Chapter 10 Massage

2307 Words

“Ano ba, Sephie? Idiin mo naman nang konti! Ang lamya mo namang magmasahe, eh!” reklamo ni Sir Markie noong minamasahe ko na iyong balikat niya. “Wait ka lang naman kasi, Sir, ah! May step by step process ito!” katuwiran ko. Pero ang totoo ay hindi naman talaga ako marunong maghilot, eh. Hinuhula-hulaan ko lang base sa nakikita ko dati doon sa matandang nanghihilot ng mga bagong panganak at napilayan doon sa barangay namin. “God! Iyan lang, hindi mo pa alam!” asik na naman niya sa akin kaya kumibot ang kilay ko. “Sir, ang dami-dami mo kasing pera, eh, hindi ka kumuha ng tagamasahe! Nagtitipid ka ba?” inis kong sagot at medyo idiniin pa ang pagmasahe. Mukhang nagustuhan naman niya iyon kasi umungol pa nga. Bakit gano’n iyong ungol ni Sir, parang nang-aakit? O baka assumera lang talaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD