Pasado alas-dies kami nakarating ng mall.
Muntikan na nga kaming mahuli sa mansiyon kanina, mabuti at nandoon si Marichu. Ang ingay ingay ko kasi, buti na lang talaga.
"Çerçöp, let's eat. I have not eaten yet." pumasok naman ito sa isang Indian Resto, sumunod na lang ako.
"Good Morning Sir and ma'am, here's the menu." masayang bati naman ng isang babae saka binigay ang menu, pansin ko pang titig na titig ito sa kasama ko.
He was wearing fitted shirt and jeans, naka leather jacket din ito at shades.
Pero mahahalataang gwapo talaga ito. Sa tangos pa naman ng ilong, naka shades ito kasi nagmamarka pa rin ang black eye sa mata niya, ayaw naman daw niyang makita siyang panget.
"Baka matunaw ako kakatitig mo sa'kin Çercöp." wika niya pero nakatuon pa rin ang tingin sa menu.
"What do you want?" napatingin naman ako sa menu, wala akong maintindihan sa mga pagkain.
"Ang weird naman ng mga pagkain sa menu Señorito." napangisi na lang ito saka siya na ang pumili.
"Aloo Gobi & Papdi Chaat dish, masarap ito. Gusto mo?" nangunot naman ang noo ko.
"W-wag na señorito, di ko talaga trip yan. Busog pa rin naman po ako."
"Okay, dessert na lang ata sayo." Tinawag niya ang waitress at sinabi dito ang oorderin niya.
"Aloo Gobi and Papdi Chaat, do you have turkish delight?"
"We called it in indian cuisine Karachi Halwa, may konting kaibahan lang po sa ingredients ng Turkish Delight."
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, wala talaga akong naiintindihan sa mga inoorder niya.
"2 Falooda Rose Drink." huli niyang sabi saka umalis ang babae.
Mga ilang minuto lang ay dumating ang order namin, nilalantakan niya ito, grabe pala siya kumain.
Pansin niya atang nakatitig lang ako. "You want?" alok niya pero umayaw lang ako.
"Seryoso ka masarap yan? tapang nga ng amoy parang putok sa kilikili." halos mabulunan naman siya ng marinig ang sinabi ko. Agad ko naman binigyan ng tubig.
"Izipper mo nga yang bibig mo, andito tayo sa resto. I feel so embarrassed." tumahimik na lang ako at kinain yung Karachi Halwa na sinasabi niya. Masarap naman lalo na yung drinks na inorder niya.
Pagkatapos naming kumain ay naglibot na kami para bumili nang pangregalo ni Lola Vivian.
Halos maubo nga ako sa bill kanina 4k yung kinain namin. Sobrang mahal naman pala non, buti di ako pinagbayad wala din kasi akong dalang pera.
Bumili siya ng hikaw sa isang sikat na jewelry shop, ang mahal nga eh 30k para lang isa isang pares ng hikaw.
Hindi ata to nauubusan ng pera, walang kasing bakas ng paghinayang nong binili niya. Napukaw naman ang tingin ko sa isang kwintas, hugis puso ito na may maliit na diyamanteng pula sa gitna.
18k? san naman ako kukuha ng ganyang pera.
"Gusto mo yan?" napabaling ang tingin ko sa kanya, nakuha na pala niya ang paper bag na may hikaw.
"H-hindi po señorito, nagandahan lang. Halika na po may nga bulaklak doon malapit sa exit." pagiiba ko nang usapan, agad naman niya akong sinundan.
Nakarating kami sa labas ng mall, may mga nakalinyang flower shop don. Ako na ang pumili ng mga bulaklak, pumunta kasi si Señorito sa parking lot dahil dumating na ang sasakyang inokupahan niya.
Yellow roses pala ang gusto ni Lola Viviana, pagkatapos maarrange ang bulaklak ay binayaran ko na ito.
Ang tagal naman ni Señorito pumunta ako sa parking lot ngunit wala siya.
Mga ilang minuto din ako naghintay saka siya dumating.
"Senorito san po kayo galing?" napakamot ito sa batok niya at kinuha ang bulaklak na hawak ko.
"Nagbanyo lang." wika nito, sumunod naman ako sa kanya kung saan andon ang kotseng inokupahan.
Bago pa man siya makapasok sa kotse ay nagsorry muna ako sa kanya.
"Señorito pasensya na kagabi ah, hindi ko po talaga sinasadya yun. Sorry po talaga." bahagya naman itong napangisi.
"Akala mo ba talaga okay na ako sa sorry mo? you have to pay for it!" sabay tanggal sa shades niya, agad siyang pumasok sa kotse at sinarado iyon.
