Nasa airport na kami ngayon kasi ang alis ko ang dali ng panahon dati pangarap ko lang na makihalubilo at makipagsapalaran sa ibang bansa pero ngayon natutupad na
Gusto ko matupad ang pangarap ko para sa paglabas ng anak ko mabibigay ko sa kaniya lahat lahat
"Maginangat ka doon anak" ngumiti lang ako at tumango yinakap naman ako ni papa at mama nandito sila para ihatid ako para makapagpaalam at sa muling pagkikita namin ng pamilya ko may ihaharap ako sa kanila
"Una na po ako, mag ingat din kayo ma pa" yinakap naman nila ako at hinalikan sa pisngi marami na silang naitulong sa akin at gusto ko masuklian un bilang isang anak nila
Maraming taon ang pinalagpas ko para makita lang ang pagmamahal ng pamilya ko at ngayon ito na sobra sobra ko ng naramdaman at masaya ako sa pinakita at pinaparamdaman nila sa akin
Napadako ang tingin ko kay kieffer seryosong nakatingin pero alam ko may kinang sa mata niya
" Wag ka nga diyan maging seryoso" pagbabanat ko sa kaniya hindi siya ngumiti pero nagsalita siya
" Maybe one day nanjan na ako sa puso mo" ako naman ang hindi nakapagsalita wala akong masabi lalo ng nalaman kong mahal niya ako at maling isipin na hindi ko din alam kung bakit nagkakaganito.. ng nakausap ko siya hindi ako nakapagsalita pero ramdam ko ang gaan sa puso ko kasi kahit papaano marami paring nagmamahal sa akin at hindi lang si jaiden ang kawalan ng puso ko
"Susunod ako sayo zhia hintayin mo ako" hindi na ako umimik at kasabay nun ang pagyakap niya sa akin sa dinamidaming lalaking mamahalin ko ung lalaking impossible akong mahalin ung lalaking mas pinipili akong masaktan kesa makitang masaya bakit ganoon baligtad ang mundo? bakit sa rami ng lalaki siya pa ang pinakasalan ko? na kahit ilang taon na ako nagtiis wala pa din kasi wala naman talaga
Kaya mabuti narin ito makaiwas man lang ako sa gulo, makaiwas man lang ako sa pagdudusa kasi hindi ko na kayanin at ayoko madamay ang anak ko dito
Naglakad na ako palayo sa kanila
Babalik ako kasama ko na ang anak ko, babalik ako wala ng sakit sa puso ko babalik ako wala na akong nakaraan na babalikan dahil sa hindi ko nadin kaya magdusa ulit
At sa pagbabalik ko hihiwalayan na kita.........
Jaiden POV
Flashback
"Mahal kita pero bakit wala man lang jaiden? bakit hindi mo ako magawang mahalin?" Sigaw niya kasabay nun ang pagpatak ng luha niya, f*ck that tears
Hindi mo ba alam na kada isang patak ng luha mo gusto kitang yakapin pero sa tuwing naalala kong umiiyak si sofia ng dahil sa ginawa mo mas nanaig ang galit ko
"Dahil sobrang hirap mong mahalin tazhia "sigaw ko sa kaniya galit ako pero mas ramdam ko ang luha niyang lagi kong nakikita nghihina ako
Un lang ang paraan para mawala ka sa buhay ko ipagtulakan ka habang hindi pa ganito ,hindi pa malala ang nararamdaman ko
"Mahirap? o hindi mo lang talaga magawa?"seryosong sabi niya nakatingin lang siya sa akin sabay sabay ang pagpatak ng luha niya nanginginig siya gusto ko lumapit pero may pumipigil sa akin
Kung alam mo lang kung alam mo lang na sobrang dali mong mahalin
"Oo hindi ko kayang gawin dahil may mahal akong iba"
Rinig at kita ko ang pagnginginig ng tuhod mo habang nalaman ang sagot ko agad kong iniwas ang tingin ko upang mapigilan ang sarili ko na hawakan ka yakapin ka at punasan ang luha no
"Lahat ginawa ko jaiden mahalin mo lang ako sinakripisyo ko lahat para sayo kahit sobrang nadidiri na ako sa sarili ko sobrang nakakahiya na ako pero para sayo ginawa ko, halos araw araw paulit ulit akong nagdudusa sa ginawa niyong pangbababoy sa akin pero hindi ako umimik nanatili akong tahimik kahit sobrang sakit na kahit sobrang durog na ako pero kinaya ko para sayo pero bakit wala parin? bakit siya parin? bakit wala man lang?"
Diretso kang tumingin sa akin dahil ramdam ko un at hindi ko mapigilan at tiningnan kita kita ko ang sakit nanaramdaman mo pero hindi bawal kailangan ko itong gawin
Marami kang sinabi pero pinagtutulakan kita at sa nakita ko ang pagbagsak mo
Pero wala akong magawa kundi tingnan ka at sabihan ka ng masasakit na salita dahil kailangan mo ito para iwan mo na ako
"Nasasaktan ka ba?" Hindi ka umimik nanatili kang nakapikit habang sabay Sabay ang pagtulo ng luha mo
"Mas pipiliin ko pang makita kang nasasaktan kesa makita kong masaya ka"
Hindi ko mapigilan at lalapit na ako sayo pero mas pinili kong umatras ulit
"Kahit ipanalangin mo pa hindi hindi kita mamahalin" hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng sasabihin ko pero mas pinili ko na lang na panindigan kita ko ang pagtayo mo pero nanginginig ka parin at ramdam ko ang tingin mong sobrang nakakapanghina pero ibinalik ko para wala kang mahalata
"Mas pipiliin ko pang mamatay kesa paunti unti mo akong pinapatay" tumingin ako sayo sobrang nakakasakal pero mas nasaktan kita
"Tama nga sila nasa huli ang pagsisi.......pagsising minahal kita habang pinapatay mo ang pagkatao ko" iniwan mo ako naglakad ka palayo habang nasasaktan gusto kitang pigilan pero nanatili ako sa kinatatayuan ko pero hindi ko mapigilang magsalita
"Mahal kita pero masasaktan ka lang" akala ko narinig mo pero pumatuloy ka sa paglalakad at iniwan ako napasipa na lang ako sa kagaguhan ko
"F*ck kung alam mo lang kung gaano na kita kamahal" sigaw ko
napaupo na lang ako sa lupa
Ngayon ko lang narealize lahat
"Hindi ko maiwan si sofia dahil wala na sa kaniya nagpapahalaga at hiniling niya un pero hindi mo alam kung gaano kahirap pigilan ang nararamdaman ko lalo na mahal na kita"
End of flashback
Gusto kong makita kang nasasaktan sa akin kesa makita lang kitang masaya habang hawak ng iba
Nandito ako sa airport hinabol ka pero wala na akong iinabutan dahil huli na iniwan mo na ako
Iniwan niyo na ako ng anak ko.
Tazhia babalikan mo pa ba ako?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please comment and vote para ganahan pa ako magupdate sa susunod na chapter
Pls..."_"
Thanks