Kabanata 5

2016 Words
"Audris, I want you to meet my grand son, Chernikov Khareem o si Nik²." kita ko namang naghand gesture si Señorito, ayaw niya ata yung Nik² na tawag sa kanya ni Lola Vivian. "Hi Señorito Nik²!" diin ko. "I'm Audris, nice meeting you. Oh, what happened to your face?" umakto ako na parang gulat sa black eye niya. Kita ko naman ang pag ismid nito, napansin ko ring tumatawa si Briguel at Lyle. Agad naman nitong hinawakan ang kamay ko na animo'y nakikipagshakehands. Ang nakakainis lang ay hinigpitan niya ito at sobrang sakit na. "Hi Çerçöp, does it hurts?" bulong niya. Gusto ko ng iwaksi, nakakainis sobrang sakit na. "Pasensya ka na Audris, panget ang apo ko sa una niyong pagkikita." Agad naman siyang napabitiw nang magsimula ng magsalita si Lola Vivian. natawa naman ako ng bahagya, panget sa unang pagkikita haha. "Aksidente kasi siyang nabato sa labas ng airport. May babaeng baliw daw kasi na naglalaro ng bato sa labas." wika ni Lola Vivian na ikinagulat ko, napabaling ako sa gawi ni Señorito pigil niya lang ang pagtawa. A-ako baliw? Aba! "Madam pasensya po sa pagistorbo, luto na po ang pagkain." wika ni Manang Wanda. Isa-isa namang nagtungo sa garden ang lahat, maliban samin nila Señorito, Briguel at Lyle. May kaunting salo-salo kasi, selebrasyon sa pagdating ni Señorito D*monyo. Wala atang gusto maunang pumasok. "Why are you with Lyle?" wika ni Señorito na ngayon ay magkasalubong ang kilay. "Pinadala siya ni God para maligtas ako sa kapahamakan na dulot ng isang D*monyo!" diniin ko pa ang salitang d*monyo na mas lalong ikinagalit niya. "What did you say?" tanong niya, sinisigurado ata kung tama ang narinig niya. "W-wala po, sino ba naman ang matinong lalaki ang mang-iiwan nang isang babae sa parking lot, inabot na nang 12-6pm kasi walang perang dala pauwi." nag-iba namang ekspresyon nito, halatang nagsisi sa ginawa. "Buti na lang talaga andon si Lyle nako kung wala, saan na kaya ako pupulutin ngayon." naiinis pa rin ako sa kanya, grabe kasi yun. "Edi salamat kay Lyle." wika na parang may pangiinis pa. "Nakikita mo to? hindi pa ito bayad ah. Hangga't di pa to gumagaling pagbabayaran mo to." wika niya, aalis na sana siya ng magsalita si Briguel. "I miss you Audris." masayang wika ni Briguel, tila napabalik naman sa dating kinatatayuan si Señorito. "You already know her?" tanong nito, tumango lamang si Briguel sa pinsan. "Nakilala ko siya this week lang din, kasama ko siya sa paglinis ng tree house." "Ah kaya pala don siya natulog, pinahintulutan mo pala-" "Si Lola Vivian po nagpahintulot sa'kin na matulog don Señorito." tila naiba ulit ang mood niya sa narinig. "Lola? how come na naging Lola mo siya. Mukhang naagaw mo na nga mga kaibigan ko tas ngayon nakiki-Lola ka pa." may pa smirk smirk pa tong nalalaman. "Why Bro selos ka?" natatawang wika ni Lyle na ikinatawa naman si Briguel. "No, dapat lumugar siya empleyado lang kasi siya dito." seryosong sabi nito na parang natusok ba ako ng kutsilyo sa sakit. "Lola Vivian treat Audris like her apo, di ba wala tayong kamag-anak na babae? at tignan mo nga kahawig niya ang Mama mo." wika ni Briguel, napatitig naman sa'kin si Señorito. "Kahawig pero malayong malayo ang ugali kay Mama." kita ko sa kanya ang galit na may halong lungkot. "Hello everybody! It's me Draeson on the beat!" lahat naman kami ay napatingin sa lalaking kakapasok lang. Matangkad ito, singkit ang mga mata na may makakapal na kilay. Nakasuot lamang ito ng Cargo shorts at Tshirt na maluwang. Simple ang suot pero napaghahalataang gwapo ito. "Miss me?" sabay akbay nito sa tatlong lalaking kasama ko. "Hindi kita namiss Drae, bago ka lang namin nakita no." wika ni Lyle. "Ikaw Brigz, you miss me?" umismid lang si Briguel. "Khareem pare, i know you miss me." tinapik naman ito ni Señorito. "Magbago ka na Drae, ang dami kong balita sayo na di maganda." napatango-tango lang ito, saka bumaling ang tingin sa'kin. "Hi beautiful,what's your name?" nakangiting wika nito. "Audris po sir." nahihiya ako, grabe kasi ang mga titig nito. Tumikhim naman si Señorito. "Punta na siguro tayo sa garden andon na sila naghihintay." pambasag katahimikan niya. Nauna namang naglakad sila Señorito kasama si Sir Lyle at Draeson. "Audris pasensya ka na don kay Khareem, nagbago na kasi ugali non." napangiti ako sa kanya, sobrang bait ni Briguel malayong malayo sa pinsan nito. Pagdating namin sa garden andon ang mga empleyado kumakain. Masaya ang selebrasyon ngayong gabi, balita ko pa ay may kasunod ito na pa bonggang Welcome Party na gaganapin sa Linggo. Napaisip tuloy ako anong mangyayari sa'kin sa mga sumusunod na araw lalo na at may bago akong amo na maitim ang budhi. CHERNIKOV: "Khareem, napaaga ata ang Halloween Party mo. Sino ba ang ginaya mong cartoon character, yung Kung Fu Panda?" pangangantiyaw ni Draeson sa black eye ko. Bwesit talaga to! natawa naman ang buong barkada. "Bilib na bilib na ako sa Audris na yun nagawa ka niyang batuhin ng alarm clock." natatawang wika ni Lyle. "Pagbabayaran niya yung ginawa niya sa'kin, kulang pa yung kanina." naiba naman ang ekspresyon sa mukha ni Briguel tila hindi nagustuhan ang mga sinasabi ko. "Pero Khareem hindi maganda yung ginawa mo, inabot siya ng gabi don kakahintay." itong si Briguel di ko maintindihan sobrang concern don sa babae. "May gusto ka ba kay Audris?" tanong ko sa kanya. Iniwas niya lang ang tingin saka tinunga ang isang baso ng alak. "May kakaiba sa kanya Khareem at hindi ko alam kung ano yun. This past few days lagi ko siyang iniisip at gustong gusto ko siyang puntahan dito, kaso busy ako sa mga hearing sa korte." seryoso nitong wika. Inlove na nga ito, ngayon ko lang din siya nakitang ganyan. "May gusto ka nga sa kanya." natigil ako sandali at may dinukot sa bulsa ko."Yan ibigay mo sa kanya, binalikan ko sa Jewelry Shop kanina." nagtataka siyang tumingin sa akin. "Kanina kasi kasama ko siya nong bumibili ako ng hikaw para kay Granny, napansin kong titig na titig siya sa kwintas na yan." binuksan ko naman ang kahon at ipinakita sa kanya. "Bayaran mo to Briguel, utang to para sa babaeng iniibig mo." natatawa kong saad saka binigay sa kanya. "Hindi ko pa naman siya nililigawan Khareem, sinisigurado ko pa kung ano tong nararamdaman." natutuwa ako sa kaibigan ko. Balita ko kasi ay puro trabaho na lang inaatupag nito. Dapat lang ay humanap na ito ng girlfriend. "Sige hindi ko na aawayin si Audris para di ka na masaktan." tinapik-tapik ko naman ang balikat nito. "Loko, kilala kita Khareem." natawa pa ito habang sinasabi 'yon. "Aba, seryoso nga hindi ko na aawayin ang baby girl mo." "Wag mo kong pinagloloko diyan, sigurado ka bang magugustuhan niya to?" tanong niya habang pinagmamasdan ang kwintas. "Oo, pag binigay mo sa kanya yan sure ako sasagutin ka." "Ano yan?" umepal naman ang chismosong Draeson. "Wala ka na pakealam don, nga pala nahanap mo na ba yung babae?" tanong ni Briguel habang nililigpit ang kwintas. Napabuntong hininga lang ito. "Ang hirap niyang hanapin, naghire na ako ng private investigator pero wala pa rin. Napaka misteryoso ng babae na yun, nagtanong na ako sa mga staff don sa fashion show pero wala silang information at contacts. Ipinagtataka ko tuloy paano siya nakasali sa fashion show." isa pa tong si Draeson, ngayon ko lang siya nakitang ganito. "Malakas na ata tama mo sa babaeng yun, sana tuluyan ka ng magbago Drae hindi yung araw-araw paiba iba ka ng babae." wika ni Lyle. Kilala si Draeson bilang Womanizer sa barkada dati pa lang. "Kung kailan gusto ko na magseryoso ang hirap naman niyang hagilapin." wika nito saka hinilot ang sentido. "Pag nakita mo na siya sana matigil na yung sumpa, sumpa sa selda. Suki ka na don dahil sa pambabasag ulo mo, ayusin mo na buhay mo." inakbayan naman ito ni Briguel. "Ayoko nang bumalik pa ng presinto para tubusin ka." sabay ipit nito sa leeg. Wala talagang nagbago sa mga kaibigan ko kung ano sila dati, ngayon ay ganon pa rin. AUDRIS: Maaga akong nagising, tahimik ang buong mansiyon tiyak ay tulog pa ang mga amo at ibang empleyado. Nagtungo siya sa kusina para mag-pakulo ng tubig para sa herbal na tsaang gagawin niya. Maingat na inangat nito ang takure na may mainit na tubig at isinalin sa tasa. "Ang aga mo naman nagising Çerçöp." halos mapatalon na siya sa sobrang gulat. Napaso naman ang kanyang daliri dahil sa mainit na tubig. "A-aray!" "D*mn! Sorry hindi ko intensiyong gulatin ka." agad naman siya nitong dinaluhan at kumuha ng malamig na tubig, inilublob don ang kanyang daliri. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, pero masaya ako sa ginagawa ni Señorito. Hawak pa nito ang daliri kong napaso. "Medyo okay na ba?" tanong nito, naku! kung lagi siya ganito, aba mas gugustuhin ko talagang mapaso araw-araw. Landi Audris! Tila nabalik ako sa ulirat ng kurutin niya ang kamay ko. "O-okay na Señorito, salamat." agad akong bumitaw. "Pasensya po, nagulat lang talaga ako." napatingin ako sa daliri ko. Okay na ito hindi naman nalapnos, namula lang talaga siya. "Ba't ang aga mo naman nagising?" tanong ulit nito. "Gumagawa po ako ng tsaa ni madam, kayo po?" "Hangover, gusto ko magkape." sagot nito habang hawak hawak pa ang ulo. "Gusto niyo po tsaa na lang, mainam po ito herbal din po." napatingin naman siya sa ginagawa ko. "Masarap ba yan?" tumango naman ako. "Baka may lason yan ah?" grabe talaga to! siya na bibigyan iinarte pa. "Walang lason to Señorito, kung gusto mo ng lason lalagyan ko, lason ng daga." kunot-noo naman itong napatingin sa akin. "Biro lang po." natatawa kong wika saka ibinigay sa kanya ang tsaa. "Mabango, sarili mong gawa?" tanong niya saka humigop. "Masarap Audris, di ko alam na magaling ka pala sa mga ganito." "Opo, gusto niyo ng Veggie Soup? gawan ko po kayo." nagiba naman ang timpla ng mukha nito. "Maraming gulay yan?" nagaalangan niyang tanong. "Opo sir, ayaw niyo po ba sa gulay?" "Mapili ako sa gulay, di ko ata makakain yan." Bahagya naman akong napangiti. "Sure ako makakain mo to Señorito, pag ito nagustuhan mo sana quits na tayo sa black eye na yan." ngumisi lang ito. "Sandali lang at maghihiwa ako ng mga gulay." pinasadahan na lang ito ng tingin ng Señorito niya. Mga ilang minuto lang ay tapos na akong magluto. Hinanda ko muna ang ang mangkok na lalagyan ko at kutsara. "Señorito ito na po." inilapag ko ng dahan dahan ang Soup sa mesa. Kita ko naman ang pagngiti nito ng amuyin ang luto ko. "Audris grabe ayoko sa gulay pero napapasarap mo ito." wika niya sabay higop at subo sa niluto ko. "Magic po yan Sir." natatawa kong sabi at nakisabay na rin sa pagkain. "Señorito buti at Audris na ang tinawag mo sa'kin hindi na yung...ano ba yun? Çerçöp ba yun?" napatawa naman ito sabay kamot sa batok. "Ano po ibig sabihin non?" "A-ah...Çerçöp means...beautiful/handsome." tila hindi siguradong tugon. Çerçöp, yan lagi niya tinatawag sa'kin, beautiful pala yun akala ko kung ano. Kinikilig tuloy ako, maryosep! "Masarap Audris, magugustuhan to ni Briguel." napatigil naman ako sa sinabi ni Señorito. "Si Briguel po, mahilig po ba siya sa gulay?" "Yung nagluluto ata gusto niya." mahinang bulong niya pero di ko naiintindihan, sinundan niya rin kasi ito ng mahihinang tawa. "I'm done eating Audris, thank you sa pakain at tsaa." bago pa man ito tumayo ay nagsalita muna ako. "Señorito yung black eye masakit pa rin po ba?" tanong ko rito. "Hindi na, yung pasa lang talaga gusto ko nang mawala na." nagsalin naman ako ng maligamgam na tubig sa palanggana. "E hot compress niyo po yan, dikit niyo po itong tuwalya sa may black eye. Makakatulong po ito para mawala na yang pasa." masaya kong saad saka nilapag sa mesa at niligpit ang pinagkainan. "Sige, i will take it. Thank you." nakangiting wika niya at umalis na. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, akala ko mala impyerno tong araw na to. Yieee! Kung lagi kang mabait Señorito naku mahuhulog talaga ang loob ko sayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD