Nang makaalis na si Freya ay naghanda na rin ako ng hapunan. It also takes hours when I finished everything.
I looked at the wall clock and saw its already 8 pm, pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Kian.
I waited another 30 minutes. Nainip na ako kaya napagdesisyonan ko na siyang tawagan. Hindi ko naman talaga nakaugalian ang tumawag sa kanya lalo na kapag ganitong mga oras dahil nasanay na akong palaging bulyaw lang niya ang aking inaabot. Ngunit hindi ko na matiis ngayon lalo na at palagi na siyang lasing kapag umuuwi kaya nais ko na siyang komprontahin ngayon.
He's not picking it up. I try to call his number again, again, and again but still unattended.
Bigla naman akong nag-alala sa isiping baka may nangyari na sa kanyang masama. I decided to call his secretary.
After 3 rings, his secretary answered the call.
"Yes, hello! Juliana Rodriguez. Mr. Evan's secretary speaking."
"Ahhhm! This is Abigail, asawa ni Kian."
"Oww! Ma'am Aby. Bakit po kayo napatawag?"
"Kasi tatanong ko lang kung nandyan pa ba si Kian? Kasi wala pa siya hanggang ngayon busy ba siya sa trabaho?"
"Ma'am? Pero Ma'am Aby. Kanina pa po siya umalis nagmamadali nga po pagkatapos sagutin nung may tumawag sa kanya mukhang emergency eh."
"Ahh! Ganun ba? Sige baka may dinaanan lang aantayin ko na lang siya. Salamat Juliana. At saka diba sabi ko sayo ate Aby nalang halos isang taon lang agwat ko sa edad mo."
"Ay! Pasensya na. Ate Aby. Nasanay lang po ata ako."
"Ayos lang. Sige. Baba ko na to. Bye"
"Bye po." Then I hang up the phone.
Saan naman kaya nagpunta si Kian? Kung kanina pa siya umalis dapat nandito na siya. Aantayin ko na lang siya.
Pumunta akong sala at doon nagintay incase na dumating na si Kian maririnig ko agad yong sasakyan niya.
Pasado ala-una na pero gising na gising pa rin ako. Hindi ako dinadalaw ng antok dahil sa pag-aalala sa aking asawa. Napatayo ako bigla nang makarinig ako ng tunog ng makina ng sasakyan.
"Kian bakit ngayon ka lang?" bungad ko sa kanya akmang lalapit ng matigilan din ng makitang bitbit nito si Shalana na halatang lango din sa kalasingan.
"Kian what happened?" tanong ko. Ilang araw ding nawala si Shalana at ngayon lang bumalik kasama pa si Kian. Ito ba ang tinutukoy ng sekretarya nito na umalis pagkatapos sagutin ang tawag?
"Don't ask and just follow me," utos niya kaya wala rin akong nagawa kung hindi ang tahimik na sumunod.
"Clean her up," utos niya nang makarating kami ng kuwartong tinutuluyan ni Shalana. Sinunod ko ang utos niya at nilinis ang katawan nito. Walang malay na itong pinalitan ko ng damit.
Nang matapos ay lumabas na ako at hinarap si Kian.
"Ano bang nangyari?" usisa ko.
Tumingin siya sa akin na nakasanadal sa pader. Akala ko ay hindi niya sasagutin nang magsalita siya. "Its Shalene death anniversary."
Natigilan ako at nawalan ng imik. How can I forget it? So I don't need to ask him why he's acting like this for the past few days.
Tila may kung anong bumara sa aking lalamunan at hindi na magawang makapagsalita pa. Tinalikuran na rin naman niya ako at iniwan. Up until now, I still have no strength to confront him. Kahit nanghihina ay nagtungo ako sa kusina at niligpit na lamang ang pinagkainan nawalan na rin naman na ako ng gana kaya bukas na lang ako kakain at iinit itong niluto ko.
Pagkatapos magligpit umakyat sa ako papunta na sa aking kwarto ng makita kong nakabukas ang pinto ng kwarto ni Kian at nakita ko sa siwang na nakahiga ito at mukhang nakatulog na hindi man lang nakapagpalit ng damit niya.
Napagdesisyonan kong pumasok sa loob at lumapit sa kanya upang palitan ng damit sigurado kasing hindi siya magiging comportable sa kanyang ayos.
Sinigurado ko munang tulog ito bago ko lapitan at tinanggal ang sapatos nito sinunod ko ang damit nito at isa isang tinanggal ang butones ng kanyang damit. Habang tinatanggal ito hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa katawan nito at mapalunok ng sariling laway.
Bago pa ako may maisip na bagay sa kanya binilisan ko na lamang ang pagbibihis sa kanya.
Simula ng magkita kami ni Freya ay palagi na kaming nagkikita and Kian still don't know about her. Paano ba naman ay halos hindi na kami nagkakasalubong sa bahay. Palagi rin niyang kasama si Shalana kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagseselos. Kaya imbes na magmukmok sa bahay ay dinadalaw ko na lang si Freya sa botique niya. Nakakatuwa lang na natupad rin niya ang pangarap niya. We have the same passion sadly hindi ko lang natupad iyon.
"So how's princess?" tanong ko kay Freya tungkol sa anak niya.
I was so shocked ng malaman kong may anak na pala siya. Noong una ay akala ko nakapag-asawa siya ngunit iyon pala ay single mother siya. I don't know what happened pero hindi ko na ginawang mangusisa pa.
"She's so makulit pa din, next time I'll bring her with me. She's so excited to meet you na kung alam ko lang na pupunta ka ay sinama ko na siya pero next time na lang."
Nanghinayang naman ako bigla. Sayang naman pala.
"Pero anyway, about the business napag-isipan mo na ba?"
Napabuntong hininga ako. Inaaya kasi ako ni Freya na makipag-collaborate or be her partner on her boutique business. Actually may isa pa siyang kaibigan which is isa din sa may-ari ng boutique. Na-meet ko na siya actually for the first time at napagalaman ko na he's gay, but he doesn't look like one. He still looks manly.
"Hindi ko pa rin kasi ito nasasabi sa asawa ko," panimula ko.
Ngumiti siya. "Fine. Take your time na muna. Sabihin mo na lang sa akin kung anong magiging desisyon mo, pero anyway have you eaten?"
Umiling ako bilang sagot.
Tumayo siya at hinila ako patayo.
"Kung ganoon naman pala let's grab some food. Gutom na rin ako."
Nagtungo kami sa isang cafe restaurant na tapat lang din ng kanyang boutique. Umorder kami ng makakain at nagkwentuhan.
"Hey! You two are here," napalingon kami sa nagsalita. Its Gavin, Freya's friend na tinutukoy ko na isa sa may-ari ng boutique.
Bumati kami sa isa't isa at nakisalo din sa mesa.
"Mabuti na lang at pumasok ako. Bumisita ka pala Aby, so how are you?" tanong niya sa akin.
Ngumiti naman ako kanya. "Ayos lang naman. Wala kasi akong magawa sa bahay kaya dumalaw na ako dito."
Sakto namang dumating ang inorder naming pagkain kaya umorder na rin si Gavin para sa sarili niya.
"Napagdesisyonan mo na ba yung offer sa iyo ni Frey?" tanong ni Gavin pagkatapos kumain.
Umiling ako. "Hindi pa kasi namin napag-uusapan ng asawa ko kaya hindi ko pa alam at saka hindi rin ako sigurado kung kaya ko. Matagal na rin kasi noong huli akong nagdesign ng mga damit, hindi ko nga alam kung marunong pa akong magmanage ng business," nahihiyang pag-amin ko.
Napairap naman si Freya sa sinabi ko. "Ewan ko ba sa'yo, nagka-asawa ka lang naging sobrang boring na ng buhay mo. Ano bang ginagawa niyong mag-asawa, ni wala pa nga kayong anak."
Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong nababanggit kay Freya at wala rin naman akong balak sabihin.
Ngumiti naman sa akin si Gavin. "Don't worry, basta ni-recommend ni Frey alam kong mapagkakatiwalaan ka at alam kong kaya mo. She told me some stories about you, your passion about fashion. She even showed me your old works and I'm amazed," kwento niya.
Nagulat naman ako at nagtatakang tumingin kay Freya na nginitian lang ako.
"You know, your designs are my inspiration. Yung unang gown nga na dri-nawing mo para sa akin ay tinago ko pa."
I was shocked to hear that, but I was overwhelmed. I can't believe that she did that.
"So you don't have to worry about your skill Aby because we are also here for you, kaya we're hoping na sana makatrabaho ka namin," sabi naman ni Gavin.
Napangiti ako at sumang-ayon sa kanila maybe this is my chance. I'm just hoping that Kian will let me.
"Wait here, I'll just go to the powder room," paalam ni Freya sa amin saka tumayo at nagtungong powder room kaya naiwan kaming dalawa ni Gavin.
Habang naghihintay sa kanya ay nagkwentuhan muna kami ni Gavin about sa career niya. Nalaman ko na minsan silang nagmeet ni Freya sa isang bar when they are still sa ibang bansa. Freya tried to flirt with him pero hindi umubra dahil napag-alam nitong gay pala siya kaya halos manluno daw si Freya. Paano ba naman sa kilos kasi ni Gavin hindi mapaghahalataang binabae siya. Ang guwapo pa nga niya at may maipagmamalaking katawan, in short lalaking-lalaki.
"Kung hindi mo lang talaga sinabi na binabae ka hindi ko talaga malalaman na gay ka, sa itsura mo kasi ang hirap matukoy," sabi ko.
Mayabang at maarte niyang hinawi ang buhok niyang invisible.
"Namern, hindi kasi nila pwedeng malaman na gay ako. Malilintikan ako kapag nagkataon."
"Buti hindi ka nahahalata kasi mostly kapag boutique or in terms of fashion, babae ang mahilig."
Tinignan niya akong maigi. "Girl, wala naman sa kasarian iyan. Babae man o lalaki may fashion style kaya nga puro design na ginagawa ko is for males."
Napatango-tango ako. "Sabagay."
"Well, well, look who I found here. Really, Aby?"
Natigilan kami sa pag-uusap ni Gavin ng may biglang sumingit sa amin. Napakunot ang aking noo at nagulat ng makitang si Shalana ang nakakita sa amin ngunit halos mamutla ako ng hindi lang siya ang naroon. Napatingin ako sa mata niyang walang mababakasan ng kahit anong emosyon ngunit mapapansin ang pag-igting ng panga nito.
"Look here Kian, your wife here is having some lunch with a man."
Napatayo ako ganun din si Gavin at nagtatakang tumingin sa amin. Nais kong magsalita ang magpaliwanag pero parang may biglang bumara sa aking lalamunan. Sa tingin nilang ay parang inaakusan nila ako. If I could just explain, then malalaman nilang wala akong ginagawang masama.
"Kian.." banggit ko sa kanyang pangalan. Hindi ko magawang dugtungan ito at hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil bigla na lamang niya akong hinila palabas ng cafe. Hindi ko magawang lumingon kila Gavin dahil natatakot akong makita ang kanyang reaksiyon.
Kinakabahan akong tumingin kay Kian. Napakabilis ng kanyang pagmamaneho at parang pinipigilan pa nitong sumabog kaya hindi ako mapalagay.
"Kian its not what you think." Finally, I found my words.
Hindi siya sumagot.
"He's just a friend Kian, his name is Gavin and he's g--"
"Shut up!" Napipilan ako sa kanyang sigaw.
Hanggang sa makauwi kami ay hindi ko na nagawa pang magpaliwanag. Hinatak niya ako papalabas ng kotse at mahigpit na hinawakan sa braso hanggang sa makarating kami ng kanyang kuwarto.
"Kian nasasaktan ako."
Pabalya niya akong binitawan sa kama at nagulat na lang ako ng bigla niya akong daganan.
"You're mine, Abigail." Biglang sabi niya at sinugod ang aking labi. May gigil iyon at halos hindi na ako makahinga sa grabe ng kanyang paghalik.
Hingal akong tumingin sa kanya ng humiwalay siya sa akin.
"Say it, say that you're mine."
Wala sa sarili akong tumango at sumunod sa sinabi niya. "I'm yours, Kian. All yours."
He suddenly smirked and attack again my lips. I let myself go with the sensation until our body became one again and reached the zenith.