Literal na gusto ko talagang tumakas pagkatapos kumain. Kaya lang hindi ko alam kung paano. Paano nga ba ako makakapuslit? Eh, mas matindi pa sa guwardiya-sibil na nakabantay itong si Sir Markie. At seryoso pala talaga siya na kumpletuhin iyong nalalabing pa-7 rounds niya. Iyong three rounds nga lang akala ko ililibing na ako nang buhay sa pagod, dagdag na 7 rounds pa kaya? Ang tagal pa naman niyang labasan, lintek sa lahat ng mga lintek itong amo ko! Ubos na ang energy ko pero siya, parang magsisimula pa lang. Noong bata ako, tuwing uutusan ako ni Lola na bumili ng suka sa tindahan, magpapanggap akong hindi ko narinig. Noong high school naman, kapag tinatawag ako ng titser para mag-recite, bigla akong natatae mode para makaiwas. Pero ngayon? Wala akong escape plan. Kasalanan talaga it

