Maaga pa lamang ay marami nang nagdatingan na mga bisita. Maya-maya pa ay magsisimula na rin naman ang selebrasyon. Tanaw ko na rin sila Señorito kasama ang mga kaibigan nito.
Ang popogi nila lalo na sa mga suot nilang tuxedo. Ako naman nasa may gilid lang, parang di talaga ako kauri ng mga bisita nila ang daming nagagandahang mga babae.
"Hoy! Audris, ba't andiyan ka?" gulat akong napatingin kay Marichu.
"Bakit? nakakahiya kayang makisama sa kanila." umismid naman ito at hinila ako.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.
"Sa bahay ng mga empleyado." nakita ko ang susing dala nito, binuksan niya ang isa sa mga bahay don.
"Ito yung bahay namin, di pa kita nadadala dito." pumasok kami, maganda ang loob at simple lang may dalawang kwarto, kusina at maliit na sala.
"Ano ang gagawin natin dito?" hindi ito nagsalita, bagkus pumasok ito sa isang silid at binuksan niya ang aparador, may mga kinuha siyang dress.
"Pili ka diyan ng susuotin, palitan mo yung damit mo para kang manang." bumaling naman ang tingin niya sa mukha ko. "Maganda ka pero ang putla putla mo, kahit lipstick at make up man lang di ka nag-lagay." wika nito.
"Eh, kailangan ba yan matatapos rin naman ang party maya-maya." wika ko na ikinangiwi niya.
"Ewan ko sayo Audris, magbihis ka na. Ito oh kita yung balikat mo tas cleavage." masayang wika niya, parang di naman ako sang-ayon sa damit na inabot niya.
"Ayoko niyan Marichu! hapit na hapit tas kita yung binti ko."
"Ano meron sa binti mo ang ganda kaya, sure ako matatalbugan mo ang mga babae don." wala na akong nagawa.
Pagkatapos kung magbihis, agad naman niya akong nilagyan ng mga kolorete. May hikaw din siyang pinahiram.
"Wala akong kwintas Audris, pero hayaan mo ang ganda mo na sa suot mo." inayos niya ang buhok ko, kinulot niya ito ng malalaki ang grano.
"Sanay ka naman sa heels no?" tumango naman ako, inabot niya sa'kin ang heels na may 6 inch.
"2-3 inch lang kaya ko pero susubukan ko to." agad mo namang sinuot at nilakad lakad ko.
"Ayos Audris ang ganda ganda mo na." niyakap ko siya, pati ako nagagandahan sa sarili ko.
"Salamat Marichu---aray!" napahiyaw ako ng kurutin niya ang tagiliran ko.
"Di pa tayo bati, ikaw ang bilis mong napalapit kila Sir Briguel, Lyle, Draeson at sa minamahal kong si Sir Nik²." wika niya na may pagtatampo.
"Sila kaya ang panay lapit sa'kin." hinila naman niya ang buhok ko ng marahan sa sobrang inggit.
"Ang haba ng hair mo day! edi sanaol." natawa na rin ito.
"Sige na punta ka na don, maiwan muna ako dito magliligpit pa ako." nagpaalam naman ako sa kanya at bumalik na sa pinagdausahan ng party.
Papasok pa lang ako ng garden pansin ko na ang mga matang nakasunod sa'kin.
Naiilang tuloy ako, ang panget ko ba para tignan nila ako ng ganito. Nakakahiya!
Pansin ko ding nakatingin sa gawi ko sila Señorito, awang pa ang mga labi nito.
"Hey pretty baby!" sigaw ni Sir Draeson at patakbong lumapit sa'kin.
"You look so good, kaso ang sexy naman ata ng isinuot mo dapat overprotective ako sayo. Kasi Lil sis kita." nakangiting wika nito.
"Lil sis?" kunot-noo kung tanong.
"Para na kasi kitang Lil Sister, tignan mo ang mga mata nila o, halos luluwa na." natawa pa ito, kita ko namang sumunod sila Señorito.
"Audris, ang ganda mo. Akala ko kung sinong diyosa." wika ni Sir Lyle.
