Kabanata 6:

1228 Words
Busy ang lahat ng mga empleyado sa mansion, pati na rin sila Lola Viviana. Bukas na kasi gaganapin ang pa Welcome Party nila Sir Chernikov at Sir Francis. "Hey, wanna drink?" alok ni Sir Draeson sa'kin ng alak. Kasalukuyan akong nag dedesign ng tablecloth, tas ngayon bigla-biglang susulpot para alukin ako ng alak. Tumanggi lang ako, sino ba namang matino ang iinom ng alak sa umaga. Parang ginawa niya itong kape. "Audris, do i look handsome?" tanong nito na ikinaawang ng labi ko. Seryoso ba siya? bigla-bigla na lang magtatanong kung gwapo ba siya? Eh gwapo naman talaga. "Oo pogi naman kayo Sir, babaero nga lang." natatawang wika ko na ikinakunot ng noo niya. "Chinismis ng mga ulupong no? grabe talaga sila." pati ito ay natatawa na rin. "Audris, how old are you?" "25 sir, ikaw?" akala ko si Lyle lang ang daldalin sa kanila, pati din pala si Sir Draeson. "28, pero baby face pa tignan, diba?" turan niya sabay pogi sign. "Oo na lang. Sir di ba kayo nagsasawang magpalit-palit ng babae?" hindi ko alam kung ba't ko natanong, pero curious lang ba't may mga taong ganon. "Nagsasawa naman, pero malas ako sa pag-ibig. Ngayon mukhang magkakalove life na siguro ako. Sa ngayon hinahanap ko pa ang babaeng yun. Isang dalaga, 18 anyos pa lang ito. Hindi ko alam ang pangalan o taga saan siya. Tanging edad lang naman ang nalaman ko, pero kung makita ko siya at makatuluyan tiyak ay magbabago na talaga ako." mahabang pahayag niya, kita din naman ang pagka-sincere nito sa mga sinabi. "Audris, matagal ko nang gustong tanungin to, ewan ko ba kung ako lang ba ang nakapansin na hindi ka purong pinay. May lahi ka ba?" napalunok naman ako ng diretso. "Italian po, half-italiana." wika ko, napalabi naman siya, parang di makapaniwala sa sinabi ko. "Alam mo ba ako rin ay may lahing italian." bulas niya na ikinamangha ko rin pero di naman gaanong halata sa mukha niya na italian siya, singkit kasi ito. Meron naman akong nakitang pang foreign pero parang mixed na ang beauty nito. Singkit na may kutis italyano. "Si mama half-chinese mas malakas ang genes ni mama kaya ito napasingkit ang mata ko." nakangiting sabi nito."Itong ilong at kutis ko sa ama ko daw nagmana. Pati rin itong labi at hugis ng mukha ko." masaya naman siya sa kinukwento niya. "Sa akin naman ang hugis lang ng mukha ang namana kay mama, si papa hindi ko na alam bata pa lamang ako nong naghiwalay sila. Halos sa kanya ko daw namana ang lahat." malungkot kung wika, kita ko naman ang pag-aalala niya. "Ako nga din, parehas pala tayo. Naghiwalay din si mama at papa. Kaya Lazaro ang ginamit kong apelyido. Pero alam ko naman ang apelyido niya." "A-ano?" "Lovatelli." tumikhim muna ito saka nilagok ang alak na hawak niya. "Siguro kung buo ang pamilya namin ako na si Draeson Lazaro Lovatelli." natatawa niyang wika. "Pahiram ng apelyido mo ang ganda kasi pakinggan." ngumiti lang ito. "Audris Lovatelli, oh diba bagay din?" natawa naman siyang nakatingin sa'kin. "Paano pala no kung iisa lang ang ama natin?" kunot noo naman akong napatingin sa kanya. "Malabo ata yan eh, pero kung totoo yan edi ang saya may kuya ako!" wika ko, parehas kaming na pa apir sa isa't-isa. "Alam mo magaan ang loob ko sayo, nong una kitang nakita hind kita napagsalitaan ng bastos." bahagya akong napangiti, magaan din kasi ang loob ko sa lalaking to. "Kung makita mo yung hinahanap mong babae, ipakilala mo ko ah." ginulo niya ang buhok ko saka tumango. "Audris!" napalingon kaming dalawa ni Sir Draeson sa lalaking tumawag sa'kin. "Sir Lyle!" kaway ko. Isa pa to napakamadaldal. "Hey, I brought you ​cookies. Binake ng