Chapter 1

1016 Words
Muli kong pinasadahan ang sarili ko sa salamin. Sinipat ko pa ng tingin pati ang tagiliran ko maging ang likod bago napagpasiyahan na ito na ang isusuot ko. Naglagay ako ng press powder sa mukha at kaunting lip and cheek tint. Ngumiti pa ako at kumindat ng makita ang kabuuang anyo ko sa salamin. Mukha na akong kagalang-galang. "Miss Madrigal, why should I hire you?" tanong ko, immitating an interviewer. "You should hire me, because I posses the rare ability to uncover and develop the strengths of other people. Management is my passion, and I just love to help the others to achieve their goals, to enjoy their job and to mutually help the company grow," sagot ko habang nakangiti. Tinitignan ko ang sarili kung paano magsalita ng may confidence sa harap ng salamin. Nakailang practice na ako mula kahapon sa mga possible questions sa interview ko para ngayon. Dahil unang job interview ko ang pupuntahan ko ngayon ay kabadong-kabado ako. Sa sobrang kaba--hindi ko na nagawang kumain, baka ma-late ako dahil monday ngayon, traffic na naman sa edaa. Nagbaon na lang ako ng tubig pamatid uhaw at sandwich na gawa ni nanay. Para fresh pa din hanggang Ortigas ay nag-taxi na lang ako. Mahirap naman kung maging hagardo versoza ako na humarap sa boss. May naitatabi naman akong pera sa pamimigay ko ng plyers na raket ko noong isang araw. Ten minutes bago mag-alas otso ng makarating ako sa kompanya. Agad kong nilapitan ang receptionist at sinabing aplikante ako at naka-schedule ng interview ngayong araw. Hinanap ng receptionist ang pangalan ko sa list, noong nakaraang araw kasi ay nagfill up ako ng application sa kanilang website. At ngayon nga ako pinapapunta para sa interview. Nang makita ng receptionist ang pangalan ko ay binigyan niya ako ng Id pass at sinabing sa 20th floor ang interview. Nakailang hakbang na ako mula sa receptionist ng makita ko ang isang ginang na parang matutumba. Dahil nasa instinct ko na ang tumulong ay mabilis ko siyang nilapitan. Agad ko siyang inalalayan upang hindi siya bumagsak sa sahig. Nagulat ito sa ginawa ko pero kalaunan ay nangiti siya at nagpasalamat. Inalalayan ko siya hanggang sa elevator. Nang nasa loob na kami ng elevator ay paulit-ulit siyang nagpasalamat. Pinuri din ako sa kabutihan ko. Hindi pa daw kasi siya nakapag-breakfast kaya nahilo siya. Naalala ko na may egg sandwich ako sa bag na pabaon sa akin ni nanay kanina kaya naman nilabas ko ito at binigay sa kaniya. Ngiting-ngiti ang ginang, tinanggihan pa niya ito dahil baka hindi pa ako nag-agahan pero sinabi ko na sa kaniya na lang para mawala ang pagkahilo niya. Tinanggap din niya ito kalaunan at nagpasalamat. Tinignan pa niya ang Id Pass ko na may nakasulat na applicant. Tinanong niya ako kung anong floor ba ang punta ko. Sabi ko na sa 20th floor at interview ko ngayon para sa management team. Tumango-tango siya sa akin. Nauna akong bumaba sa 20th floor, nakita ko na ang pinindot ng ginang kanina ay sa 30th floor. Ngumiti ako at kumaway sa kaniya bago magsarado ang elevator. Naglakad na din ako at hinanap ang hr department. Bumungad sa akin ang receptionist na ngiting-ngiti. Lakas makahawa ng ngiti niya. "Yes, ma'am?" tanong niya sa akin. "Applicant po ako, ma'am," sagot ko naman. Sinabihan ako na maghintay ako sa couch na nasa gilid. Kinuha niya ng copy ko ng resume at dinala sa isang silid. Nasa isang oras na siguro ako sa paghihintay at ngawit na ngawit na ang likod ko sa poise kong pagkakaupo. Gustong-gusto ko ng umupo ng nakasalampak gaya ng ginagawa ko sa bahay pero dahil nandito ako para sa job interview ay maayos akong nakaupo. Hindi ko din pinakita ang pagkainip sa mukha ko. Pagkatapos ng nakakangawit na paghihintay ay bumukas din ang silid. May isang lalake na nakasuot ng corporate attire, matangkad siya at guwapo. Nakita ko ang nakasabit na id pass niya kaya naman napagtanto ko na aplikante din. Ang laki ng ngiti ng babae na kausap, nakasuot siya ng id lace na nakapangalan sa kompanya, siya siguro ang HR. Nagkamay sila at kitang-kita ko kung paano haplusin ng babae ang kamay ng aplikanteng lalake. Malagkit din ang tingin niya dito. Napailing-iling ako, siguro pasok na ang lalakeng iyon sa trabaho base sa postura ng HR. Papasok na sana sa loob ng room ang HR ng tinawag ang pansin niya ng secretary. "Ma'am, may isa pa po tayong applicant," turo niya sa akin. Nilingon ako ng HR at tinaasan ako ng kilay. "The last slot was taken," aniya na kinagulat ko. Tinignan pa niya ang kaniyang pambisig na relo bago tumingin sa akin. Hindi naman ako late, maaga lang talaga ang lalake. At saka pinapunta nila ako dito for interview pero eto bubungad sa akin? Lumong-lumo tuloy ako na naglakad papuntang elevator. Sayang lang pala ang practice ko ng ilang araw. Sayang din ang effort ko at ang ayos ko. Bumuntong hininga ako. Pinasadahan ko pa ang buong 20th floor bago tuluyang pumasok sa loob ng elevator. Pasara na ang elevator ng tinawag ako ng secretary. "Ma'am, saglit lang po," aniya. Kunot ang noo ko na nakatingin sa kaniya. Nginitian niya ako bago sinabing umakyat daw ako sa 30th floor. May hiring daw doon. Pakiramdam ko nabuhayan ulit ako ng loob kaya naman panay ang dasal ko na matanggap ako ngayong araw sa trabaho. Pagkarating ko sa 30th floor ay nakita ko ang ginang na nakaupo sa couch malapit sa isang desk, siya ang ginang kanina na inalalayan ko. Nakangiti siya sa akin ng makita ako. Ngayon ko lang napagtanto na may posisyon ang ginang sa kompanyang ito. Marahil siya ang secretary at naisipan ng mag-retired. "Hello, dear," bati niya sa akin habang papalapit ako sa kaniya. "Ahm, hello, ma'am. Galing po ako sa 20th floor. Sabi po sa akin ng HR dito daw ako pumunta," magalang kong imporma sa kaniya. Tumango-tango ang ginang saka ako giniya sa isang silid. Ito siguro ang opisina ng boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD