Namula naman ang magkabilang pisngi ng dalaga. At sulok ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang pagyuko nito upang itago iyon.
“T-That's... so random,” kandautal na tugon nito.
Hinarap niya ito.
“It isn’t. Kanina ko pa talaga gustong sabihin iyon sa ‘yo. I just couldn’t find a chance.” Nakangiting tugon niya.
Nanatili namang walang imik si Andrea.
“You don't have to feel embarrassed. I know madalas mo rin namang iyong marinig sa iba," dagdag pa niya at muling itinutok ang mga mata sa talon. "This really looks so magical. I've seen a lot of beautiful places and waterfalls in Canada, but this one is different. There's something in this place that I couldn't figured out.” Pag-iiba niya sa usapan upang mawala ang nadaramang pagkailang nito.
At mukhang nagtagumpay naman siya dahil mula sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang muli itong ngumiti. Hinayon din ng mga mata nito ang magandang tanawin sa harap nila.
“Yeah... That's true. This place is really different and the falls is really magical,” nagniningning ang mga matang wika nito. “Our family believes that this is a sacred place. Hindi ka basta-basta papasukin dito unless you are one of the Monte Bello’s or you’re with them. Pero ayon din sa mga kwento, the falls itself holds a very powerful force.”
“And what is it?” curious na tanong niya.
“Love.” At pagkuwa’y bahagya siyang nilingon ng dalaga na para bang binabasa nito sa mukha niya kung naniniwala ba siya roon.
Napailing naman s'ya. "And you believed it?"
Tumango ito.
“Bukod sa pamilya namin at sa mga isinasama namin dito, may mga instances na nagpapakita ang talon sa ibang mga tao. Mga taong pinili lamang nito to show it’s own beauty and power. Dahil once na mangyari iyon sa isang estranghero, he/she will be given an everlasting love that he/she holds in his or her heart,” mahabang paliwanag nito.
“So, para palang wishing well ang talon na ito.”
“You could say so,” anito sabay kibit ng mga balikat.
“Eh, paano kung ang pinili nitong tao ay hindi naman pala mahal ng taong nilalaman ng puso nito? Hindi ba parang ang sakit naman noon?”
Napatawa ang dalaga na ikinapagtaka niya. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala ang mga sinasabi nito. Legends and myths are way too old-fashioned for him. Matagal nang walang naniniwala sa ganoon at isa na siya doon.
But not unless mangyari sa akin iyon, sabay bawi niya sa sarili habang nakatingin pa rin sa dalaga.
“Hindi nangyayari iyon ayon na rin sa mga kwento ng mga ninuno ko,” saad ni Andrea pagkaraan ng ilang sandali. “The falls chooses those few people because it knows that they really are in love and the one they hold in their heart also love them. True love… just as simple as that.”
Natawa siya.
“Bukod pala sa tinutupad nito ang nilalaman ng puso ng isang tao, manghuhula din pala ang talon kung ganoon,” iiling-iling na wika niya.
He never heard such a thing at wala rin siyang planong paniwalaan ito. He was just curious about her fascinating stories.
But... why does it feels so real habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ng dalaga? Tanong ng kabilang bahagi ng kanyang isipan.
“Well... hindi naman kita pinipilit na maniwala sa sinasabi ko. But, that's the reason why this waterfalls is magical,” anito. “Dahil kahit anong hanap ng ilan sa lugar na ito, they couldn’t find it. Hindi nagpapakita ang talon if they’re not really worth it. And that maybe because ayaw din nitong makasakit ng ibang tao kung hindi naman totoo ang nilalaman ng puso nito,” paliwanag pa nito.
“Then, what about your family? Bakit sa inyo madali lang itong magpakita?” he asked, out of his curiosity again.
Bakit nga ba naiiba ang mga ito sa ibang tao, kung gayong pili naman pala ang pwedeng makakita sa lugar na iyon?
“Dahil ayon kay Mama, when Monte Bello’s fall in love, it is true and it is pure. Hindi na daw iyon nagbabago pa kaylanman.”
“So, para palang curse iyon sa pamilya ninyo?”
Seryosong napalingon sa kanya si Andrea, pagkuwa’y bumuntong-hininga ito.
“Maybe…” malungkot na tugon nito. “But at least we know our feelings couldn’t be changed. Kung panghabang-buhay kaming magmamahal sa iisang tao, then so be it. Masaktan at iwanan man kami ng mga minamahal namin.”
“Isn’t that being a martyr?”
Umiling ito. “No. We just fall in love and nothings wrong with that."
Hindi naman niya kinontra pa ang sinabi nito.
“Cursed or not, we are still lucky. We got to learn the feeling of being in love even just for once. And that... we still got the chance to experience it. Patunay lang iyon na tao pa rin kami,” pahabol na biro pa nito kasabay ng pagtingala sa kalangitan na hindi natatakpan ng malalagong dahon ng mga puno sa paligid.
