Maayos ang naging simula ng trabaho ni Andrea sa bangko. Idagdag pa doon na magaling na boss si Frederick at matiyaga nitong itinuturo ang lahat ng dapat niyang matutunan. At sa halos isang buwan niyang pagtatrabaho doon ay marami na rin siyang natutunan.
“Good morning, Miss Monte Bello.” Magalang na bati sa kanya ng gwardiya pagdating niya sa bangko.
“Good morning din po,” nakangiting bati niya dito bago tumuloy sa loob.
Pagdating niya sa kanyang pwesto ay nagulat pa siya ng makita ang isang pumpon ng bulaklak doon. Takang inabot niya iyon at inilinga ang paningin sa paligid. Nagbabakasaling isa sa mga naroon ang nagbigay niyon pero mukhang nagkamali siya.
Bumalik siya sa guard at dito nagtanong.
“Sir, alam n'yo po ba kung sinong naglagay ng bulaklak sa lamesa ko?” magalang na tanong niya rito hoping na may nagdeliver doon at ito ang nakatanggap.
Nakangiti namang tumango ang gwardiya.
“Nakita ko ho kanina si Mr. Jimenez, baka ho sa kanya galing iyon.”
Nabiglang napatango naman siya at nagpaalam na rito.
Nang tumapat siya sa opisina ni Frederick ay matagal siyang natigil sa harap niyon bago muling naupo sa pwesto niya at muling tinitigan ang mga bulaklak.
Bakit siya bibigyan ni Frederick noon? Nalilitong tanong niya sa sarili at nahulog sa malalim na pag-iisip. Nagulantang pa siya ng biglang tumunog ang intercom.
“Y-Yes, Sir?” aniya ng sagutin iyon.
“Get inside,” anito.
Mabilis na tumayo si Andrea habang bitbit ang kanyang notepad sa isang kamay. Nakasanayan na niya iyon kapag ipinapatawag siya ng lalaki. She’s taking notes on everything he said to her.
Tatlong beses muna siyang kumatok bago binuksan ang pintuan.
“Have you seen the flowers?” agad na tanong nito pagkapasok niya. Nakayuko ito sa ilang mga papeles sa lamesa nito habang patuloy sa pagpirma ng mga iyon.
Marahan naman siyang tumango kahit hindi siya nakikita ng lalaki at pagkuwa’y lumapit dito.
“Thanks for that,” nakangiting wika niya.
Salubong ang mga kilay na nag-angat ito ng ulo.
“What do you mean?” tanong nito habang derektang nakatingin sa mga mata niya.
“The flowers...” alanganing tugon niya
“That is… for our client.”
“Oh…” aniya sabay tutop sa bibig. “I thought…” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa matinding pagkapahiya. Palagay niya’y nagkukulay kamatis na ang magkabilang pisngi niya at gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan sa mga sandaling iyon.
Natawa si Frederick.
“It’s alright, Miss Monte Bello. Sometimes we really interpret other things differently,” makahulugang tugon nito.
Hindi naman nakaimik si Andrea. Kagat-kagat niya ang ibabang labi habang hindi makatingin ng deretso sa lalaki. She really didn’t think na baka may ibang pagbibigyan niyon.
Nakakahiya talaga!
“I called you because I wanted you to send those flowers on one of our valued client, who have the highest deposited amount of money this month. Isa iyong pasasalamat sa kanya sa pagtangkilik sa serbisyo natin and we do that regularly here,” seryosong paliwanag nito sa kanya.
Napatango na lang siya at pilit na ipinokus ang sarili sa sinasabi nito. Mabilis niyang isinulat ang ibinigay nitong address na pagdadalhan ng bulaklak.
“A-Anything else, Sir?” she asked while controlling herself not to stammer but she failed.
Muling napangiti ang lalaki bago umiling.
Mabilis naman niya itong tinalikuran. Pero bago pa niya mabuksan ang pintuan ay muli itong nagsalita na ikinataranta naman nang husto ng puso niya.
“Next time you’ll see a flowers on your table… that will be really meant for you,” anito.
Dali-daling pinihit ni Andrea ang seradura pagkarinig niyon at mabilis na lumabas. Tutop ang dibdib na napasandal na lang siya sa may pintuan while her heart was beating so fast.
Ano bang ibig sabihin nito? Litong tanong niya sa sarili at ilang beses na huminga ng malalim pero wala pa ring epekto iyon. She could still feel the uncontrollable beating of her heart
Para siyang pangangapusan ng hininga kaya agad siyang nagtungo sa pantry at kumuha ng malamig na tubig. Dere-deretso niyang ininom iyon until the last drop.
Bakit ganoon na lang ang epekto ng lalaki sa kanya? Bakit ganoon na lang kung magwala ang puso niya? Is she attracted to him?
Mabilis naman siyang umiling.
“No… hindi pa pwede. Hindi ako pwedeng magaya kay Ate Aurora,” paalala niya sa sarili at pagkuwa’y ibinalik na ang hawak na baso sa sink.
**
“So, how was our baby sister doing?” tanong nang isang boses mula sa kanyang may likuran.
