-eye ako nang wala sa oras.
Sino ba kasi yung babaeng yun at bakit andito siya sa tree house ko? palaisipan pa sa'kin. Sobrang lakas talaga ng bato niya kaya nahihilo ako ngayon.
I was about so surprise my Granny bukas, kasi dapat Sunday pa kami uuwi pero napaaga dahil may imemeet si Papa sa Manila.
Gusto ko sana sa tree house muna tumambay para walang makapansin na dumating ako, nalaman ko din kasing pinalinis na ito, nabanggit ni Granny kagabi.
Nagulat ako pagpasok ko may babaeng nambato ng alarm clock.
I looked again at my phone screen.
"Çirkin!" humanda yung babae na yun!
(Panget!)
I sighed. I'm sure all of my friends will laugh at me.
As i turned my gaze, I saw b-bra....bra?!
"Seriously? She had actually forgotten about her bra."
I took it. "Not bad uh?" Cup D, it smells natural. Hindi ko inamoy ah, nalanghap lang.
Napailing na lang ako saka nahiga.
KINABUKASAN...
Maagang nagising si Audris at naalala ang nangyari kagabi.
Nahihiya tuloy siyang lumabas, dahil tiyak sa mga ganito oras ay alam na ni Madam Vivian ang nangyari sa apo nito.
Lingid naman sa kaalaman ni Audris na pasimpleng tumatakbo si Chernikov papasok ng mansiyon, ayaw niyang mahuli siya ng mga kasambahay kaya binilisan niya ang pagtakbo. Balak niyang surpresahin ang Granny niya kaya dapat lang na mag-ingat siya.
Kasalukuyan namang naghuhubad ng damit si Audris ng may biglang pumasok sa kwarto niya.
Gulat naman siyang napatingin sa harapan niya.
"It's you again?/ikaw na naman?!" sabay silang napasigaw.
"Anong ginagawa mo dito?!" ani ni Audris.
Napaawang naman ang labi ni Chernikov sa nakita niya. "D*mn!" dali-dali naman itong napatingin sa ceiling kunwari ay may tinitignan.
"Tinatanong kita?!"
"Ba't umiiwas ka ng tingin ah? sagutin mo ako?!"
alangan namang napatingin si Chernikov pero iniiwas pa rin.
"H-how am I s-supposed to talk to you... if you're n-naked?"
Naked? anong pinagsasabi nitong ulupong na to.
Huli na nang mapansin ni Audris na wala pala siyang pang-itaas at panty lang ang suot. Nakalimutan niya pala na naiwan ang bra niya sa tree house kaya tumambad ang dibdib niya, agad naman niya itong tinakpan.
"Bastos! Manya---." mabilis pa sa alas kwatro na tinakpan ni Chernikov ang bibig nito.
"Don't shout...baka malaman nila Granny na I'm here, don't ruin my plans." bulong nito saka hinigit si Audris sa loob ng clothing set. Narinig kasi nilang may mga yapak na papunta sa kwarto nito.
Nanlaki naman ang mata ni Audris ng mahawakan nito ang dibdib niya.
"Manya---" kita naman niyang nagsalubong ang kilay nito.
"Opps! h-hindi ko sinasadya." halata pa ang pagka slang nito sa pagtatagalog.
Nagulat na naman siya ng aksidenteng mahipo ang pwetan niya.
"Bitiwa--."
"I said, don't shout. I'm sorry, here!" ipinakita naman nito ang bra niya.
Nanlaki ang mata ni Audris sa hawak ni Chernikov.
"Audris? audris andiyan ka ba?" boses iyon ni Madam Vivian.
Siksikan sila sa loob ng clothing set, ang init init na din.
"Ba't hindi mo na lang ako sa banyo hinila?" bulong ni Audris.
Napangisi naman si Chernikov. "Bakit
anong binabalak mo? ikaw ah, kababae mong tao ganyan ang mga iniisip mo." natatawa nitong wika pero pabulong.
napaawang naman ang labi ni Audris sa turan ng lalaking katabi niya.
"A-ang kapal ng mukha mo ah! edi sana kong sa banyo hindi tayo magsisik-sikan nang nakaganito."
"Audris? narinig kong may nagsigawan kanina, andiyan ka ba?"
"Asus! para-paraan ka pa." kinurot ko ang tagiliran niya.
Ang kapal ng lalaking to, akala mo naman kung sinong gwapo!
Pero gwapo naman talaga, galit-galitan lang ako para di mahalatang kinikilig ako. Maryosep! naman kasi ba't ang bango ng hininga niya.
Galit din naman ako kasi parang namanyak ako nang wala sa oras, pero wala na, nakita na ang lahat-lahat.
"Tumalikod ka nga muna." taka naman siyang nakatingin sa'kin.
"P-paano naman ako tatalikod eh no more space?" itong lalaking to daming kaartihan!
Umusog ako at tumalikod sa kanya. Isusuot ko na yung bra ko, hiyang hiyang na kasi ako, kanina pa ako takip ng takip.
Nagulat ako ng tinulungan niya akong ikabit ang hook.
Agad naman akong humarap sa kanya na magkasalubong ang kilay.
"Ikaw para-paraan, kunwari hindi abot ang hook para ako na yung magkabit, grabe ka talaga babae." natatawa pa rin ito pero hinihinaan lang.
Gusto ko siyang sikuhin talaga, sumosobra na kasi.
"Iyang black eye sa kabilang mata mo, gusto mo e by pair ko?" kita ko namang namilog ang mata niya at tumahimik na.
"A-aray! kaşıntılı! kaşıntılı!" pansin kong nangangati siya.
(Makati! makati!)
Ayan na naman siya sa Alien language niya.
"Napano ka ba?"
"An ant stung me!" wika niya sa kabila ng pagkakamot.
"Anong sabi mo?" napabuntong hininga ito.
"Kinagat ako, ang kati kati!" napatawa naman ako, kay higanteng tao, sa langgam lang pala pipiyok.
"Why are you laughing?" pinigilan ko ang tawa ko.
"Deserve mo yan, bilis ng karma." pipitikin niya sana ang noo ko nang maout of balance kami at pabagsak na lumabas ng clothing set.
Napapikit ako. Nasa ibabaw ko siya at ako naman ang napaibabawan niya. Ang mukha niya ay nasa may bandang pisngi ko. At hindi ito magandang posisyon, halos parehong kami natuod.
"A-audris?" parehas kaming napalingon sa babaeng nagsalita. Mas nanlaki naman ang mata nito nang makita ang lalaking nasa ibabaw ko.
"S-señorito?" halos hindi makapaniwalang tanong.
Muling napatingin si Marichu sa gawi ko, napansin niya ring naka underwears lang na mas lalo niya pang ikinagulat.
Sumenyas naman si Señorito Chernikov na manahimik. Inilagay niya kasi ang isang daliri niya sa may labi.
"A-audris, nags*x kayo ni señorito? G-grabe ka naman Audris sinuko muna agad ang bataan." mangiyak-ngiyak nitong sabi.
Halos matutop ko na ang aking bibig. Tumayo naman si Señorito Chernikov at dahan-dahan akong inalalayan.
"I-it's not what you think, I was hiding here. Aksidente lang yun kanina." iniwan ko muna sila para mag-usap di pa rin kasi naniniwala si Marichu. Naligo na muna ako dahil grabe ang lagkit lagkit ko na.
Mga ilang minuto rin ay may kumatok sa pintuan sa banyo.
"Are you done there?" bakit hindi pa to umaalis.
"Patapos na ako, ano ba kailangan mo?"
"Maliligo rin ako, aalis kasi ako ngayon magpapasama sana ako sayo." wika nito.
"Saan?" takang tanong ko saka nagbihis na sa loob ng banyo.
"Di ba i told you kanina na isusurprise ko si Granny, bibili ako ng gifts and flowers ngayon. Kaso i forgot kung saan ang mall dito. Kaya pwede bang samahan mo ako?"
Napaisip muna ako saka lumabas.
"Sige tulungan kita." ngumiti lang ito at pumasok na ng banyo.
"Hey çerçöp, can you get my backpack nasa tree house? ayusin mo ang pagtatago para di ka makita."
Napailing na lang ako at lumabas ng kwarto. Unang araw ko palang nakilala napaka-bossy na, kainis!