kapatid ko. Hope you'll like it." nakangiting wika nito saka inabot ang isang box ng cookies. "N-naku, nakakahiya naman po. Nag-abala pa po kayo. Salamat Sir Ly---Señorito akin yan!" napasigaw ako ng bigla kunin ni Señorito ang cookies na bigay ni Lyle. "W-woy ano ba akin yan?!" nakisali na rin sila Briguel at Draeson at isa-isa nilang kinain ang laman. Napabaling naman ang tingin ko kay Lyle, nasapo lamang nito ang noo at inis na tinignan ang mga kaibigan. "Di bale, bibigyan ulit kita sa susunod na dalaw ko." ngumiti ito saka itinataas baba ang kilay. "Audris o, may isa pang natira." sabi ni Briguel saka ibinigay sa'kin ang box. Napatigil naman ako ng bigla kunin pa iyo ni Señorito at...kinagatan?! "Masarap e, ito sayo na kalahati Audris." inabot naman sa'kin ni Señorito ang cookies na kinagatan. Napaawang lang ang bibig ko, seryoso ipapakain niya sa'kin yun? "Audris ano na? nandidiri ka ba sa'kin?" napalabi naman ito. Inilagay niya ito sa box. Padabog kung kinuha ang box at umalis. Nakakainis! akala ko okay na kami ni Señorito. Pagkapasok ko sa kwarto agad akong napasampa sa kama at nakangiting tinignan yung box ng cookies. Kinuha ko ang cookies na kinain ni Señorito. "Ang bango." inamoy ko ang kinagatan niya. Maryosep! ang bango talaga. Kinain ko ang cookies at don mismo sa kinagatan niya, ang sarap nga! T-teka...alin yung masarap yung cookies ba o yung kagat niya? tanong ko sa isip ko. "Ahh! nakakakilig!!" tili ko, kasabay naman non ang pagbukas pinto at iniluwa si Señorito. "Ba't ka kinikilig Audris?" tanong nito na may pangisi-ngisi pa. "Anong kilig?" tanong ko na pabalik, kunwari di alam ang sinasabi niya. "Narinig kitang tumili ng 'nakakakilig', akala mo di ko narinig?" bahagya pa itong napangisi at lumapit sa'kin. "Kanino ka ba kinikilig?" napalunok ako ng dalawa beses. "A-ano wala yun, ba't naman ako kikiligin?" "Asus! liar, I know kinilig ka kay Lyle, nga pala ito o!" hinagis niya sa'kin ang isang box ng chocolate. "Sensya na kanina, trip ko lang pikunin ka." tumawa pa ito saka inayos ang sarili. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o kikiligin sa inasta niya, binigyan niya ako ng chocolate. "Ano peace na ba tayo?" tanong niya. "Imported yan galing Turkey, aba dapat peace na tayo." wika niya, sabay taas ng kamay at nag peace sign. "May choice pa ba ako para hindi ka patawarin, e amo kita kaya sige peace na tayo!" itinaas ko naman ang kamay ko para makipag apir, kaso alangan itong tumingin sa palad ko. "Apir! yung kamay mo." agad naman niyang inapir yun, buti nagets niya. Akmang aalis na sana siya ng may bigla siyang maalala. "Audris, nasan na yung cookies na kinagatan ko?" bigla akong nanigas sa tanong niya. Asan na ba yun? e, hala! nasa tiyan ko na. Hindi ako umimik. Hindi ko alam ano ang sasabihin ko. "Kinain mo ba?" ang pinaka-ayaw kong tanong, nubayan! "H-hindi ah." napaiwas pa ako ng tingin, pano ba naman kasi grabe yung mga titig niya. "E, ano to?" napapitlag ako ng idampi niya ang daliri sa gilid ng labi ko. "Kinain mo Audris, may asukal pa o?" gusto ko na lang talagang lamunin ng lupa, sa sobrang hiya. "Ikaw ah, kinain mo para mag indirect kiss tayo. E, pwede naman natin gawin yun, ngayon." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Nakailang lunok lang ako at napalabi. "Just kidding! Sige na have a rest. Bye!" paalam nito saka tuluyan ng lumabas ng kwarto. Agad ko namang nilock ang pinto. Saka nagsisigaw ng mahina. "Maryosep! ano ba naman tong si Señorito!" umakyat ako sa kama saka nagtatalon. Inlove na ata ako! Inlove na ata ako!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD