Chapter 12

1300 Words
Dalawang araw na rin ang nakalipas matapos kong malaman na si tito Alex pala ang totoo kong ama. Nong una halos hindi pa ako makapaniwala na yong hinahanap niyang anak ay ako na pala yun pero dahil sa diary ni nanay ay naniwala na rin ako. Nakakalungkot lang isipin na 'yong tatay na nakasama ko sa paglaki ko ay hindi ko pala totoong tatay pero kahit ganon pa man ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil itinuring niya akong tunay na anak. Hindi niya ipinaramdam sa'kin noon na ibang tao ako. Sobrang malapit kami sa isa't- isa. Lahat ng mga gusto ko ibinibigay niya. Kapag may nang-aaway sa akin ipinag tatanggol niya ako kaya kahit kailan hindi ko naramdaman noon na hindi ko siya totoong tatay. Nalaman kong bestfriend pala ni nanay at tito alex si tatay noon. Nong nalaman ng mga magulang ni tito alex na buntis si inay ay inilayo nila si tito alex at isinama ito sa ibang bansa. Naiwang mag- isa si inay, mabuti na lang at mabait si tatay kaya nag desisyon itong akuin na lang ang responsibilidad na naiwan ni tito alex. Akala ko sa mga palabas ko lang iyon napapanood pero nangyayari rin pala sa totoong buhay. Nalaman ko rin na si Andrew at Jane ay anak pala ni tiya Lucy. Ibinigay sila kay nanay nong asawa ni tiya lucy. Hindi ko na rin maalala ang panahon na iyon dahil bata pa ako non basta ang alam ko lumaki ako na sila na ang kasama ko. "Are y-" "Ay nanay mo!" Nanlalaki ang mga matang natutop ko ang aking sariling bibig dahil sa salitang lumabas sa bibig ko. "Sorry, nagulat tuloy kita." natatawa nitong saad. "Ayos lang, Pasensiya na rin!" nahihiyang saad ko. Naging abala ang isip ko kaya hindi ko napansin ang pagpasok niya. "So, ready ka na ba umuwi?" nakangiting tanong nito sa akin. Marahan akong tumango bilang tugon. Ngayong araw pala ang labas ko sa hospital. May importanteng meeting daw si tito alex kaya siya ang maghahatid sa 'kin don sa bahay nila. "Ahmm, Ikaw ba si-si Dave?" Ano bang dila ito. Hindi ko alam kung bakit nauutal ako. "Ay, hindi pa pala ako nakakapag pakilala sayo. My name is Dave Castro." Napatitig ako sa kamay niyang nakalahad. "Zeinab, zeinab naman ako." Pakilala ko ng abutin ko ang kamay niya. Gusto ko ang init na hatid ng kamay. Kung pwede nga lang na hindi ko na iyon bitawan ay gagawin ko kaya lang nakakahiya baka kung ano pa ang isipin niya kaya binitawan ko na rin. Ewan ko ba sa sarili ko, simula nong mapadikit ako sa kanya ay hinahanap hanap ko na yong init ng katawan niya. "Tara na?" tumango lang ako saka sumunod na rin sa kanya palabas ng kwarto. Habang naglalakad ay napagmasdan ko ang kabuohan nito. Hindi ko mapigilan na humanga sa ganda nitong magdala ng damit. Nakasuot ito ng puting long sleeve na lapat sa katawan niya at slacks naman ang suot niya na pang ibaba na parang sumikip sa paningin ko dahil sa laki ng pang upo nito. "Gusto mo bang kumain muna?" tanong nito. Kaagad naman akong nag iwas ng tingin. "Huwag na, gusto ko na kasing makita ang mga kapatid ko." pagdadahilan ko. Hindi ko namalayang nasa parking lot na pala kami. Kasi naman kung saan saan nakatingin ang mga mata ko. "Thank you!" mahinang saad ko ng pagbuksan niya ako ng pinto. Nakita ko itong umikot sa harapan ng sasakyan niya. Nginitian niya ako ng makaupo ito sa driver seat. Nahihiyang nag iwas ako ng tingin. Ito na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Natatakot tuloy ako na baka may sakit na ako sa puso pero bakit sa kanya ko lang ito nararamdaman sa iba hindi naman. Hindi kaya nagkakagusto na ako sa kanya? Sinulyapan ko ito nang bigla naman itong lumingon at nagkatitigan kami. "May sasabihin ka?" nakangiting tanong niya sa 'kin. Nag init ang pisngi ko sa sobrang hiya nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya. "a..ano, gu-gusto ko sanang humingi ulit ng sorry don sa nangyari nong nakaraan." nauutal utal kong sabi. Alam kong nag sorry na ako noon pero nagsorry pa rin ako ngayon para lang mailusot ko lang ang sarili sa kahihiyan. Kung ano ano kasing pumapasok sa isip ko eh.. "Sorry!" kunot ang noo na nilingon ko ito. Bigla akong naguluhan sa kanya. "Ako ang dapat mag sorry kasi bigla kitang niyakap. Ayon lang kasi ang naisip ko para pakalmahin ka." may sensiridad sa boses nito. "Wala 'yon.. alam ko namang ginawa mo lang din iyon upang pakalmahin ako." nakangiting sabi ko sa kanya. Ako na ang nag iwas ng tingin nang hindi ko matagalan ang titig niya. Itinuon ko na lang ang paningin ko sa mga nadadaanan namin at hindi na muling sinulyapan pa ito. Ilang saglit pa ay huminto na ang sasakyan sa mataas na gate. Nang bumukas ito ay kaagad niyang ipinasok sa loob ang kotse. "Ate!" Masayang sigaw ng mga kapatid ko. Kaagad akong bumaba ng sasakyan at niyakap ko sila ng mahigpit. Tumulo ang mga luha ko sa sobrang kaligayahan. Masayang masaya ako dahil sa wakas nailayo na rin kami sa kapahamakan, lalong lalo na ang mga kapatid ko. Wala akong ibang hiniling noon pa man kundi ang mapabuti lang sila. Pinisil ko ang kamay ni tiyang saka ito niyakap. Masaya rin ako at nagkapatawaran na kami ni tiyang. "Kumain ka na ba?" nakangiti nitong tanong sa akin "Hindi pa nga po eh.. nagmadali na kaming umuwi kanina gustong.. gusto ko na po kasing makita ang mga ito. Namiss ko kayo!" Masayang saad ko habang pinaghahalikan sila sa mga pisngi nila. "Ate, malalaki na kami!" natatawang saad ni Jane. "Ano naman eh sa baby ko pa rin kayong dalawa." nakangiting saad ko. "Salamat sayo Zeinab at hindi mo pinabayaan ang mga anak ko. " naiiyak nitong saad. Hinaplos ko ang braso nito saka nginitian siya. "Dave, samahan mo na rin kaming kumain." nakangiting baling ni tiyang kay dave. Hinintay ko kung ano ang isasagot niya. "Sige po." Nakaramdam ako ng saya sa sagot nito ngunit kaagad ko rin na sinaway ang sarili ko. Masyado pang maaga para magkagusto ako sa kanya. Nauna ng pumasok sila Jane at Andrew. Kami naman ni tiyang ay magkasabay na pumasok habang si dave ay nasa likuran namin. Namangha naman ako sa laki ng bahay ni tito alex. Nakita ko na ito noon pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mamangha pa rin sa laki at ganda ng bahay niya. Magkatabing nakaupo si Andrew at Jane, Si tiyang naman ay naupo na rin sa gilid ni andrew kaya ang ending kami ni dave ang nagkatabi ng upuan. Nakangiti akong pinapanood ang mga kapatid ko habang kumukuha sila ng pagkain. Nagulat naman ako ng lagyan ni Dave ng kanin ang plato ko. Nginitian niya lang ako ng nilingon ko ito. Akala ko titigil na siya ngunit nilagyan niya rin ng ulam ang plato ko. "Para kompleto na." natatawang saad nito nang mapansin niya siguro ang pagtataka ko. "Salamat!" nakangiting saad ko at nag umpisa na rin akong kumain. Habang kumakain kami hindi maiwasan na magkiskisan ang mga braso namin ni dave na naging dahilan para mabalisa ako. Sa tuwing nagkakadikit kasi ang mga balat namin ay may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag kong ano. Parang may nagliliparan sa loob ng tiyan ko. Yong mga balahibo ko rin sa batok ko pakiramdam ko nagtatayuan. Binilisan ko ng kumain at nang matapos nga ay nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na upang magpahinga dahil sumama ang pakiramdam ko. Naguguluhan ako alam kong mali na maramdaman ko ito pero di ko alam kung bakit? di ko alam kung anong sumapi sa 'kin at ganon na lang magreact ang katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD