“Bakit sa Maynila pa? We have so many branches here in Quezon. Mamimili ka na lang kung saang lugar mo gustong ma-assign,” anang kanyang ama habang matamang nakatitig sa kanya.
“Please, Papa… I don’t want to argue with you on this one. Payagan mo na akong sa branch ng bangko natin sa Manila mag-internship,” may halong pakiusap na tugon niya.
Matagal siyang tinitigan nito bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
“Alright…” napapahinuhod na sabi nito. “But, if somethings go wrong… alam mo na ang mangyayari.”
Nakangiting tumango si Andrea.
“Thanks Papa,” she sincerely said for the first time in a while. Hindi na kasi niya maalala kung kailan ba siya huling nagpasalamat dito dahil pinayagan siya nito sa gusto niya.
“As I’ve had said…”
“Yeah... You don’t have to remind me about it, Papa.” Putol niya sa iba pang sasabihin nito. “I know your rules. Once I made mistake, I’ll go back here and face the consequences.”
Tumango naman ito.
“Mabuti na iyong nagkakaintindihan tayo. Just make sure na internship lang talaga ang ipinunta mo sa Manila and nothing else.”
“Hindi ko dudungisan ang pangalan mo kung iyon ang iniisip ninyo,” she said very determined. “I’ll make sure of that.”
Muling tumango ang kanyang ama.
“I’ll just call our branch manager there to inform about you. I will also asked him not to give you special treatment just to make sure you’ll do your job properly.”
“That’s fine with me. I will also asked you the same thing pero nauhan n'yo na ako,” aniya sabay tayo. “I’ll go ahead and packed my things.”
“Sa condo ka na lang tumira tutal wala namang gumagamit ng penthouse because Antonio already bought his own house,” pahabol pa nito.
Ngumiti siya sa ama.
“Thanks again, Papa.”
At pagkasabi niyon ay iniwan n'ya na ito sa library.
Magaan ang pakiramdam niya sa naging usapan nilang iyon ng ama. Nakakapanibago man pero, mas maigi na iyong naging maayos ang lahat. Akala niya matinding diskusyon pa ang pagdadaanan nila bago ito mapapayag, ngunit hindi naman pala siya pahihirapan nito.
Sometimes, napapansin niyang nagiging malambot na ito at hindi niya alam ang dahilan kung bakit ganoon ito minsan. Maybe, he was tired of exchanging harsh words with her. Or maybe... baka naman naiisip ng kanyang ama na tama naman siya.
But regardless of that, kahit na ano pang dahilan nito, natutuwa pa rin siya na kahit papaano ay nakakaintindi na ito.
Dumeretso siya sa kanyang silid at mabilis na nag-empake. Maya-maya lang ay nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto.
“Come in…” aniya.
“So, you’re leaving me also,” malungkot na bungad ng kanyang ina pagkapasok na pagkapasok nito.
Nakangiting napailing na lang siya ng harapin ito.
“I’m not going anywhere, Mama. Malapit lang ang Manila and every weekend I’ll visit you here.”
Marahan ang mga hakbang nitong lumapit sa kanya at naupo sa gilid ng kanyang kama.
“Do I have a choice? Ngayong malalaki na kayo hindi ko na kayo pwedeng pagbawalan sa mga gusto ninyong gawin.”
“Mama, we will always come back here... kaming mga anak ninyo,” aniya at hinawakan ito sa kamay at bahagyang pinisil iyon. “Kahit anong mangyari… babalik at babalik kami dito because of you and Papa. Pansamantala lang naman ang lahat ng ito and after everything, we’ll always find ourselves home... to be with you.”
Totoo ang sinasabi niya. Kahit na ganoon kahigpit ang kanilang ama, hindi pa rin nawawala sa kanila ang pagmamahal sa mga ito because they are their parents. And nothing could ever replace that.
Napangiti naman ito.
“You really grow up into a fine young woman, Andrea. Sana tuloy-tuloy na ang ganitong samahan ninyo ng iyong ama, because I hate seeing all of you leaving our home,” anito sabay buntong-hininga. “How I wished I could turned back time when all of you were still young. ‘Yung panahong halos hindi kayo umaalis sa tabi ko and always looked for me. Mga panahong I could still have a chance to cuddle you in my arms,” dagdag pa nito kasabay ng pagsinghot.
“Ah… ah… ah…” mabilis niyang saway sa nakaambang pagluha ng ina. “Please don’t do that. Sige kayo, dadami ang wrinkles n'yo n'yan,” biro niya rito.
Natawa naman ito.
“Oh, well… just take care of yourself there. Dadalawin din kita ng madalas doon,” anito.
“That’s sounds great! Maigi iyon para naman makapamasyal kayo paminsan-minsan at hindi na lang laging ang pamamahala dito sa casa ang inaasikaso ninyo.”
Napailing ito.
“That’s the duty of being a wife and a mother, hija. At pagdating ng panahon gagawin mo rin iyon.”
Lumabi siya.
“That could wait, Mama. Marami pa akong gustong gawin sa buhay at wala pa sa isip ko ang pag-aasawa.”
“Kung anuman ang gusto mong gawin, suportado kita.” Tumatango-tangong wika nito.
“Thanks, Mama. Malaking bagay na iyong lagi kayong nand'yan sa tabi ko.” At pagkasabi noon ay niyakap niya ito ng mahigpit
“I will always be here for you, hija. Always…” anito.
**
Lumuwas ng Manila si Andrea and starts her internship on one of their banks there. Ang MB Bank na pag-aari ng kanyang ama under the Monte Bello Group of Companies ay marami na ring branches sa iba't ibang parte ng Pilipinas. At papalago pa iyon ng papalago, lalo na at katulong na ng kanyang ama sa kanilang negosyo ang dalawang nakatatandang kapatid.
Apat na buwan din ang kailangan niyang bunuin sa pansamantalang pagtatrabaho sa Manila, but she still needs to report on her school. Then after that, graduation na and board exam.
Napangiti si Andrea habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Bihis na bihis na siya at handa ng pumasok sa araw na iyon.
Her long wavy black hair was tied neatly at the back of her head emphasizing her heart shape face. Her roundish-almond shape eyes was twinkling. Tenernuhan iyon ng mahahaba at malalantik na pilik-mata at makakapal na mga kilay. Ang kanyang katamtamang ilong ay akmang-akma lang sa maninipis at mapupula niyang mga labi.
She was wearing a simple cotton black and white dress just below the knee which complemented on her fair skin. Wala siyang isinuot na kahit anong alahas and just put a very light make-up on her face.
Kung susumahin, walang hindi mapapalingon sa itsura niya sa mga sandaling iyon. But she was not there to flaunt herself. She was there to work.
Mabilis siyang bumaba sa basement at ilang sandali lang ay nagmamaneho na siya patungong bangko.
She travelled for at least an hour. May kabigatan na rin ang traffic kaya kahit malapit lang iyon sa condo ay natagalan pa rin siya.
Nakangiting binati siya ng gwardiya ng papasukin siya sa loob ng bangko. Tinanguan naman niya ito at nagtuloy-tuloy sa may teller, dahil wala pa namang kliyente sa mga oras na iyon.
“Hi, good morning!” nakangiting bati niya. “May I know if Mr. Jimenez was around?” tanong niya sa teller.
Nakangiting tumango ito. “Yes, Ma'am! May kailangan po ba kayo sa kanya?” magalang na tanong nito.
Siya naman ang tumango. “Yes. Pakisabi na narito si Andrea Monte Bello,” aniya.
Bahagya namang nagulat ang kaharap sa kanyang sinabi bago muling ngumiti.
“Right away, Ma'am.” Anito at tinungo ang isang nakapinid na silid na may nakalagay na branch manager.
Maya-maya rin lang ay muling lumabas doon ang teller at nakangiting pinatuloy siya.
“He’s waiting for you inside,” anito.
Nagpasalamat siya dito bago kumatok sa pintuan.
“Come in,” anang baritonong tinig mula sa loob.
Bahagya siyang napakunot-noo ng may maalala sa tinig na iyon, pero mabilis ding iwinaksi sa isip. Marahan niyang pinihit ang seradura at tumuloy sa loob.
“Good mor—”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng makita kung sino ang nasa likod ng lamesa.
“Good morning, Miss Monte Bello... Have a seat.” Nakangiting lahad nito sa upuan sa harap ng mesa nito. “We’ve met again,” dagdag pa nito.
Marahan lang siyang tumango bago mabilis na naupo. Pakiramdam kasi niya nanlambot ang mga tuhod niya ng makitang muli ang lalaki. He has this kind of power which could easily melt her knees just by simply looking at her.
At ngayong nagkaharap silang muli, tila ibang tao na ito sa paningin niya. From a motorbike driver to a young and respected corporate man. Ibang-iba na ito. Mas nagmukhang kagalang-galang at kahanga-hanga with his coat and tie.
“H-How... do you… I mean…” wala siyang maapuhap na tamang sasabihin dahil hindi niya alam kung paano ba magtatanong sa lalaki.
Natawa ito.
“It’s okay, Miss Monte Bello,” anito sabay lahad ng kamay. “We haven’t formally introduced to each other. My name is Frederick Jimenez,” pakilala nito sa sarili.
Wala sa loob na tinanggap niya ang kamay nito na mabilis ding binawi dahil sa tila kuryenteng nanulay doon.
“Your father already called me and he informed me about your internship. Hindi naman magiging mahirap ang trabaho mo dito because you will be directly reporting to me.”
“What does it mean?”
“You will be my secretary, Miss Monte Bello. Ito'y ayon na rin sa Papa mo,” deretsong tugon nito.
“What!?” marahas siyang napatayo sa kinauupuan habang tumatahip ang dibdib. Kaya ba mabilis niyang napapayag ang ama dahil ganito ang nakalaang trabaho para sa kanya?
This is not right! Sigaw ng isip niya.
Nagtaas nang dalawang kamay ang lalaki.
“But, wait… before you complain on anything, patapusin mo muna ang sinasabi ko. You’ll be my secretary kaya lahat ng trabaho ko dadaan sa mga kamay mo and that’s how you gonna train yourself,” paliwanag nito.
Unti-unti namang nag-sink in sa isip niya ang nais nitong ipakahulugan sa sinabi. Kasabay ng pagtango ay ang pag-upo niyang muli.
“Your father wanted to train you about my work. I guess tama lang naman na gawin niya iyon if you wanted to join your family business someday,” makahulugang saad nito.
“Yeah… I think so, too.” She agreed habang nakatingin sa kawalan.
Hindi na niya nakita ang saglit na pagdaan ng galit sa mga mata ng lalaki.
“So welcome to MB Bank!” ani Frederick habang malapad na nakangiti. “You can start anytime you want.”
Nilingon niya ang lalaki at ngumiti dito.
“Thanks, Mr. Jimenez. Thanks for explaining me my real job. Akala ko naisahan na naman ako ni Papa,” aniya kasabay nang isang buntong-hininga. “But anyway… narito na rin lang ako, I would like to start today if that’s okay with you,” mabilis na wika niya.
Kilala niya ang ama. Alam niyang ipinamomonitor nito lahat ng sasabihin at gagawin niya and she cannot allowed herself making any mistakes.
“That’s not gonna happen,” bulong niya sa sarili.
“That’s great!” nakangiting palatak ni Fred. “Would you want me to tour you first before you start?” alok pa nito sa kanya.
Kaagad naman siyang tumango.
“Okay… Follow me.” At pagkasabi niyon ay nauna na itong lumabas ng opisina nito kasunod s’ya.