Chapter 2

1073 Words
"Mabuti at hindi ka pa nakakaalis kanina sa HR department, tumawag ako at ang sabi nila hindi daw ikaw ang nakakuha ng last spot," ani ng ginang habang naglalakad kami papunta sa dulong pinto. Tumango-tango lang ako dahil nakaramdam ako ng kaba. "Sakto, kailangan ng secretary dito," aniya. Ayos na din siguro maging secretary. Lalo kung sa malaking kompanya. At kung dito ako ma-assign, ibig sabihin magiging sekretarya ako ng boss. Nakaka-pressure, pero kailangan kong magpa-impress sa boss upang matanggap sa trabaho. Giniya ako ng ginang sa loob ng opisina. Malaki ang office na yari sa salamin. Hindi ko na masyado naigala ang tingin ko dahil nakita kong naghihintay na ang magiging boss ko. Nakaupo siya sa swivel chair habang kunot ang noo sa binabasa na dokumento. Nasa early 50's siguro siya at masasabi mong matikas siya kahit may edad na. "Love, she's the one I am talking about, earlier," aniya ng ginang sa lalake. Wow! Asawa ng ginang ang boss? Ngayon ko lang napasadahan ang kabuuang anyo niya. Everything she wears screams luxury. "Have a seat, hija," wika ng boss at tinuro ang upuan na nasa harap niya. Umupo naman ako agad doon habang kabado. Unang impresyon ko pa lang ay masasabi kong mabait ang boss. Sana lang talaga ay pumasa ako. Binaba ni Mr. Smith ang hawak niya na papeles. Inabot ko naman sa kaniya ang resume ko. Pinasadahan niya ng tingin ang resume ko habang tumango-tango. Confident naman ako sa TOR na meron ako dahil nakapagtapos ako bilang isang academic scholar sa isang university dito sa Manila. Tumikhim siya kaya naman inayos ko ang pagkakaupo ko, nagsimula na naman akong kabahan. Wala pa akong job experience dahil fresh graduate ako at madalas iyon ang disadvantage upang matanggap sa trabaho. Tumingin sa akin si sir bago ako tanungin. "Matiyaga ka ba?" tanong niya. Laglag ang panga ko sa unang tinanong niya sa akin. Nagulat ako sa dahil hindi ko inasahan na ganito ang tatanungin niya, wala nga ito sa mga possible questions sa mga nabasa ko sa google. Nangiti ako at tumango-tango. "Oo naman po, sir," sagot ko. "That's good, you may start tommorow. Come to work fifteen minutes before your call time," aniya. Ibig sabihin ba tanggap na ako? Agad agad. Ngumiti ako at tumango-tango. Paulit-ulit akong nagpasalamat kay sir. Tumawa siya at nakipag-kamay. "Sana magtagal ka sa trabaho dahil istrikto ang boss mo," aniya. "Hindi ka naman po mukhang strikto, sir," sagot ko. Tumawa siya, maging si ma'am ay tumawa na din. "Hindi ako ang magiging boss mo. Ang anak ko ang magiging boss mo," aniya. Umuwi akong masaya pero may kung ano akong kaba na naramdaman. Pakiramdam ko tuloy ay isang magiging malaking pakikibaka ang pagpasok ko sa trabaho bukas at sa mga susunod na araw. "Oh, anak, kumusta ang interview? Hindi ka ba pumasa?" tanong ni nanay ng makapasok ako sa sala. Nagtitiklop siya ng mga labahin habang nanonood ng paborito niyang palabas. "Tanggap po, 'nay," sagot ko at agad sinalampak ang aking katawan sa upuan naming kawayan. "Eh bakit para namang hindi ka masaya?" "Mukhang masungit po ang magiging boss ko." "Basta gawin mo lang ng maayos ang trabaho mo, anak. Walang magiging problema," aniya. Tumango ako. Mukhang kailangan ko ngang magpabibo sa boss ko. Kinaumagahan... Alas-singko pa lang ng umaga ako naligo na ako. Kailangang mas maaga pa ako sa fifteen minutes before time In. Nagsuot ako ng red sleeveless buddy hugging dress na above the knee at nagsuot ng color cream na blazer na tinernuhan ko ng black pumps. Pagdating ko sa opisina ay may nadatnan akong babae. Nginitian niya ako at nagpakilala na siya ang sekretarya na papalitan ko. Buntis siya kaya naman magre-resign na siya. Ilang minuto kaming nag-usap, pahapyaw din niyang tinuro ang mga unang gagawin pagpasok. "Parating na si sir ngayon kaya magtimpla ka na ng kape sa pantry," utos niya sa akin. Agad naman akong sumunod sa utos niya. Pagkatapos magtimpla ay tumuloy na ako sa opisina ni sir. Kumatok ako ng dalawang beses bago ko pinihit ang door knob, at naglakad na palapit sa kaniyang table. "Good morning, sir," bati ko sa kaniya. Hindi ko kita ang mukha niya dahil nakaharang ang papeles na binabasa niya sa kaniyang mukha. Nilapag ko ang kape sa tapat niya. Binaba niya ang papeles at sinulyapan ang bagong timpla na kape. Tumingin siya sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha pero kitang-kita ko ang taglay niyang kaguwapuhan. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Mula sa kaniyang magaganda mata, matangos na ilong. Ang kaniyang mapupulang labi. "Are you listening, Miss Madrigal?" Napakurap-kurap ako at tumango -tango sa guwapong nilalang na nasa harapan ko. Natulala na pala ako. "Then what are you waiting for? Hindi ka binayaran para tumunganga lang diyan!" singhal niya. Bigla tuloy akong nataranta. Naiinip siyang tumingin sa akin at napahilot ng sentido. Mukhang na-stress ko siya. "Change the coffee and get me the documents from the planning department," utos niya sa istrikto at maawtoridad na tono. "Yes sir," alerto kong sagot at agad kinuha ang kape bago mabilis na naglakad palabas. Huminga ako ng malalim ng makalabas ako. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Mila ng makita ako. "Ayos ka lang?" tanong niya. Bahagya niyang sinilip ang hawak kong kape. "Opo," sagot ko at bumuntong hininga. "Mukhang na-sampolan ka niya, huh." Ngumiti siya at sinabing black coffee ang ibigay ko kay sir. Bumalik ulit ako sa pantry at nagtimpla ng panibago. Pagbalik ko sa opisina niya ay may kausap siya sa telepono. Bahagya niya akong sinulyapan at ang kape na nilapag ko. Pagkatapos ay lumabas na. Tinuruan ako ni Mila kung paano mag-ayos ng hard copy. Maging ang pag-aayos ng files sa computer ay tinuro niya. May pinakita din siya na notebook, nakalagay ang schedule ni sir doon. Pati ang mga numero ng mga kliyente at business partners ay naroon din. May phone directory din. Tumunog ang intercom at sinagot ito ni Mila. "Where's the f*****g papers that I ask you!" sigaw niya sa kabilang linya. Nataranta ako at natakot. Nakalimutan ko pala may sinabi siya kanina na mga papeles. May hinalungkat si Mila at binigay sa akin. Takot at kabado ako na pumasok sa opisina ni sir. Medyo nanginginig ang aking tuhod habang humahakbang palapit sa mesa niya. "If you can't do your job properly, better quit," aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD