"Zeinab!" napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang gulat. Hindi ko napansin ang pagpasok ni nanay sa loob ng silid ko.
"Nanay naman eh.." mangiyak-ngiyak na saad ko. Nararamdaman ko pa rin ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
"Sorry na, ano ba kasi ang ginagawa mo at hindi mo namalayan ang pag pasok ko?" natatawa nitong saad.
"Inaayos ko ang mga gamit ko nay." nakita ko namang biglang lumungkot ang mukha nito.
"Sigurado ka na ba jan anak?" tanong nito sa akin." Alam niya ang plano kong pag-alis. Ikinwento ko sa kanya ang mga nangyari nong gabi maliban lang ang tungkol kay tiyong at kay kate. Naisip ko kasi na mas magandang ako na lang ang makaalam non at wala ng iba pa. Makakalimutan ko rin naman ang lahat kapag nakaalis na kami rito.
"Opo nay sigurado na ako. Ayoko ng mag tagal pa kami dito baka kung ano pa ang magawa ni tiyong. " hindi lang ako natatakot para sa sarili ko, natatakot din ako na baka pati si Jane ay magawan din ng masama ni tiyong.
"Basta kapag nakaalis na kayo palagi kayong mag-iingat." nag-aalala nitong saad habang hinahaplos ang braso ko. nakangiti akong tumango sa kanya.
"Nakaalis na pala ang tiyong mo. Itigil mo muna iyan at bumaba nang makakain ka na."
isang linggo na ang nakalipas, isang linggo na rin akong umiiwas kay tiyong. Hindi ako sumasabay sa kanila sa pagkain at palagi lang akong nasa kwarto kapag nandito sa bahay si tiyong.
Mabuti na lamang at nandiyan si nanay para dalhan ako ng pagkain. Minsan naman pinapa baba niya ako para kumain kapag wala si tiyong kagaya ngayon.
"Okay po susunod na lang ako, malapit naman na akong matapos dito." sagot ko habang inaabot ang malaking bag na nakapatong sa ibabaw ng kabinet ngunit hindi ko ito maabot kaya naman nilundag ko na sabay hila dito.
"Aray!" daing ko ng may tumama na kung ano sa ulo ko.
"Ano ito?" nakangiwing nilingon ko si nanay habang nakahawak sa nasaktan kong ulo.
Nangunot ang noo ko ng makita ang isang maliit na notebook na hawak ni nanay. Pamilyar sa akin ang notebook hindi ko lang alam kung saan ko ba ito nakita.
"Dear Diary?" kunot ang noong basa ni nanay. Kinuha ko iyon sa kanya at pinakatitigan. Saka ko lang naalala na ito pala ang notebook na hawak noon ni nanay ng mawalan ito ng hininga.
"Sa nanay ko po ito. Hindi ko alam na may diary pala siya." mahinang saad ko habang binubuklat ang hawak kong notebook. Natuon ang atensiyon ko sa isang pahina. May maliit na papel na nakaipit doon. Kinuha ko iyon.
"Alex Montero?" hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba ng basahin ang pangalan na iyon.
"Mamaya mo na tingnan 'yan kumain ka muna baka bumalik na ang tiyong mo. Halika na!" Mabilis kong ibinalik ang papel saka ipinatong muna sa mga damit ang diary. Mamaya ko na lang iyon babasahin.
Nang matapos kumain ay tinulungan ko muna si nanay sa mga gawain bago ako bumalik sa silid ko. Kinuha ko ang diary ni nanay at tinitigan ito. May nag uudyok sa akin na basahin ito.
Uumpisahan ko na sanang basahin ito ng may kumatok naman.
"Anak may bisita ka.." Sigaw ni nanay sa labas ng silid ko. Kaagad akong lumapit sa pinto at binuksan iyon.
"Bisita? sino daw po?" nagtatakang saad ko.
"Si Lance nasa baba at hinahanap ka."
may panunukso sa mga tingin nito.
"Ah, sige po bababa na ako." sagot ko at hindi na lang pinansin ang panunuksong tingin nito. Isinilid ko sa bag ang diary na hawak ko, saka ko na lang siguro babasahin.
"O Lance napadaan ka? Hinahanap mo ba si kate? tanong ko dito ng makababa.
"Hi-hindi naman si kate ang ipinunta ko rito." nauutal nitong saad.
"Ah si tiyong ba? Nasa opisina na siya doon mo nalang kaya puntahan." Sagot ko.
"Ikaw ang binibisita ko hindi si tito, at mas lalong hindi rin si kate." kakamot kamot nitong sagot.
"Bakit may kasalanan ba ako sayo?" nakangiting tanong ko. Hindi ko kasi alam kung bakit niya ako binibisita.
"Wala naman. Gusto ko lang makita ka." Nahihiya nitong sagot.
"Makita..? ako?" naguguluhan kong saad ko.
"Namiss kita eh ." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
"Joke ba yan?" Pagbibiro ko pa.
"Totoo nga. Namiss talaga kita. Ewan ko ba. Basta simula nong magkasama tayo palagi na kitang iniisip. " Napatanga ako sa mga sinabi niya. Nag paparamdam ba ang taong ito sa akin?
"Ang cute mo talaga!" Pinisil pa niya ang pisngi ko.
"Aray! ang sadista mo talaga." Hinampas ko siya sa braso.
"Lance! oh my.. you visit me talaga?" Maarte niyang sabi. I smell something mukhang tutuhugin pa yata nito ang magtito.
"Come here.." hinila nito sa kamay si Lance "Zeinab pakidalhan mo nga kami ng makakain sa garden." Utos sa akin ni kate. Pupunta na sana ako ng kusina ng pigilan ako ni Lance sa kamay.
"Stay here." malamlam ang mga matang pakiusap niya sa akin.
"Hindi ikaw ang ipinunta ko dito kundi si Zeinab." baling niya kay kate.Nagulat siya sa sinabi ni Lance.
Hinila naman kaagad ako ni Lance patungong garden.
"Sira ka talaga! Kawawa naman si Kate. saad ko ng makarating na kami sa garden.
"Hindi naman kasi talaga siya ang ipinunta ko." nakangiting iiling -iling na lang ako. Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng hawakan niya ang kamay ko.
"Zeinab gusto kita." kaagad kong binawi ang kamay ko. Hindi dahil sa ayaw ko sa kanya. Walang babaeng hindi magkakagusto sa kanya. pero sa ngayon ayoko munang pumasok sa isang relasyon.
"huh? bakit ang bilis naman yata? baka kabag lang yan at kailangan mo lang mautot." natutop ko ang aking bibig. 'Ano ba yan Zeinab ang bibig mo' away ko sa sarili ko. Napatingin naman ako kay Lance na ngayon ay halos mamatay matay na sa kakatawa. 'seryoso pinag titripan ba ako ng lokong ito.'
"Ano ba? Siraulo ka talaga!" hampas ko sa braso niya.
"Peace!" nakangiting saad nito sabay peace sign.
Gabi na ng umalis si Lance. Ang dami naming napagkwentuhan karamihan puro mga kalokohan. Kahit papaano nalibang ako at nawala muna saglit ang mga pangamba ko.
Matapos na maihatid si Lance ay pumasok na rin ako. Malapit palang ako sa pinto ng makarinig ako na mga tinig sa gazebo. Maingat akong naglakad palapit doon at tsaka sumilip. Si kate at si tiyong ang nakita ko. Sa nakikita ko mukhang mainit ang ulo ni kate.
"Huwag ngayong gabi dad pagod ako! Hindi kaba nagsasawa halos gabi-gabi na lang natin ginagawa. At nakakailang rounds ka na kung di ka lang baog malamang buntis na ako ngayon."
"Bakit ba ang init ng ulo mo ha?" Nakita kong hinaplos ng kamay niya ang ano ni kate
Sa halip na tanggalin ang kamay ni tiyong mas lalo pang idiniin ni kate sa ano niya ang palad ni tiyong, ang sagwang panuorin.
"Paanong hindi mag-iinit ang ulo ko magmula kaninang umaga nandito si Lance at naglalandian lang silang dalawa ni Zeinab, ni hindi nga ako pinapansin ng pamangkin mo."
Sumbong niya kay tiyong. So ako pala ang dahilan kaya mainit ang ulo niya. Bigla namang natigilan si tiyong ang ginagawa ng marinig ang mga iyon.
"Hoy!" Muntik na akong mapasigaw mabuti na lang at natakpan nito ang bibig ko.
"Nanay naman eh, anong ginagawa niyo dito." pabulong na tanong ko.
Nataranta ako ng makitang palabas na si tiyong.
"Umalis na tayo!" hila sa akin ni nanay bago pa man kami makita ni tiyong.
"May alam ka na ba sa mga ginagawa nila?" tanong nito sa akin ng makalayo kami sa gazebo.
"Opo pangatlong beses ko na po silang nahuhuli." Pag-amin ko sa kanya.
"Ibig sabihin alam niyo rin po ang--" hindi ko matuloy tuloy ang sunod kong sasabihin.
"Oo. Naaawa ako kay lucy pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya na ang asawa't anak niya ay may kahayopang ginagawa sa likod niya."
wala akong maisagot dahil katulad niya ay wala rin akong lakas ng loob na sabihin kay tiyang ang mga nalaman ko. Nag-aalala rin ako na baka masaktan siya ng sobra.