Chapter 9

1242 Words
Nasa mahimbing ako na pagkakatulog ng maramdaman ko na parang may humahaplos sa mga binti ko. Nananaginip lang marahil ako dahil hindi ko naman na ulit naramdaman pa. Pikit ang mga matang nangunot ang noo ko ng maya maya'y naramdaman ko na parang may umaamoy sa balikat ko kaya naman nag dilat ako ng mga mata at ganoon na lamang ang takot ko ng makita ang taong kinatatakotan ko. Tinangka kong bumangon ngunit mabilis niya akong napigilan. Mabilis niyang nahawakan ang dalawa kong kamay. Nagpumiglas ako ngunit sadyang malakas si tiyong. Inilagay niya sa ulohan ko ang mga kamay ko gamit lang ang isang kamay niya habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa bibig ko. Sa sobrang takot na nararamdaman ko ay tuluyan na akong napaiyak. "Sshhh.. Huwag ka na kasing pumalag pa, pagbigyan mo na ako. Promise ko sayo paliligayahin kita.." Nakangising saad nito. Hilam ng luha ang mga mata ko na nag pailing-iling ako. Hindi ako papayag na magtagumpay ito sa kahayopan niya kaya kahit pa nakadagan ito sa akin ay nagpupumiglas pa rin ako. "Hhhhhhh!" sumisigaw ako ngunit walang my lumalabas sa bibig ko. Pinipilit kong iwasan ang pag halik niya sa leeg ko habang nakakaramdam ng pandidiri sa katawan. Sinikap kong maibuka ang bibig ko. Nang sa wakas ay nagawa ko. Walang ano ano'y kinagat ko ng madiin ang ilalim ng palad niya dahilan upang maalis ang kamay niya sa bibig ko. "TULONG! NANAY.... TULONGAN NIYO KO....!" malakas na sigaw ko. "Walang hiya! Manahimik ka!" galit na saway nito. Magtatangka na naman sana itong takpan ang bibig ko ngunit malakas kong iniuntog ang ulo ko sa noo niya, nakaramdam ako ng sakit at pagkaliyo ngunit hindi ko iyon ininda. Buong lakas na hinila ko ang mga kamay ko na mabilis na nakawala sa pagkakahawak niya. Itinulak ko siya ng malakas dahilan para mahulog siya sa kama. Kaagad akong bumangon sa kama. Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang pinto ng silid ko. Palabas na ako ng hablutin naman nito ang buhok ko. "Aaa.. tiyong tama na nasasaktan ako. TULONG! TIYANG TULONGAN NIYO 'KO! TIY-- aaa.." Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang sakit ng pagkakasuntok niya sa sikmura ko. Hindi pa nga ako nakakabawi ng lakas ng itayo niya ako at ubod lakas na isinandal sa pader. Napaigik ako sa sakit na naramdaman ng likod ko. Itinaas niya ang mga kamay ko sa magkabilang ligid ko. Mabilis kong iginilid ang mukha ko ng makitang hahalikan niya ako sa labi. Nasa ganoong akto kami ng biglang mag liwanag buong taas ng bahay. Nakita ko na lamang si tiyang na nakatayo sa labas ng pinto ng silid nila. Si nanay naman ay nakatayo habang nasa switch pa ng ilaw ang kamay nito. Mabilis kong itinulak si tiyong at habol ang sariling hininga na lumapit ako kay nanay. "Anong nangyayari dito?" Tanong ni tiyang habang nag palipat lipat ang tingin nito amin ni tiyong. Hindi ako sumagot at nag sumiksik lang sa katawan ni nanay. "Mommy sa tingin ko si Zeinab ang may kasalanan." Saad ni Kate ng makalapit ito sa ina. Masama pa ang tingin nito sa akin. "Anong nangyayari dito?" baling ni tiyang kay tiyong. "Hi-hindi ko alam sa pamangkin mo basta na lang akong hinarang a-at niyayaya ako na pumasok sa kwarto niya. Hindi ako pumayag nagulat na lang ako at nagsisisigaw na siya." pagsisinungaling nito. "SINUNGALING KA!" umiiyak kong saad. "Ikaw ang pu...masok sa kwarto ko at balak mo akong gahasain.. DEMONYO KA!!" galit na galit kong sigaw sa kabila ng pag iyak ko. "Oh my god, ganyan ka na ba kadesperada?" mapang-uyam namang saad ni Kate. "Hindi ako ikaw na nakakaya lang makipagtalik kay tiyong at lokohin ang sariling mong ina para lang masuportahan ang mga luho mo." Hindi naka pagpigil na sabi ko. Hindi naman ito nakaimik sa narinig, Para itong nakalaklak ng maraming suka dahil sa pamumutla ng mukha nito. "Bakit natahimik ka? Totoo di ba? akala mo ba walang nakakaalam sa kababoyan niyo ni tiyong?" Bakit hindi mo aminin kay tiyang ang pinag-gagagawa niyo sa likod niya." "Anong ibig mong sabihin Zeinab?" Naguguluhang tanong ni tiyang sakin. "Huwag kang maniwala sa kanya mommy, gumagawa lang 'yan ng kwento para mapagtakpan niya lang ang ginawa niya ngayon. " "Talaga lang ha.. nahuli ko kayong nag sesex ni tiyong, gusto mo pa ba sabihin ko kung ilang beses at kung saan?" panghahamon ko rito. Maging si tiyong ay hindi rin nakaimik. "HINDI TOTOO YAN! nagsisinungaling lang siya mommy. Gusto niya lang akong siraan sa inyo. Mommy maniwala po kayo sakin ako ang anak niyo diba? Ako ang paniwalaan niyo." Nagmamakaawa niyang sabi sa ina. Susubukan niya pa sanang hawakan ang kamay ni tiyang ngunit tinabig lang ito ni tiyang. Sinamaan niya ako ng tingin. Pumasok ako sa silid ko. "Alam kong mangyayari ito kaya naman kinuhanan ko kayo ng video. " saad ko ng makabalik. Itinaas ko ang kamay na may hawak na selpon. Natigil sa tangkang pag agaw ni kate sa selpon ko ng tumunog iyon at marinig ang boses niya sa video. Iniharap ko iyon kay tiyang upang makita niya ang video. "BAKIT MO NAGAWA SA AKIN ITO KATE!" pinag sasampal niya ito. "I'm sorry mommy, hindi ko sinasadya.." umiiyak nitong saad. Nanghihinang napaupo na ito sa sahig. "Hindi mo sinasadya? HAYOP ka!" sinabunotan niya pa ito ng hindi pa makuntento sa ginawang pag sampal. Nakaramdam naman ako ng habag para dito ngunit hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Alam kong tama lang ang ginawa ko upang matigil na ang panloloko nila kay tiyang. "Patawarin mo ako mommy, hi-hindi ko naman ginusto ang nangyari." humihikbi nitong saad. Lalapitan niya sana si tiyang ngunit itinulak niya ito. "TAMA NA 'YAN!" Galit na sigaw ni tiyong sa halip na humingi ng sorry sa nagawa ay parang ito pa ang galit. "HAYOP KA!! HAYOP KA!! NILOKO MO 'KO!!.." galit na pinag babayo niya sa dibdib nito si tiyong ngunit itinulak lang siya nito. "Nagagalit ka sa anak mo, eh di ba ganyan ka rin? Pareho lang naman kayong mababa ang lipad." nakangising saad ni tiyong. "Simula ngayon ayoko nang makita pa ang pagmumukha niyong mag ina. LUMAYAS KAYO SA PAMAMAHAY KO!!" bulyaw nito saka naglakad palayo sa amin. "ANG SINASABI MONG MABABA ANG LIPAD AY ANG SARILI MO RING ANAK!" Sigaw ni tiyang. Napahinto si tiyong sa paglakad nito. Gulat na nagkatinginan kami ni nanay. Maging si kate ay nagulat din sa narinig. "Anong sabi niyo?" naguguluhang tanong ni kate sa ina nito. Dahan-dahang humarap si tiyong at nanlilisik ang mga matang tiningnan nito si tiyang. "Anak mo siya kay minerva." nakangising saad nito kay tiyong. "Sarili mong dugo ang dumadaloy sa katawan ni kate..hahahaha.." tila nawawala sa sariling sabi ni tiyang. Nagmamadali naman siyang nilapitan ni tiyong. "Sinungaling ka?" tagis ang mga ngiping saad nito habang sakal sakal nito si tiyang. Nakita naming nahihirapan na sa paghinga si tiyang kaya naman inawat at inilayo namin si tiyong. "Ma-masa-kit ba ha?" nahihirapang saad ni tiyang habang umuubo ito. "Ano ang pakiramdam? sarili mong anak sinipingan mo." pang iinis pa nitong saad Napapitlag ako ng sampalin ito ni tiyong ng malakas dahilan para mapaupo ito sa sahig. "Sisingilin kitang hayop ka! tandaan mo 'yan!" pagbabanta nito bago umalis. Nilapitan ko si tiyang at inalalayan itong makatayo. Nilapitan naman ni nanay si kate na noo'y tulala pa rin sa mga nangyari.Itatayo niya rin sana ito ngunit tinabig niya lang ito at patakbo na bumaba ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD