Nagsimula ako sa "controlled flexion exercises" ng paa ni Bulldozer. Lintek pati itong pangalan ng therapy nakakapilipit pa ng dila. Bakit kaya hate na hate ko ang English? Pero ang nakaka-imbyerna rito kay Bulldozer, imbes na makipag-cooperate, parang galit na galit siya. Kapag hinawakan ko ang paa niya, bigla siyang mangangagat! Ay, nanunuka pala! “Bulldozer! Relax lang, okay? Tulungan mo rin naman ako rito!” sigaw ko habang umiilag sa tuka niya. “Ako ang mapaparusahan kapag hindi ko ito nagawa! Kasalanan mo naman ito, eh! Sa isang iglap, sinubukan niyang sipain ang kamay ko gamit ang pilay niyang paa. Bigla akong napaatras. “Pilay ka pero may angas ka, ha?!” gigil na bulong ko habang tinitingnan kung may marka ng sugat sa kamay ko. Dahil hirap ako sa flexing exercises, sinubukan ko