Nakakahiya tong pinagsasabi ng mga to.
"S-salamat po Sir Lyle."
"Di ba sabi ko sayo dati pakitanggal ang 'Sir' at 'po'."
"Naku, pasensya na po--ay! pasensya na di lang talaga ako sanay Lyle. Okay na ba?" ngumiti lang ito, akma sana niya akong hahawakan ng tinabig ni Señorito ang kamay niya.
"Don't touch her!" nagtataka naman kaming napatingin kay Señorito.
"Why? pagmamay-ari mo ba siya?" tumikhim muna ito bago nagsalita.
"May sasabihin lang si Briguel, let's give them some privacy." wika niya at hinila si Sir Draeson at Lyle sa may manggas, medyo lumayo sila ng konti.
Akala ko naman ako hihilahin niya, hmpp!
"Hi Audris, ang ganda ganda mo. May kamukha ka nga e." wika niya sabay titig sa mukha ko.
"S-sino po?" inayos na muna niya ang suot .
"Future wife ko." napalabi naman ako sa turan niya, sumilay naman ang mga ngiti nito.
Hindi ko alam anong magiging reaksiyon ko sa sinabi niya, nanatili lang akong tahimik. Nagjojoke ba siya?
"Parang may kulang sa suot mo." napansin kong may dinukot siya sa bulsa.
Napaawang ang labi ko kasabay na rin ang pamimilog ng mga mata ko.
Yung kwintas na nakita ko sa jewelry shop, hawak na hawak ni Sir Briguel.
"Can I?" tanong niya, tumango lang ako.
Hinawi niya ang buhok ko para maisuot yun.
"Grabe, it looks good on you." nakangiti nitong saad.
Pati ako namamangha sa suot kong kwintas. Hindi talaga ako makapaniwala na masusuot ko to. Pasimple ko lang tong pinagmamasdan sa Jewelry shop tapos ngayon unexpected na ibibigay ni Sir Briguel.
"Regalo ko 'yan." taka akong napatingin sa kanya. Next month pa naman ang birthday ko ba't niya ako bibigyan, at para saan?
"Malapit na pasko, inadvance ko lang. Hope you'll like it." wika ulit nito, nanatili pa rin ang mga ngiti sa labi.
Ibinaling ko ang tingin ko sa gawi ni Señorito, tipid lang itong ngumiti at nakipag-usap na sa mga kaibigan.
"Good evening, ladies and gentlemen. Thank you for coming to this welcome party. Let us begin with a round of applause for Mr. Francis Kadovar and his only son, Chernikov Khareem Kadovar." mahabang paunlak ng host sa party.
Nagpalakpakan naman kaming lahat.
"Good evening everyone. Again, thank you for coming. We are glad to be back here in the Philippines with my son, Chernikov. Let's enjoy this night and be happy! Cheers to everyone!" wika ng ama ni Señorito, kasabay ang pagtaas ng mga baso ng mga bisita.
"Thank you so much, everyone. Thank you for making us feel welcome. It's great to be back here. Let's get started on our new journey! Cheers!" wika ni Señorito, sabay taas din ng baso at umalis sa gitna.
Maingay at nagkakasiyahan ang lahat ng mga bisita. May mga music din na masarap sa tenga pakinggan.
"Audris, punta tayo kila Khareem." aya ni Sir Briguel sa'kin.
May kausap din sila Sir Lyle at Draeson na mga nagagandahang babae.
Aksidente namang nagtama ang tingin namin ni Señorito. Ako na ang unang umiwas, nakakapaso ang mga titig niya.
"Hello, what's your name?" may biglang sumulpot na bakla sa harap namin ni Sir Briguel.
"A-audris Leonidas po." pagpapakilala ko.
"I'm Arthur Buenaobra, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang ganda mo girl, gusto mo bang pumasok sa pag-momodeling? I'm sure maraming mga baklitang mag-aagawan sayo." inexamine niya ang kabubuan ko.
"Sa haba ng biyas mo, kay ganda pa ng hubog ng katawan. Lalo na ang mukha mong bagay na bagay talaga sa pagmomodelo." kita ko naman ang pag-iling ni Sir Briguel, gayon din sila Señorito na nakalapit na pala sa gawi namin.
"No, Mr. Buenaobra ayaw ni Audris sa mga ganyang bagay." wika ni Señorito na ikina-gulat namin.
"B-but pasok siya sa---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Mr. Arthur nang magsalita ulit si Señorito.
"Not a good idea, busy din siya sa bahay inaasikaso niya ang Granny ko." wika ulit nito.
"Oh I see, possessive boyfriend Mr. Kadovar. Okay thank you." natahimik kami sa sinabi niya, napabaling din ang tingin ko sa mga lalaking kasama ko. Gulat rin sila sa turan ng bakla, pilit naman pinipigilan nila Sir Lyle at Draeson ang tawa nila.
"Possessive naman pala Mr. Kadovar." pangangantiyaw ni Sir Draeson. Pansin ko naman ang pagdilim ng mga tingin ni Señorito na parang gusto na niyang manglapa ng tao.
"Hi beautiful, can I have your number?" may sumulpot na namang binatilyo, may dalawa din itong kasama na sa tingin ko ay mga bachelors rin.
"If you don't mind, can I borrow her young men?" wika ng isa nitong kasama. Borrow? ano ako laruan.
"No, just leave my girlfriend alone." wika ni Sir Draeson at hinila ako sa tabi niya.
Grabe ano na ang nangyayari dito? naloloka na ako!
"I know you're joking Mr. Lazaro, as if naman girlfriend mo yan. E, never ka namang nagseryoso sa babae." may pang-asar nitong wika. Pansin ko naman ang marahang pagpikit ni Sir Draeson. Lalo na sila Briguel eh parang nagpipigil na. "Calm down, lulubayan ko na yan pag talagang napaniwala mo akong girlfriend mo siya." aba talaga tong unggoy na ito.
"Ok fine!" wika ni sir Draeson. "Ano gusto mong gawin ko?" lakas loob nitong tanong.
"Kiss her, kung talaga girlfriend mo siya." nagpanting naman ang tenga ko sa narinig.
"Bastos ka pala e!" agad ko naman siyang nasapak.
Di na talaga ako nakapagtimpi. Gulat din namang napatingin sa'kin sila Señorito. Bakas sa mukha nila yung pagkamangha. Natatawa pa nga sa ginawa ko.
"M-masakit yun ah, pero gusto ko yung ganyan WILD." sabi nito na may pagdiin pa sa salitang 'wild'. Sasapakin ko pa sana ulit kaso hinila na ako ni Señorito paalis don. Buti na lang talaga di napansin ng karamihan ang nangyari masyado kasi silang busy sa sayawan.
"Kaya ka nababastos dahil diyan sa suot mo." mahinang sermon niya, pero bakas ang inis sa boses.
Agad din naman niya akong binitawan pagkatapos naming makalayo don.
"Ito kasi ang ipinasuot ni Marichu sa'kin at tsaka marami namang mas sexy pa sa'kin. Yung iba nga parang nahubaran na sa sobrang sexy." Naiinis kong saad.
Napahilot na lang siya sa kanyang sentido at inis na napatitig sa'kin.
"Pakilala kita kay papa, dali!" at eto na naman siya hinihila na naman ako.
"Ang hilig mong manghila no, hindi naman masakit. Promise hindi masakit." umismid lang ito at binitawan agad ako pagtapos namin tumigil sa harap nang kanyang ama.
"Hi Pa, this is Audris siya yung nag-aasikaso kay Granny." sumilay naman ang ngiti nito sa labi.
"Hello hija, nice meeting you. You look so beautiful." wika ni Sir Francis sabay hagod sa buhok ko. "Hawig mo nga ang yumao kung asawa. Thank you for taking care of Mama." nakangiti pa rin ito.
"Hello din po, wala pong anuman yun. Ikaw din po Ç-çerçöp... Sir." buti na lang may tinuro sa'kin na Turkish Language si Señorito. Baka masiyahan ito dahil may nalaman akong lenggwahe nila kaso isa nga lang na salita.