And Fred couldn’t help but admired her. Andrea’s dreamy eyes was very captivating at parang bang hinihila siya noon sa kung saan.
Mabilis niyang ipinilig ang sariling ulo upang burahin doon ang natatabunang kaisipan. Pagkuwa’y seryoso niyang pinagmasdan ang dalaga.
“Have you fell in love?” tanong niya.
“Not really...” tugon nito sabay kibit-balikat. “Why do you asked?” Balik tanong naman nito sa kanya.
“Well… that man will be so lucky. Bukod sa maganda at matalino ka na, magiging faithful ka pa sa kanya,” tugon niya.
“Thank you,” anito sabay lingon sa kanya. “How about you? Have you ever fell in love?”
Mabilis siyang umiling. “I don’t think I am capable to feel that kind of feelings."
“Bakit naman?” kunot-noong tanong nito.
“I don’t know. Baka hindi lang talaga ako siguro marunong magmahal.”
“Well, you’re wrong,” mabilis na kontra nito sa sinasabi niya. “Lahat ng tao marunong magmahal. We, all, felt that kind of feelings in our hearts. We just showed it in different ways… in different meaning... And who knows? Baka bukas o sa isang araw, maramdaman mo na rin iyon. And I hope ready ka na,” makahulugang dagdag pa nito.
“At paano mo naman nasabi iyan?” amused na tanong niya rito.
“I just know…” Anito.
“You just know?” Gagad niya sa sinasabi nito. “So, para ka na rin bang itong talon? Manghuhula?”
Natatawang naiiling naman ito. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin… I still felt the same way. Matututo ka ring magmahal sa mga darating na panahon,” hindi nagpapatalong sagot nito.
He crossed his arms at ikiniling ang ulo paharap dito.
“When that happened, ikaw ang unang-unang makakaalam.” Aniya.
Nagulat naman si Andrea sa narinig.
“What do you mean?”
Nagkibit-balikat siya at makahulugang ngumiti dito, pagkuwa’y muling sinulyapan ang talon at muling nahulog sa malalim na pag-iisip.
Kung talagang totoo nga ang sinasabi ng dalaga tungkol sa pamilya nito, then bakit ganoon ang nangyari noon?
**
“I’m so sorry, Chels. Hindi talaga ako pwede bukas,” hinging-paumanhin niya sa kaibigan.
Despidida nito at pilit siyang iniimbitahan ng kaibigan. Aalis na kasi ang buong pamilya nito patungong Australia pagkatapos ng kanilang graduation.
“Please, Andie... please...? Just for one last time…” nakikusap na sabi nito.
Huminga siya ng malalim at tumigil sa paglalakad, pagkuwa’y hinarap ito.
“Okay… I’ll try. But, I am not sure if I could really make it,” aniya dito.
Malawak naman itong napangiti.
“I’m sure you will come.” Determinadong tugon nito sa kanya.
Natatawang napairap na lang siya dito.
How could she really say no to her? Eh, ito na lang ang maituturing niyang kaibigan sa ngayon.
“You wished.” Biro niya.
“Yes, I am.” Ganting biro nito at nagpatiuna ng maglakad. “Hindi mo ba dala ang kotse mo?” takang tanong nito ng mapansing hindi naman siya sa parking pupunta.
Tumango siya. “Sira na naman, eh.” May halong pagmamaktol na tugon niya.
Malimit ng masira ang sasakyan niya at hindi naman niya gustong magpabili ng bago sa ama. Gusto niyang manggagaling mismo sa pinaghirapan niya ang ibibili ng kapalit ni Silver.
“Gusto mo sa ‘kin ka na lang sumabay?” alok nito ng makarating sila sa may gate.
Mabilis siyang umiling. “No, thanks. Magko-commute na lang ako at magpapasundo kay Kuya sa bungad ng hacienda. Out of way din ang sa ‘min kaya baka gabihin ka lalo,” aniya.
Sanay din naman siyang mag-commute kahit na anak-mayaman s'ya. One of many reasons na hindi maintindihan ng iba.
“Okay… if that’s what you want. Ingat ka,” anito at kumaway pa sa kanya ng makapasok sa nakaabang na sundo nito.
Nakangiting tumango naman siya sa kaibigan at pagkatapos ay matyagang nag-abang ng jip pauwi.
Ilang minuto rin siyang nakatayo sa harap ng gate ng sa wakas ay may nakita siyang paparating na jip. Malayo pa lang iyon ay pinara na niya kaagad. Ngunit laking gulat na lang niya ng makarinig ng malakas na pagpreno at pagkatapos ay may tumigil na isang motorsiklo sa harapan niya.
Nakangiting iniangat ng driver noon ang salamin ng helmet nito sabay abot ng isa pang helmet sa kanya.
“Wanna take a ride?” tanong ni Fred sa kanya.