Flashback
" Jaiden lahat gagawin ko mapa sa akin ka lang" naluluhang sabi ko sa kaniya patuloy lang sa pag agos ang luha ko
" Wag ka ng mag abala dahil kahit kailan walang mapupunta sayo kahit ako mismo" sigaw niya sa pagmumukha ko hindi ko na mapigilang itago ang nararamdaman ko sobrang sakit
"Bakit mo ba tinatago na hindi mo ako mahal kung alam ko naman linilihim mo lang" sigaw ko maari naman ako magsalita magalit sa kaniya pero mas nanaig ang takot ko at sa oras na un baka kung ano ang magawa ko
"Hindi kit a mamahalin tazhia kahit kailan hindi kita minahal" my eyes was already close dinadama ang sakit na sinabi niya dinadama kung gaano kahirap ang dinadanas ko hangin na nagsisilbing ihip para ipamukha sa akin ang sakit at kamatayan na tinutusok at sinasaksak ang puso ko
Kaya ko naman tanggaping natatakot lang siya pero ang tanggapin mali pala ipamukha sa aking hindi niya ako mamahalin at minahal bakit sobrang sakit tanggapin?
"Nasasaktan ka ba?" tanong niya hindi ako umimik at mas piniling wag magmulat ng mata at isabay ang hangin madala lang ako papalayo para kahit papaano hindi na ako masasaktan hindi na ako iiyak kasi kahit ako mismo hindi ko na alam ang gagawin ko
"Mas gugustuhin kong masaktan ka kesa makita kong masaya ka" hindi ko na kaya at kusa na lang ako bumagsak sa lupa maraming masasakit na salita ang pinili kong paintindihin sa sarili ko pero tanging sakit ang nararamdaman ko ngayon
Masaktan ako mas nagiging masaya siya paano pa kaya kung mamatay ako mas sasaya siya
"Wag kang umasang magkakaayos tayo kasi kahit ipangalangin mo pa yan wala kang mapapala" hindi ako umimik dahil sa kalagayan ko nakakahiya ako sobrang nakakahiya ako
Kusa kong tinayo ang sarili ko
"Mas pipiliin ko pang mamatay kesa iparanas mo sa akin paunti unti kung paano pinapatay" pinunasan ko ang luha ko nakatingin lang siya sa akin at ibinalik ko ang tingin kong hinding hindi niya mapapantayan
"Tama nga sila nasa huli ang pagsisi.......pagsising minahal kita sa paraang pumapatay sa pagkatao ko" my last words at iniwan siyang masaya sa gitna ng pagdudusa ko
"Mahal kita pero masasaktan ka lang" Hindi ko alam kung siya mismo ang nagsabi ng salitang un o sa hanggang isip ko lang na kahit ulit ulitin ko kahit papaano mapapangiti ako
End of flashback
"Zhia kailan ka aalis?" napatingin ako kay Kieffer ng magtanong siya yes aalis na ako pupunta ako sa Europe para ipagpatuloy ang pagaaral ko
"Next week" sagot ko ngumiti lang siya pero alam ko may halong lungkot
" Babalik naman ako tatapusin ko lang ang pagaaral ko" sagot ko sa kaniya siya ung taong nandito lagi sa tabi ko karamay ko kapag nasasaktan ako
"Itutuloy mo ba talaga? Hindi na ba magbabago ang isip mo?"
Umiling ako at ngumiti marami ng nasasaktan, marami ng pagkakamali at una sa lahat dapat matanggap ko un
"Gusto ko may patunayan ako kieffer ,gusto ko makabangon ulit" hinawakan niya naman ang kamay ko malungkot siya pero kailangan dahil sa mas makakabuti ito sa akin sa amin ng anak ko
" Tutulungan naman kita wag ka lang umalis" nginitian ko siya mas maganda narin ang desisyon ko magpakalayo layo dahil mas mababangon ko pa ang sarili ko
"No Kieffer gusto ko ako mismo ang gagawa wag kang magaalala 6 years lang ako doon madali lang ang panahon at oras at saka pwede mo naman ako bisitahin doon wag kang malungkot diyan"ngumiti siya ung ngiting makitang masaya talaga siya walang bahid na galit at lungkot dahil sa ngiting walang makakatumbas
"Then I will visit you their"gumanti lang ako ng ngiti dahil sa pinakita niya, gusto ko lumaki ang anak ko na may ama at may isang buong pamilya pero mas gugustuhin ko na lang magisang itaguyod ang anak ko kesa makasama ang lalaking pinagtutulakan ako
Wala ng saysay kung magsasama kami mismo kung siya kabiligtaran naman ang gusto ayoko ng ipagpilitan ang sarili ko sa asawa kong may mahal ng iba
Gusto ko bumangon ulit at itaguyod ang sarili ko mula sa kamalian at pagbagsak ko ngayon, dahil kung magpapatali pa ako mas mahihigit pa ako at wala ng lupa ang sasalo sa akin dahil kahit sila mismo sawa na sa pagbagsak ko
"Paano ang bata zhia? wala siyang kikilalaning ama?" napatingin ako kay Kieffer ng magtanong siya, naisip ko na rin yan pero mas tama itong desisyon ko, dahil kahit mismo ama ng anak ko hindi siya matanggap tanggap
"Wag kang magalala pag lumabas na siya ipaparamdam ko sa kaniya kung papano magkaroon ng ama"
Bakit hindi na lang ikaw ang minahal ko? Bakit hindi na lang ikaw ang naging ama ng anak ko? bakit minamahal mo parin ako?
"Kieffer b-bakit ganito ka? bakit pinaparamdam mo sa akin ang ganitong bagay?" Hindi ko na napigilang magtanong hindi ko alam pero ramdam ko may kakaiba sa kaniya kasi kahit sinabi ng kaibigan ko ang salitang mahal ako ni Kieffer hindi parin ako naniniwala dahil mas pipiliin kong maging tama kesa maging mali
" Kasi mahal kita"and now nalaman ko na bakit mas nagugulat ako? bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? bakit ako nagkakaganito?
"Kieffer hindi pwede, kapatid mo ang asawa ko h-"
Hindi niya ako pinatapos bagamat nagsalita na siya
"Alam kong mali pero hindi mo ako masising mahal kita zhia, hindi mo ako masising mahalin ka kahit asawa mo ang kapatid ko, maling mali zhia pinigilan ko, tinatama ko pero sa tuwing nakikita kang nasasaktan mas gusto kitang mahalin at agawin mula sa kuya ko"
Hindi ko alam ang gagawin ko,mali pero bakit tama?bakit ganito? bakit ngyayari ito?
Mas nangingibabaw ang takot ko pero mas naguguluhan ako maraming bagay ang gusto ko itanong, sabihin at ipaliwanag pero ang tanging lumalabas sa isip ko tama lang
Wala akong maintindihan, wala akong masabi hinawakan niya ang kamay ko sabay hinalikan ito
" Sana zhia hayaan mo akong mahalin ka" hindi ako umimik nakatingin Lang ako sa mata niya, mata niyang pinapakita ang pagiging seryoso
"Mahal kita at gagawin ko ang lahat mapasaya at maging akin ka lang"