Pauwi na siya noon at wala siyang dalang sasakyan kaya nag-abang na lang siya ng taxi sa labas ng pinapasukan.
Mabilis siyang humarap dito.
“Kuya Antonio!” tuwang-tuwa sabi niya at sinalubong ito nang mahigpit na yakap.
“Mukhang na-miss mo ako, ah.” Komento nito habang inilalayo siya sa sarili.
Nakangiting kumapit siya sa braso nito at sinabayan ito sa paglalakad pabalik sa kotse nito.
“Of course! Are we gonna eat out?” mabilis na tanong niya rito.
Napailing naman ang kapatid.
“I already knew this was coming.” Nakataas ang kilay na tugon nito.
“What? Alangan namang pupuntahan mo lang ako dito para kumustahin?” kunwari ay hindi makapaniwalang sabi niya. “Oh common, Kuya... Malaki na ang ipon mo kaya bawasan naman natin kahit minsan,” biro niya rito.
Napahalakhak naman si Antonio.
“You and your witty remarks.” Anito sabay pisil sa tungki ng ilong niya.
Mabilis niyang tinabig ang kamay nito.
“Kuya!” nagproprotestang wika niya at tiningnan ito ng masama.
Tumigil ito sa tapat ng passenger seat at ipinagbukas siya ng pintuan.
“Saan mo ba gustong pumunta?” Tanong nito sa kanya.
“Just anywhere na masarap ang pagkain,” agad niyang tugon at mabilis na lumulan sa kotse nito.
Natatawang naiiling na lang si Antonio habang patungo sa driver’s seat. Pagsakay nito ay sinulyapan siya.
“So how was your work?” tanong nito bago ini-start ang makina ng kotse at pinausad iyon.
Nagkibit siya ng mga balikat.
“Good… Maayos ko namang nagagawa ang trabaho ko. Gamay ko na rin ang pasikot-sikot sa bangko,” tila pagrereport na sabi niya rito.
“That’s good to hear. Mukhang nae-enjoy mo nang husto ang little freedom mo dito away from our father.”
Napangiti siya.
“Sort of…” maikling tugon niya.
“Sort of? Why? Nami-miss mo ba ang makipagtalo kay Papa?” he asked with amusement on his eyes.
“Parang ganoon na nga. Parang hindi kumpleto ang isang buong linggo ko na hindi ko nakakasagutan si Papa. It makes me bored here, you know.” Aniya.
“Well… madali lang naman ang solusyon d'yan. Go home and picked a fight with him. I’m sure hindi ka ‘nun uurungan.”
Natawa siya.
“What an incredible suggestion, Big Brother.” May halong sarkasmong wika niya.
“I was just offering you some help.” Nakalolokong tugon naman nito at bahagya pa siyang sinulyapan.
Napataas ang isang kilay niya at tinitigan ito.
“Seriously, Kuya… how did you tolerate his manipulations on you? Alam kong mas mahigpit siya sa inyo ni Kuya Sebastian kaysa sa amin ni Ate Aurora, kaya paano mo nagagawang sumunod lang ng sumunod sa mga sinasabi niya?” curious na tanong niya.
Napansin niyang nagbago ang itsura nito. He became so serious and his smiles faded away.
“I just admired him in some way,” maikling tugon nito.
“Admired?” Sarkastikong napatawa si Andrea. “How can you admired a man like that when even your own happiness isn’t that important to him?”
“You’re wrong... All this time kapakanan lang natin ang nasa isip niya. And it’s not really him that I admired… it’s Kuya Sebastian. Everytime na may nangyayaring hindi maganda, he took all the blame just to save us. At kung nakakaya n'yang sundin si Papa, then why not me? Nakikita ko namang maganda ang naidudulot noon kay Kuya,” paliwanag ng kapatid.
Napailing na lang siya.
“So, all this time pala, parang isang sagwan si Kuya Sebastian na siyang nagle-lead kay Papa to understand us in some ways?”
“Yes. Because he knows what it feels being manipulated.” Mabilis na tugon nito. “And remember what Mama always said, Papa doesn’t really know how to love someone else aside from himself because he grew up with a tyrant father. But that doesn’t mean he really didn’t know how to. He still cares for us at alam ni Kuya iyon because he’s with him most of the time. At gaya rin ng sabi ni Mama, Papa loves us… sa paraang alam niya at sa paraang gusto niya. Hindi lang natin iyon nakikita,” mahabang dagdag pa nito.
Napabuntong-hininga naman si Andrea sa narinig. Somehow, naiintindihan niya ngayon ang sinasabi ng kapatid tungkol sa kanilang ama.
Hindi naman talaga naghangad ang kanilang ama na mapasama sila. In fact, ang mga ginagawa nito ay para lamang sa ikabubuti nilang magkakapatid. At hindi niya rin ito masisisi kung bakit naging ganoon ito sa kanyang Ate Aurora. He just wanted the best for her kahit na nga sariling kaligayahan ng Ate niya ang ipinagkait nito.
She understands both sides…
Her Papa just cares for her Ate Aurora, and her Ate just learned how to love a man. Parehong may tama at pareho ring may mali. Kaya sana, pagdating nang panahon, magkaayos na ang dalawa.