Chapter 5

1522 Words
It’s their father’s sixty-fifth birthday at ginanap iyon sa malawak na hardin nila sa casa. Everyone was invited. Mula sa mga kasosyo nito sa negosyo, kliyente, mga kaibigan, kamag-anak, mga empleyado ng kanilang kompanya at mga tauhan nila sa hacienda. Lahat ay masayang nagdiriwang sa kaarawang iyon ng matandang patriyarko ng mga Monte Bello. Andrea, who looked so gorgeously beautiful on her pale yellow gown was roaming around. May partikular na tao siyang hinahanap sa kumpol ng mga bisita roon pero hindi niya ito matagpuan. Laglag ang mga balikat na nilisan niya ang kasiyahan at nagpunta sa kabilang gilid ng kanilang bahay sa may wood swing. Doon siya naupo at tahimik na ininom ang alak na dala-dala habang pinagmamasdan ang magandang kalangitan. The crescent moon was shining so bright with so many stars around it. Napangiti siya. Iyon ang gustong-gusto niya sa kanila. Because their place was located at the very top part of the highest mountain, parang abot kamay na niya doon ang langit. “Beautiful isn’t it?” anang isang baritonong tinig mula sa likuran niya na nagpasikdo ng kanyang dibdib. Hindi na niya kailangang lingunin kung sino ang naroon. She knows his voice really well kahit na pumikit pa siya. “What are you doing here? Aren’t you supposed with them celebrating?” tanong nito ng tumapat sa tabi niya. Nakatingala rin sa kalangitan si Frederick habang hawak nito sa isang kamay ang isang baso na may lamang inumin, at ang isa naman ay nasa bulsa ng suot nitong pantalon. As usual, he looked devastatingly handsome in his three-piece gray suit. “I don’t really like parties and I hate chattering around. Nakakapagod marinig ang pare-pareho nilang sinasabi at ang malalakas nilang mga tawanan. Hindi naman sa nilalahat ko, but most of them were just faking it,” tugon niya kasabay ng isang buntong-hininga. Pagak na natawa ang lalaki. “You hate parties but you danced like a crazy woman before,” komento nito na ikinapamula ng mukha niya. “Nakita mo pala iyon,” nahihiyang wika niya kasabay ng pagsimsim sa baso na may lamang alak. “I wasn’t really going to that party that night. Masyado lang magulo ang isip ko noon kaya ako nagpunta doon,” paliwanag niya. Bahagya itong tumango. “Same goes with me,” anito at t'saka pa lang siya nilingon. “You know what? Marami pala tayong pagkakaparehong dalawa,” dagdag pa nito at lumakad sa tabi niya, at pagkuwa’y walang sabi-sabing naupo rin sa swing. “May I?” Natawa siya. “Naupo ka na bago ka pa humingi ng permiso,” napapailing na wika niya. Natawa rin ito. “Well… ngalay na rin kanina pa ang mga paa ko kakatayo. And I need to escape from the loud sound over there,” anito na ang tinutukoy ay ang iniwang kasiyahan. Hindi naman siya umimik. “So, when will be your graduation?” Out of the blue ay tanong nito. Wala siguro itong maisip na ibang pag-usapan nila. “Next month...” “Malapit ka na rin palang matapos sa internship mo,” komento pa nito. Tumango siya. “Yeah… just one more week and I’ll be back here,” aniya at malungkot na igila ang mga mata sa madilim na kapaligiran. Halos natutunan na niyang lahat ang dapat niyang malaman mula rito. At mula sa kaibuturan ng kanyang puso, nalulungkot siya sa kaalamang hindi na niya ito makakasama sa araw-araw. Frederick already occupies a space in her heart kahit pilit niya iyong nilalabanan. Itinuring n’ya na itong kaibigan, pero higit pa pala sa inaasahan niya ang mangyayari. At hindi niya kayang dayain ang sarili na hindi siya apektado sa nalalapit na pagtatapos ng internship niya dahil ngayon pa lang, nalulungkot na siya. Nilingon siya ni Fred. “Why the sadness?” tanong nito sa kanya. Nakangiting umiling siya at muling uminom ng alak. Hindi naman niya pwedeng sabihin dito ang kanyang tunay na nararamdaman. Nakakahiya kung gagawin niya iyon. “I am not sad,” aniya at nilaro-laro ang rim ng kanyang baso. “Well… maybe… a bit,” pag-amin niya sabay kibit-balikat. “And it’s just because nasanay na ako sa buhay sa Maynila.” Pinagmasdan siya nitong maigi na bahagya niyang ikinailang. Nakakahalata na ba ito? tanong niya sa sarili. “Konting panahon na rin lang naman ang ilalagi mo dito. Kailangan mo ring bumalik sa Manila para sa review at board mo,” anito pamaya-maya at muling tiningnan ang magandang kalangitan. Huminga siya ng malalim kasabay