"S-señorito, anong ginagawa mo?" sinimulan na niya kasing paandarin ang makina.
Binaba na muna nito ang bintana saka ngumisi. "Bye! Bye!" saka pinaandar ang sasakyan.
"Señorito!" tawag ko pa sa sasakyang nakaalis na.
Nakakainis siya! nakakainis talaga!!!!
"Paano na ako nito makakauwi, wala akong perang dala."
Lord naman tulungan mo ako, sana bumalik dito si Señorito at makaramdam ng awa.
12pm na ay wala pa rin siya, hanggang sa abutin na ako ng 5pm. Palakad-lakad lang ako sa parking lot, yung gwardya nga kanina pa tingin nang tingin sa'kin.
Hindi man lang ba nakaramdan ng awa at konsensya yung Chernikov na yun! Nakakainis na talaga siya, inaya-aya akong magmall para tulungan siya tas ganito lang ang igaganti niya.
5:30 na paano na ako makakauwi nito, ayoko din naman manghiram ng pera sa gwardya dahil alam kong kailangan niya din yun. Napagpasyahan kong sa may highway na lang ako maghintay, baka may mapadaan na truck makikisakay na lang ako.
Maya maya pa ay may huminto sa harapan ko na isang Bugatti Chiron × Hermes na kotse. Binaba niya ang bintana niya. "Hey, are you lost baby girl?" sabay tanggal sa shades niya.
Bumungad naman sa'kin ang isang nakapagwapong mukha, kamukha niya si Louis Partridge. Pero mas gwapo pa rin talaga yung Chernikov na yun kaso nga lang demonyo yun.
"Hey, saan ka pupunta ihahatid na kita." napalunok naman ako, ito na siguro ang instrumentong ipinadala ni Lord. Hindi naman siguro ito rapist, ang inosente kasi ng mukha nito.
Agad naman siyang lumabas at lumapit sa'kin. Nastarstruck pa rin talaga ako sa mukha niya.
"Sasakay ka ba?" nabalik ako sa ulirat nang mapansin na nakabukas na pala ang pinto sa front seat.
Napatango naman ako saka sumakay na.
Tahimik kaming bumabiyahe, ayoko rin kasi makidaldal nahihiya ako.
"Kanina pa kita pinagmamasdan, ilang oras kang nakatayo sa parking lot diba?" tanong niya.
"A-ahh oo."
"Hindi kita nilapitan akala ko kasi hinihintay mo yung boyfriend mo." ang daldal niya hindi halata sa mukha.
"W-wala po akong boyfriend Sir." agad naman akong umiwas sa tingin niya.
"Kaya nga sinundan kita kanina, nawala ka kasi sa paningin ko. Nga pala ba't ang tagal mo namang naghintay don?"
napabuntong hininga muna ako saka siya hinarap, mukhang kailangan kong makipagdaldalan dito.
"Pinagtripan po ako ng amo ko eh, nagpasabay siya pumunta ng mall para magpatulong bumili ng regalo, tas nong pauwi ay iniwan ako, wala pa naman akong dalang pera." kita ko naman ang pagkunot ng noo niya at palihim na napatawa.
"Ang bastos naman pala ng amo mo, dapat diyan binubugbog. Hindi niya dapat iniiwan ang magandang dilag na katulad mo." sabi nito sabay kindat.
Ano bang klaseng buhay to! kinikilig ako. Tatlong gwapong lalaki na ang naencounter ko ah. Una si Briguel, sunod si D*monyong Chernikov at ngayon naman itong katabi ko. Lord, umaapaw ang blessings ah.
Pansin niyang hindi ako umimik.
"Nga pala saan kita ihahatid?" tanong niya habang nakatuon pa rin sa daan.
"Casa De Juvencia po." gulat naman siyang napatingin sa akin.
"S-seryoso ka?" kunot noo akong napabaling sa kanya.
"Mukha po ba akong nagjojoke sir?" natatawang wika ko.
"What a coincidence, don din ako papunta."
"T-talaga po sir?" hindi ako makapaniwala na iisang lugar lang pala ang pupuntahan namin.
"Oo, may kaibigan kasi akong balikbayan. Ikaw? kaano-ano mo ang mga Juvencia?" baka kaibigan ito ni Demonyo.
"Empleyado po nila ako, ako po yung parang nurse ni Lola Viviana." napaawang naman ang labi nito, parang may iniisip.
"Parang kilala ko na kung sino yung among sinasabi mo." napatawa pa ito. "Si...."
"Chernikov/Señorito Chernikov!" sabay pa kaming napabulalas.
"Nako! Si Khareem talaga." napakamot naman ito sa batok. "Ano bang ginawa mo sa kanya ba't ka niya iniwan sa parking lot?" tanong nito, pero sa daan pa rin nakatingin.
"Nagkablack-eye po siya, nabato ko po ng alarm clock sa mukha. Nasa Tree house po kasi ako non natutulog, hindi ko naman po inaasahan na dadating siya, kasi sa pagkakaalam ko po sa Linggo pa po ang uwi nila." patango-tango lang ito habang nakikinig sa kwento ko.
"Ang angas mo ah, good luck na lang sa life mo. I'm sure mararanasan mo ang impyerno, kahit buhay ka pa." natatawa niyang wika.
"Khareem was my best-bestfriend, ugali niya dati napakamasayahin. Sobrang bait at gentleman, until nawala si Tita at si Elsie parang galit na sa mundo, sa pagkakaalam ko nagbago na siya." kita ko ang pagkalungkot sa mga mata nito habang kinukwento niya.
"Whole day ko din siya nakasama sir, minsan okay naman siya ngumingiti, minsan naman tinutubuan ng sungay." bahagya itong napatawa.
"Kung kaya mong madefeat si Khareem, may incentives kang matatanggap sa'kin."
"Ano naman sir?" napabaling ang tingin niya.
"Basta." iniba niya ang routa ng kotse, malapit na kami dalawang kilometro na lang ay nasa mansiyon na. "Nga pala yung 'Sir' at 'po' pwede pakitanggal, masyadong pormal at sobrang galang, mukha na ba akong matanda?" nakanguso pa ang labi nito habang sinasabi yun.
"Nako, hindi po Sir...Ay! Hindi--ano nga pala pangalan mo?" ngumiti ito saka hininto ang sasakyan.
"I'm Lyle Noland. Fresh 25 and single, and you?" sabay lahad sa kamay nito, agad ko naman itong tinanggap at nakipagshake hands.
"Audris Leonidas, fresh 25, single but not ready to commitment." natawa naman kami pareho, andito na pala kami sa mansiyon.
Nagmaniobra muna siya ng sasakyan saka pumasok sa gate.
Mabilis niyang nabuksan ang pinto ng kotse at inalalayan ako.
Oh diba akala mo si Cinderella talaga ako haha.
"Wait Audris, can you help me madami kasi akong mga dala ko." agad naman akong nagtungo sa backseat para tulungan siya.
Binitbit ko ang isang box ng cake, siya naman ay mag dalang bulaklak at regalo.
Oh take 2! Cinderella na nautusan haha.
Papasok na sana kami nang mapatigil ako. Napuwing ako humangin kasi.
"Are you okay?" tanong nito. Pakurap-kurap naman ako wala akong makita.
"B-bakit Audris?" mukhang nagets na niya ata ang problema ko. "Wait hanap lang ako ng mapapatungan nito." pagkatapos niya maipatong ang dala niya ay agad niya akong dinaluhan.
"Idilat mo mata mo tas tingin ka paitaas, hihipan ko." tumango na lang ako at sinunod siya.
Hinipan niya ang isang mata kasunod naman ang kabila, naluluha ako. Hihipan niya sana ulit yun kaso nakarinig kami nang pagtikhim.
Sabay naman kaming napalingon sa mga taong nasa harap namin. Nakakahiya sa ganitong sitwasyon pa nila kami naabutan.
Yung kamay kasi ni Sir Lyle nasa may pisngi ko kung titignan ay para kaming naghahalikan sa sobrang lapit ng mukha niya.
Narinig ko ulit na may tumikhim.
Kita ko ang naka kunot-noong si Chernikov na madilim ang tingin samin, nakita ko din si Briguel na naka kunot-noo rin. Sila Lola Viviana naman ay gulat at ang ibang kasambahay.
Agad naman kaming dumistansiya sa isa't isa.
"Dito pa talaga kayo nag landian." nakangising wika nito saka tumalikod na.
Demonyo talaga tong Chernikov na to! anong landian pinagsasabi niya!
"Good evening Lola Vivian, here's my gifts." binigay naman ni Lyle ang bulaklak at regalo niya.
Nauna na itong pumasok sa loob. Nakatingin naman sa akin si Briguel na may pagtataka.
kita kong napatigil si Demonyo saka lumingon ulit sa'kin. "Çerçöp..." bigkas niya pero wala namang lumabas na boses saka tumalikod ulit.
Nakakainis! Nang-aasar ba siya? Gusto ko na talaga dagdagan yung black eye niya! Kainis!