“It’s my life! It’s now or never! I ain’t gonna live forever, I just wanna live when I’m alive…” sabay na pagkanta ni Andrea sa malakas na tugtog ng kaniyang car stereo, habang patapik-tapik ang kaniyang mga daliri sa manibela.
Kalalabas niya lang sa hacienda papunta ng eskwelahan. She was now in her fourth year in accounting. Wala siyang ibang hangad sa mga sandaling iyon kun’di ang makatapos na at makawala sa galamay ng kaniyang ama.
Tuloy-tuloy lang siya sa pagmamaneho nang maya-maya, umusok ang unahan ng kaniyang sasakyan. Biglang namatay ang makina niyon.
“Oh, no, Silver. . . not now,” aniya nang tuluyan na itong huminto.
Wala siyang nagawa kun’di ang lumabas at silipin kung anong sira niyon. Makapal na usok ang bumulaga sa kaniya nang buksan ang hood ng kaniyang kotse, na bahagya pa niyang ikinaubo. Mabilis niyang iwinasiwas ang mga kamay upang mawala ang makapal na usok na nasa harap, pagkuwa’y namewang.
“What should I do now?” tanong niya sa sarili.
Pagdating sa makina ng sasakyan ay wala siyang kaalam-alam. Ang mga kuya niya ang palaging nag-aayos noon para sa kaniya sa tuwing magkakasira iyon.
Bumalik siya sa loob ng kotse at kinuha ang kaniyang cell phone. Idinayal niya ang numero ng kaniyang Kuya Sebastian na mabilis naman nitong sinagot.
“Kuya help,” nag-p-panic na wika niya.
“Why? What’s the matter?” nag-aalalang tanong naman nito sa kabilang linya na sa palagay niya ay kagigising lang.
“Tumirik si Silver, eh. Hindi ko alam kung bakit,” tugon niya.
Marahas itong napahugot ng hininga sa kabilang linya.
“Akala ko naman kung ano na,” anito. “Nasaan ka na ba?”
“Kalalabas ko lang sa hacienda.”
“Okay. Wait me there in twenty minutes.” Nawala na ito sa kabilang linya.
Matiyaga namang naghintay roon si Andrea, habang patingin-tingin sa kaniyang orasan. Hindi pa naman siya ma-l-late, pero kapag nahuli pa ng ilang minuto ang kaniyang kapatid, baka roon din ang bagsak niya.
Hindi niya rin alam kung ano ang sira noon at walang kasiguraduhan na maaayos agad iyon nito. Kaya minabuti niyang mag-abang ng puwedeng masakyan.
Ilang minuto na siyang nakatayo sa gilid ng kalsada pero wala pa ring dumadaan doon. Hanggang sa matanaw niya sa di-kalayuan ang paparating na motorsikyo.
Nagdadalawang-isip siya kung paparahin ba iyon o hindi, pero kusang tumigil iyon sa tapat niya. Bahagya pa siyang napaatras nang titigan siya ng driver niyon nang matagal.
Hindi niya nakikita ang mukha nito dahil naka-helmet ito kaya kinabahan siya nang husto. Napatingin siya sa bungad ng hacienda sa pagbabakasaling makita roon ang sasakyan ng kaniyang kapatid, subalit ni anino nito ay hindi niya matanaw.
Sa sulok ng kaniyang mga mata ay dahan-dahang hinubad ng driver ang helmet nito, while she was holding her breath. At laking gulat niya nang mapagsino ito.
He was the same guy she met at the bar! At hindi kayang pantayan nang nakita niya nang gabing iyon, ang nakikita niyang itsura nito ngayon in broad daylight!
The devil looked very handsome! A very dangerous handsome man!
“Problem with your car?” tanong nito habang hindi na yata nawawala sa mukha ang pilyong mga ngiti.
Umingos siya.
“Oh, common! I knew you recognized me, kaya hindi na eepekto sa akin iyang pagtataray mo,” deretsahang wika nito na marahas niyang ikinalingon sa lalaki.
“And who are you to say that to me?” mataray niyang tanong dito.
Pagak itong natawa at bahagya pang hinampas ang helmet. “Well, looked at yourself, Miss. Hindi ba pagtataray iyang ginagawa mo?”
Hindi siya nakaimik.
Umiling-iling naman ang lalaki. “Do you want a ride? Mukhang may pupuntahan ka at alam mong walang masyadong dumadaan sa lugar na ito.” Inilinga pa nito ang mga mata sa paligid.
Nagtataasang mga kugon ang nasa magkabila niyon. Alam niyang walang masyadong dumadaan na sasakyan doon because it was still private property. Pag-aari pa nila ang lugar na iyon at shortcut papuntang main road.
“Ano? Tatayo ka na lang ba riyan o makikisakay sa akin?” tanong muli ng lalaki sa kaniya.
Muli niyang nilingon ang daan papasok ng kanilang hacienda, pero hindi pa rin niya matanaw roon ang sasakyan ng kaniyang kapatid.
Napabuntonghininga siya. Tiningnan niya ang naghihintay na lalaki, pagkatapos ay ang likuran ng motorsiklo nito. She never rode a motorcycle before, kaya nag-aalangan siyang tanggapin ang iniaalok nito.
“Don’t worry. . . hindi kita ilalaglag,” anito kasabay ng pagbigay sa kaniya ng isang pang helmet.
Alanganing tinanggap niya iyon. Ilang beses muna siyang huminga nang malalim, bago iyon tuluyang isinuot. Pagkatapos ay napatingin siya sa nakaabang nitong mga kamay. Wala nagawa si Andrea kun’di ang humawak doon.
Maingat siya nitong inalalayan pasakay sa likuran nito. Mabuti na lang at naka-jeans siya ng mga sandaling iyon, kaya’t hindi siya nahirapan.
Ini-start na nito ang makina nang muli siyang lingunin. “Just grab everywhere you’d like. But I prefer you hold on my waist,” nakangising wika nito bago pinaandar ang motorsiklo.
Mabilis namang napahawak sa bewang ng lalaki si Andrea upang hindi mahulog, because the man drove like a madman. Hindi nito alintana ang maalikabok na daan habang umiiwas sa mga lubak niyon.
She wasn’t afraid riding on that thing, because it was just like riding a horse. Pero sa uri ng pagpapatakbo nito, parang bigla ay nawalan ng panama roon ang pangangabayo niya. Halos ihiga na nito ang motorsiklo sa kalsada. And she didn’t know how he balanced himself on top of it, lalo pa at angkas siya nito.
Saglit lang ang naging byahe nila papunta ng eskwelahan, na ikinapagtaka naman niya. “How do you know that I am heading here?” tanong niya sa lalaki habang magkasalubong ang mga kilay.
Nagkibit-balikat ito. “You’re Chelsea’s friend, right? At sa pagkakaalam ko, classmate mo rin siya. Kaya alam kong dito ka pupunta.” Inabot nito ang strap ng helmet at ito na mismo ang maingat na nag-alis noon sa ulo niya.
“Thanks,” kiming wika niya.
Tumango naman ito.
“I don’t accept thank you,” anito at pilyong ngumiti. “When we meet again, you have to pay for this,” makahulugang pahabol nito bago muling pinaandar ang motorsiklo at iniwan na siya roon.
Tulalang sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa mawala ito. Nagulantang pa siya ng sunod-sunod na tumunog ang cell phone niya.
Dali-dali niya iyong sinagot.
“Where are you?” nag-aalalang tanong ng kaniyang Kuya Sebastian.
Napatapik siya sa noo. “Oh, Kuya. . . sorry. Hindi na kita natawagan kanina. Naki-hitch hike na lang ako papasok sa school. I’m already here now.”
“Ganoon ba? Ipasusundo na lang kita mamaya kay Antonio, dahil mukhang matatagalan pa bago maayos ang kotse mo. Medyo malaki ang sira, eh,” paliwanag nito.
“Okay, Kuya. Thanks,” nakangiting sabi niya bago nagpaalam dito. Pagkatapos, masigla na siyang pumasok sa loob ng campus.
**
“Where have you been anak? Ang aga mo yatang umalis kanina?” tanong ni Rosario nang madatnan si Frederick sa labas ng kanilang bahay. May kung ano itong ginagawa sa motorsiklo nito.
“Nagpahangin lang, Mama,” aniyang hindi ito nililingon.
Naramdaman niyang lumapit ito sa tabi niya. “Are you still not accepting his offer?” malumanay na tanong nito.
“We don’t beg for money, Mama. Marami tayo noon. Umuwi lang tayo sa Pilipinas dahil gusto ninyo. We will not permanently be living here,” mariing saad niya nang hindi pa rin ito nililingon.
“But your father wanted you to do this. Nakalimutan mo na ba?”
Huminga siya nang malalim bago ito sinulyapan. “But I don’t. . . Para saan pa ba?” punong-puno ng pait na tanong niya rito.
Umiling ang kaniyang ina at masuyong hinaplos ang kaniyang mukha. “This is for you, hijo. Para sa sarili mo. Hindi naman siguro hihilingin ng iyong ama iyon bago siya mamatay, kung hindi iyon importante sa ’yo, hindi ba?” Ngumiti ito. “You knew him. Lahat ng ginawa niya para sa ’yo ay para lamang sa ikabubuti mo at wala ng iba pa. Just trust him one last time. Wala namang mawawala kung susubukan mo,” dagdag pa nito.
Umiling siya. “I don’t know, Mama. I never asked for this. I never asked Papa to give me anything. Sapat na ang lahat ng sakrapisyo niya para sa akin—para sa atin. Hindi ko na kailangan pa ito,” aniya.
Mataman siyang tinitigan ng ina. “Galit ka pa rin ba sa kaniya?” Nanunuot ang tingin nito.
He laughed sarcastically.
“Sino bang hindi magagalit sa walang pusong kagaya niya? Kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana tayo umalis,” punong-puno ng hinanakit na tugon niya.
“Don’t hate him. Hindi niya kasalanan ang mga nangyari noon. Walang may gusto ng mga nangyari noon, Fred.”
Nakikiusap ang mga matang tinitigan niya ang ina. “Let’s just go back to Canada, okay? Mas makabubuti iyon para sa ating lahat, lalo na sa inyo,” aniya.
Ngumiti ang kaniyang ina pero hindi naman iyon umabot sa mga mata nito. “No, hijo. Hindi tayo aalis dito. Hindi tayo aalis hangga’t hindi mo pa nagagawa ang mga dapat mong gawin,” tugon nito.
Napabuntonghininga na lang si Frederick. Alam niyang kahit anong pilit niya ay hindi niya mapasusunod ang ina.
“Fine. . . I’ll do what you say. Pero pagkatapos ng lahat ng ito, we’re going back to Canada,” napapahinuhod na turan niya.
Masuyong hinaplos ng kaniyang mama ang buhok niya at ngumiti. “Thanks, hijo. Matutuwa ang papa mo sa gagawin mong ito. He’ll be proud of you up there.” Saka siya nito tinalikuran.
Inihatid niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito. Kasabay noon ay ang pagbabago ng anyo niya.
Anger was written all over his face. At matatakot ang kahit na sinumang makakikita niyon.