"W-what did you say?" tanong nito, na parang may nais na isigurado kung tama ba ang dinig niya.
"Ç-çerçöp po sir." umiba ang ekspresyon nito, kanina na animo'y abot langit ang ngiti, ngayon naman ay parang galit.
Napapikit ito at napabuntong hininga.
"Do i look a trash?" tanong nito sa'kin.
Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko, nagsimula na rin mangatog ang mga binti ko kasabay ang pagaralgal na boses ko.
Pansin ko na rin na nakatingin ang lahat ng mga bisita sa gawi namin.
"Mama ganito ka ba pumipili ng mga empleyado? Walang respeto!" diin ang pagkakasabi niya sa walang respeto.
Hindi ko na alam, kusa ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na kaya pang tumayo dito, hiyang-hiya na ako sa hindi ko malamang dahilan.
"Papa, it's my fault. Hindi intensiyon ni Audris na pagsalitaan ka ng ganon. A-ako yung nagturo sa kanya ng salitang 'Çerçöp' iniba ko lang ang kahulugan. Di ko rin alam na sasabihin niya sayo yung salitang yun. Kasalanan ko Papa, wag mo siyang pagalitan." mahabang paliwanag ni Señorito.
Hinawakan niya ang braso ko.
Agad niyang kinuha ang mic "I'm sorry for this misunderstanding, it's my fault. Don't mind this problem. Mag enjoy lang kayo. Salamat." wika niya sabay pasok sa loob ng bahay.
Inalalayan niya ako, hindi ko alam ang gagawin ko magagalit ba sa kanya o magpapasalamat dahil niligtas niya ako sa kahihiyan.
Hindi pa rin natatapos ang pagtulo ng luha ko. Sobrang sakit at sobrang nakakahiya.
Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko, at maingat ako inupo sa kama.
Nanatili lang kaming tahimik. Tanging hikbi ko lang ang maririnig sa naturang silid.
"Bakit ka ganyan? masaya ka na ba sa ginawa mong pagpapahiya sa'kin?" wika ko sa kalagitnaan ng pag-iyak.
Nakayuko lang ako, ayokong makita ang pagmumukha niya.
"I-i'm sorry Audris, pasensya na talaga." wika nito na may halong sensiridad sa mga sinasabi.
"Sobrang nakakahiya yung kanina, ba't mo naman kasi ako pinagtritripan, akala ko ba okay na tayo?" inangat niya ang ulo ko. Agad namang nagtama ang mga mata namin, malungkot din siya.
"Kasalanan ko, hihingi ako ng paumanhin mamaya kay Papa. Pasensya na Audris." hindi ko alam kung bakit di ko kayang magalit sa kanya ng sobra.
"I'm so sorry, don't cry na." nagulat ako dahil sa pagyakap niya sa'kin.
"I'm sorry, wag ka ng umiyak please." inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya.
Nanatili lang kami sa ganong posisyon, walang balak magsalita.
Pero naalala ko na naman ang nangyari kanina kaya kusa na namang tumulo ang mga luha ko.
"Ano ba yan Audris, iiyak ka na naman." halata na ang inis sa boses nito.
"Kasalanan mo to pinahiya mo ako!" naramdaman kong may maliliit na halik sa leeg ko, sa gulat ko ay agad ko siyang tinulak.
"Aray! bwesit naman o!" singhal niya. Paupo kasi itong nahulog sa sahig
"A-anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong.
"Pag di ka pa tumigil kakaiyak diyan itutuloy ko yung ginawa ko." pagbabanta niya saka tumayo na. "Ano Audris, iiyak ka pa ba?" tanong niya na ikinatakot ko pa.
Napalunok ako ng dalawang beses, napansin ko rin ang paghubad niya ng blazer at pag luwag ng kwelyo niya.
"A-ano ba?!" napatili ako ng bigla niyang hipuin ang hita ko.
Ngumisi lang ito at tinignan ako ng nakakaloko.