Chapter 04

3798 Words
*** Hindi ko alam kung nanaginip lang ako kagabi dahil the moment I woke up this morning I was all alone in my room. Sa sobrang pagod kahapon hindi ko alam kung totoo o di kaya panaginip lang na kasama ko si Luca kagabi. I have no choice but to get up and prepare for my duty. One duty na lang at bukas off ko na. I went to the hospital for work without eating breakfast again. Sobra naman akong maagang dumating. Mabilisan lang naman siguro ang duty for today. Kumain din ako saglit sa cafeteria. After a few minutes, back to work na ako. Yun na ata ang pinaka mabilis ko na kain sa tanang buhay ko. Saglit lang ang kabusyhan, halos two hours lang akong nag observe at wala ng cases sa hapon kaya pwede na akong umuwi. Gusto ko ulit matulog ng mahimbing. Parang kulang ang tulog ko kanina. Maaga kasi akong nagising at pumasok sa work. Kaya ang nasa isip ko ay halos about tulog lang. Pagkarating ko sa floor ng unit ko nakita ko agad si Luca na nakatayo sa labas. May dala itong dalawang paper bags. Busy ito sa phone niya kaya di ata niya naramdaman na papalapit ako. " What took you so long?" Narinig kung tanong nito at agad na nag angat ng ulo at deretsong tumingin sa akin. Ako ba ang tinatanong nito? Natural CL! Wala naman ibang tao sa floor na'to kundi kaming dalawa lang. Pero deadma lang ako, para hindi halata. " Keep pretending. Ikaw ang tinatanong ko." May halong inis sa boses nito. "Ooh..." nasabi ko na lang. "Busy... but here I am now." Tipid kung sagot dito. "Kumain kana? Are you okay?" Biglang tanong niya. Nagbago din ang tono ng boses nito. Hindi na ito galit. Napalitan ng pag-aalala. Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon na nagugutom ako. Lumapit ako sa may pintuan at binuksan ang aking unit. Sumunod naman ito agad akin. " Eat first bago ka magpahinga. I brought some food. I hope you'll like it," sabi nito na nakataas ang dalawang kamay na may hawak na paper bags. Parang may humaplos na kung anu sa aking puso. Nasiyahan ba ako o kinilig ako bigla? Hindi lang ako nagpahalata. "Nag-abala ka pa," nasabi ko na lang. Namalayan ko na lang na kumakain sa pagkain niyang dala. Pati rin siya napakain na rin. Tahimik kaming dalawa. Busy sa pagkain at walang may balak magsalita hanggang sa matapos namin kainin lahat ng dala niya. Gutom pala ako ng hindi ko nararamdaman masyado kanina. "Good." Narinig ko na lang sabi niya na ikinangunot ng aking noo. Tiningnan ko siya habang nililigpit ang pinagkainin namin. I can't help but to admire him how he did the after care. Kung ibang lalaki pa baka hayaan na lang ang pinagkainan namin. He's different, base sa mga kilos niya, isa siyang malinis at organisadong tao. Nahuli niya akong pinagmamasdan siya sa kaniyang mga kilos. Tumaas ang kaniyang isang kilay at nakatingin ang kaniyang mga mata na puno ng katanungan. Hindi ako nagsalita at tahimik na nakipagtitigan lang sa kaniya hanggang siya ang unang bumasag sa katahimikan naming dalawa. "Are you okay? You seem unusual today? Ang tahimik mo." Lumapit siya sa akin, sobrang lapit. Hinapit niya ako sa beywang ko at inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko. Sobrang lapit na biglang bumilis ang t***k ng aking puso. Parang yon lang ang naririnig ko. " What's wrong, baby?" mahina at malamyos na boses niyang tanong. Hinawakan niya ang isang pisngi ko at banayad na dinama gamit ang kaniyang mga daliri. "Hindi ako sanay na tahimik ka. Mas gusto ko pang nagmamaldita ka at galit parati, hmmm? May masakit sayo?" Narinig ko ulit na tanong niya. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili bakit ako nagkakaganito. Parang napapagod akong magsalita. Gusto kong magpahinga. Parang ang sakit kasi ng katawan ko. Hindi ko siya sinagot pero namalayan ko na lang na yumayakap sa kaniya at inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib. "Just tired..." mahina kong bulong at napapikit ng aking mga mata. Yumakap siya sa akin ng mahigpit bilang ganti at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganon na posisyon. I felt so relaxed and safe in his arms. Parang biglang nawala na parang bola ang mabigat na aking nararamdaman kanina. "Just stay for tonight... I want to cuddle." Mahinang bulong ko pero dinig na dinig niya. I heard him chuckled. "I will, clean yourself first and let's go to bed." I suddenly open my eyes and looked up to him. "Really?... No s*x? Cuddle lang?" bigla kong natanong. I saw an amusement in his eyes. "Yes, no s*x. Just cuddle. As long as you behave." He said and smirk. Iniwan ko siya at nauna akong pumasok ng kwarto. Naligo na ako at lahat lahat na. Walang Luca na pumasok sa aking kwarto. Don't tell me sa labas siya matutulog? Akala ko ba cuddling time. Bahala siya. Nakabihis ako ng aking favorite lingerie. Umupo ako saglit sa dulo ng aking higaan. Nakiramdam ako sa aking paligid. Ang tahimik, saan na kaya ang isang yon? Lumabas ako para tingnan ang kung anu na ang kaniyang ginagawa. Pagkalabas ko, there I saw him in the coach. Nasa noo ang isang kamay at nakapikit. Mukhang pagod na pagod. "Luca..." I called him in a low voice. Dahan dahan naman niyang tinanggal ang kaniyang kamay at tumingin sa akin. I am standing in front of him wearing one of my sexiest lacey black lingerie. "Damn woman!" I heard him curse. He eyed me from head to toe. Kita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. "What? I thought tabi tayong matutulog? Ba't nandito kapa? I'm sleepy already." Nayayamot kung sambit sa kaniya. "Yah, papasok na. