Bigla namang nagwelga ang puso ni Andrea ng makita ang binata. Wala sa sariling mabilis siyang tumango at tinanggap ang iniaabot nito sabay suot niyon. “Muntikan na pala akong mahuli,” anito ng lingunin ang jip na tumigil sa likuran ng motor nito. “What are you doing here?” takang tanong niya habang inaalalayan siya nitong makasakay sa may likuran nito. Pilit niyang sinusupil ang excitement na nadarama sa dibdib. She took a deep breathe. Oh, how she misses this man. Isang linggo pa lang siyang nakakabalik sa Puerto del Cielo, pero ganoon na lang katindi ang pangungulila niya rito na halos hindi na siya makahinga. And right now, all she ever wanted is to spend even just a little while with him. “I just missed you,” anito na labis-labis niyang ikinagulat. Hindi niya inaasahan ang s