ng pagtango. “Right… And after that magwo-work na rin ako,” sang-ayon niya at muli ay binalot ng katahimikan ang kanilang paligid. Mga huni lang ng panggabing kulilig ang naririnig nila doon. The air was so cold na bahagyang ikinapanginig ni Andrea. Naiiling na nilingon siya ni Frederick bago ito tumayo at walang sabi-sabing hinubad ang suit na suot at ibinalot sa mga balikat niya. “Thanks…” kiming wika niya dito ngunit hindi pa rin mapigilang kiligin. May pagka-gentleman din pala ito. Tumango ang binata at muling naupo sa tabi niya. "You should wear a dress that would fit on this place. It's really cold up here, you know." Anito bago siya binalingan. “I always wondered… how does it feels to have a father like yours?” curious na tanong nito. Pagak siyang natawa. “Why? Are you jealous?” nagbibirong tanong niya rito. Nawalan ng emosyon ang mukha ng lalaki at seryosong tinigan siya. “Perhaps yes… but I'd rather say no,” magulong sagot nito kasabay ng pagkikibit ng mga balikat. Nawala ang mga ngiti sa labi niya at salubong ang kanyang mga kilay na sinalubong ang mga mata nito. “What do you mean?” Tila naman natauhan ito sa nakikitang reaksyon niya. Umiling ito at muling ngumiti. “Nothing… Just forget what I asked.” Anito at dinala sa mga labi ang hawak na baso sabay tingin sa malayo. Ginaya naman niya ang ginawa nito. “Well… I still wanted to answer your question. And I could say na hindi ka dapat makaramdam ng ganoon sa akin o sa amin ng mga kapatid ko. Don Federico Monte Bello is not the person you think he really is. Yes, his powerful and rich, and a very good businessman, but that’s just it. Being a father is his least priority. Kaya baka nga ako pa ang mahili sa ‘yo, because I could sense that your father given you so much love and freedom,” aniya. Hindi niya gustong maging sarkastiko pero hindi naman niya mapigilan ang sarili. “Yeah… that’s true… but some of it were also not,” makahulugang tugon nito ng sulyapan siya. “My father was a great man at ginawa niya ang lahat para sa amin ng nanay ko. Iyon nga lang, maaga siyang nawala.” At nakiraan sa mga mata nito ang matinding kalungkutan. Natutop ni Andrea ang kanyang bibig. “Oh… I’m so sorry… I didn’t know...” Hinging-paumanhin niya at wala sa sariling hinawakan ito sa braso. Napatingin naman doon ang binata bago siya muling sinulyapan. “It’s alright. Sanay na ako sa bagay na iyon. I already accepted the fact that he’s gone, but his memories remains in me. At hindi siya mapapalitan ng kahit na sino dito,” anito at itinuro ang tapat ng puso. Napangiti naman siya bago mabilis na tumayo. “Know what? I wanted to show you something. Makabawi man lang ako sa pagpapaalala ko sa ‘yo sa tatay mo,” aniya at inaagaw ang hawak nitong baso at ibinaba sa duyan pagkatapos ay hinila ito patayo. Nagpahinuhod naman ang lalaki at sumunod sa kanya. “I am not sure if I could have a chance to tour you around here in daylight, because hindi ko alam kung pwede ba kitang imbitahan dito,” patuloy niya habang dere-deretsong naglalakad papunta sa kasukalan. “Pero naririto ka na rin lang ngayon, why not take this chance? Maganda ang buong hacienda sa araw, but there are places here na mas maganda sa gabi.” Napataas naman ang sulok ng mga labi ni Frederick. “And where was it?” curious na tanong niya sa dalaga habang hinahawi ang mga damo sa dinaraanan nila. May kataasan ang mga puno sa paligid kaya hindi masyadong nasisinagan ng buwan ang nilalakaran nila. Subalit, hindi iyon alintana ng dalaga. Patuloy lang ito sa paglalakad without falling into her footsteps kahit na naka-heels pa ito. “You'll see.” Excited na tugon nito sa kanya. Fred trusted her words at maya-maya pa, malakas na lagasgas ng tubig ang naririnig niya na nagmumula sa kung saan. Palakas iyon ng palakas habang palalim naman sila ng palalim sa pagsuong sa kagubatang iyon. After ten minutes or so of walking, tumambad sa kanya ang isang makapigil-hiningang talon. A magnificent waterfalls which it’s water created a bright twinkling light mula sa sinag ng buwan habang malayang tumatama iyon sa batuhan sa ibaba. “Beautiful isn’t it?” ani Andrea ng nakangiting lingunin siya. “Yes…” tila nahihipnotismong tugon niya kasabay ng pagtango. “Gorgeously beautiful... just like you,” dagdag pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD