Chapter 10

1554 Words
"Tiyang ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko dito nang mapansin kong namimilipit ito sa sakit ng sikmura niya. Mahina naman itong tumango kahit halata sa itsura nito na hindi siya okay. "Hu-wag mo akong intindihin..A-ayos lang ako.." nahihirapang saad nito sa akin. Wala akong magawa kundi ang mapabuntong hininga na lamang. Hayop talaga ang mag-amang iyon. Hindi na naawa sa amin. Matapos ang pangyayaring iyo ay tinangka naming umalis ng bahay ngunit hindi kami pinayagan na makaalis. Ipinakulong kami ng mag-ama sa mga alipores nila dito sa bodega, at ngayon nga ay dalawang araw na kaming walang kain. kaya naman si tiyang ay sumasakit na ang sikmura sa sobrang gutom nito. "Ate, nagugutom na kami!" Daing ni Jane sa akin..Bakas sa mga mukha nila ang paghihirap na tiisin ang gutom nila. Maging ako man din ay nagugutom na rin ngunit ayokong ipahalata sa kanila iyon. Sa ganitong paraan nila kami gustong patayin. Napakahayop nila.. " konting tiis na lang ha, kapag nahanap ako ng pagkakataong makatakas tatakas tayo dito ha." Saad ko sa dalawa kong kapatid habang yakap ko sila pareho.. Naaawa ako sa kanila, kung pwede lang sana na ako na lang ang magutom kakayanin kong tiisin hindi ko lang sila makitang nahihirapan. "Matulog na lang ulit tayo, itulog na lang natin ang nararamdaman nating gutom." mahinang sabi ko sa kanila. "Pero ate gutom na gutom na talaga ako." humihikbing saad naman ni Jane. "Pasensiya na kayo dahil walang magawa ang ate, kung pwede ko lang akuin ang pagkagutom niyo na nararamdaman gagawin ko, hu-huwag lang kayong mahirapan." naiiyak kong saad habang hinahaplos ng mga kamay ko ang braso nila. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang emosyon ko saka tumayo. "TIYONG... PARANG AWA NIYO NA PALABASIN NIYO NA KAMI RITO! TIYONG..KAHIT BIGYAN NIYO LANG PO KAMI NG TUBIG NA MAIINOM!!" malakas na sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan. "TIYONG!! TIYONG!! tiyong!! tiyong buksan niyo 'to." nanghihinang napaupo na lamang ako sa likod ng pinto nang wala manlang ako natanggap na sagot. Ilang oras pa ang lumipas ng may mag bukas ng pinto. Pumasok ang tatlong lalaki, dalawa sa kanila ay may bitbit na pagkain. "Lumapit ka!" tawag sa akin ng lalaki kaagad naman akong tumayo at kinuha ang dalawang supot na inabot nito sa akin. Mabilis akong lumapit kila tiyang. Inilabas ko ang mga pagkain na laman ng supot. "Kumain na kayo." saad ko sa kanila matapos kong mabuksan ang mga iyon. "Kumain ka na rin." saad sa akin ni tiyang ngunit tumango lang ako. Kahit wala ng matira para sa akin ang importante makakain silang tatlo. "Anong ginagawa niyo?" kunot noo na saad ko ng bigla akong hawakan ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ko. "Sumama ka sa amin!" "Saan niyo ko dadalhin? bitawan niyo ko!" saad ko habang pilit na kumakawala sa kanila. "Ate!" umiiyak na sambit ni Jane. "Bitawan niyo ate ko!" sigaw naman ni andrew habang itinutulak nito ang isang lalaki na pumigil sa paglapit niya. "Huwag.. 'wag..'wag.. pakiusap" mangiyak-ngiyak kong saad ng tutokan ng baril sa ulo si Andrew. "Sasama na 'ko.. sasama na.." natatarantang saad ko. "Sasama ka naman pala eh gusto mo pa ng takotan." Asik ng lalaki sabay tulak ng malakas kay andrew. Naupuan nito ang pagkaing nagkalat na sa sahig. Palabas na sana kami ng pumasok naman si tiyong sa loob. Nakangisi itong tumingin sa akin. "Dito ko na lang pala gagawin." saad nito. Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Lumapit ito sa akin, iniwas ko ang ulo ko sa kanya ng maramdaman ang pag haplos nito sa buhok ko ngunit bigla niya naman akong sinabunotan. "Kaya lalo akong nananabik sayo." nakangising saad nito. "Hayop ka!" nanggigil sa galit na sabi ko. "Panoorin mo ko habang dinadala ko sa langit ang pamangkin mo. hahahah.." nababaliw nitong sabi kay tiyang. "Tiyong huwaaaaaggg..." Takot na takot akong nagsisigaw ng bigla nitong sinibasib ng halik ang leeg ko. "HuWag! demonyo ka! hayop ka!!" sigaw ko ng pinunit niya ang pang itaas kong damit ko. Nag pumiglas ako upang makawala sa hawak ng dalawang lalaki ngunit masyado silang malakas. "Hayoooop ka! hayop ka.." Umiiyak at paulit ulit kong sigaw nang tuloyan ng maalis ang blouse ko. Wala akong magawa upang maitago ang litaw kong cleavage sa suot kong bra. Kita sa mga mata ni tiyong ang tumitinding pag nanasa nito habang nakatitig sa dibdib ko. Nakangisi itong lumapit sa akin. Bago niya pa man mahawakan ang dibdib ko ay tinuhod ko na ng malakas ang bayag niya. Namilipit ito sa sakit. Nakita ko na lang din na itinulak ito ng malakas ni tiyang. Inapakan ko ang paa ng lalaki at sinipa naman ni tiyang ang isang lalaki dahilan para mabitawan nila ako. Si Jane at andrew naman ay pinipigilan na makalapit ang dalawa pang lalaki. "Tumakbo ka na Zeinab! Humingi ka ng tulong bilisan mo!!" utos niya sa akin nang makita niyang tumatayo na rin si tiyong sa pagkakatumba nito. Mabilis akong tumakbo palabas ng bodega. "Dito anak dali!!" natatarantang sabi ni nanay, nasa may pintuan ito ng kusina kung saan pwede akong makalabas kaagad ng bahay. Kaagad akong lumapit dito. Nasa likuran ko siya habang binabaybay namin ang daan palabas ng kusina. Hindi pa man kami nakakalabas pinto nang makarinig ng putok. Ganon na lamang ang takot ko nang makitang tinamaan si nanay. "Nanay!" palahaw ko nang bumagsak ito sa sahig. Saglit akong huminto upang daluhan ito ngunit nakita kong nag kasa ulit ng baril ang lalaki kaya mas lalo kong binilisan ang takbo upang makalabas ngunit sa malas ko inaabangan na pala ako ni tiyong sa likod. Hindi ko alam kung paanong ang bilis niyang nakarating don. Bumalik ako sa loob ngunit napaatras lang din ako nang makita ang lalaking nagpaputok ng baril kanina. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Tiyong, parang awa mo na!" pagmamakaawa ko rito ng hablotin niya ang buhok ko. "Pinahihirapan mo akong punyeta ka!!" tagis ang mga ngiping sabi ni tiyong sa akin. "Ngayon papatayin na lang kita!!" Sa sobrang lakas ng pagkakasampal ni tiyong sa akin ay hindi kaagad ako nakatayo sa pagkakatumba. "Zeinab!" "Lance, Lance tulungan mo ako! please!" umiiyak na pagmamakaawa ko dito. Wala na akong ibang mahihingian pa ng tulong kundi siya na lang. Alam kong mas kakampihan niya si tiyong dahil kadugo niya ito ngunit nag babakasali pa rin ako na ililigtas niya ako sa tiyohin niya. Kaagad niya akong itinayo. "Tiyong ano 'to?" makikita sa mukha niya ang galit. "Huwag kang mangingialam! Alis!" galit na utos ni tiyong kay Lance. "Lance please!" pagmamakaawa ko dito ng maramdaman ang pagluwag ng kapit nito sa braso ko. Tinabig siya ni tiyong. "Tiyong tama na po.." pagmamakaawa ko dito, Hinila niya ang buhok ko at kinaladkad papasok ng kusina. Pakiramdam ko hihiwalay ang anit ko sa ulo ko dahil sa sobrang hawak nito. Marahil ito na siguro ang katapusan ko at hindi na ko makakatakas pa. "Aaa!!" hiyaw ng tumama ang tagiliran ko sa matulis na bagay ng bigla ako nitong itulak sa sulok. Kita ko ang pagdurugo non ngunit hindi ko na binigyan ng pansin. Kinuha nito ang baril sa lalaki saka itinutok na akin. "Nawalan na 'ko ng gana sayo kaya papatayin na lang kita!!" takot na takot ako na umiling- iling. Alam kong hindi ito mangingiming kalabitin ang baril. Napapitlag ako ng makarinig ng putok. "Takbo Zeinab!" sigaw ni Lance habang nakikipag-agawan ito ng baril. Hindi kaagad ako nakahuma. Nang ilang saglit lang ay.. "Lance!" sigaw ko ng makita na itong duguan. Hindi naman nakagalaw si tiyong dahil sa nangyari. Nanginginig man ang buo kong katawan ay pinilit kong makatakbo. Kailangan kong makalayo dito. Dalawang buhay na ang nawala para makaligtas lang ako kaya hindi ko dapat sayangin iyon. "HABULIN NIYO SIYA!" Rinig ko pa na sigaw ni tiyong. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Ama iligtas mo po ako.. paulit ulit kong sambit, may mga naririnig akong putok ng baril ngunit tuloy lang ang pagtakbo ko hanggang sa makalabas ako ng gate. Nakita kong nakasunod pa rin sa akin ang tatlong lalaki. Malayo layo pa ang tatakbuhin ko bago ko marating ang highway, masakit na ang mga paa ko at nakakaramdam na rin ako ng pagod pero nagpapatuloy pa rin ako sa pagtakbo ko hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan kong makatakas upang makahingi ako ng tulong. Nang matanaw ko ang isang masukal na gubat naalala ko ang sinabi sa akin noon ni andrew na short-cut daw iyon papuntang highway. Kahit na madilim ay tinakbo ko iyon ngunit hindi pala ganon kadali ang daan doon, dahil sa sobrang dilim hindi ko makita ang dinadaanan ko, maraming beses ng natusok ang mga paa ko. may mga matutulis din na sanga ang tumatama sa katawan ko. Wala akong suot na damit pang itaas kaya mabilis na nasusugatan ang balat ko. Hindi ko alam kung sinusundan pa rin ba ako ng mga alipores ni tiyong basta takbo lang ako ng takbo. Sumilay ang ngiti sa mga labi ko habang tumutulo ang luha ko nang may makitang sasakyan saktong paglabas ko ng gubat. Nawala na sa isip ko na wala pala akong blouse na suot. Humingi ako ng tulong at kaagad naman itong huminto. Saktong pagbukas ng pinto ay bumagsak na ako sa kalsada. "Miss! Miss! are you okay?" rinig ko pa na tanong ng lalaki bago tuluyang pumikit ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD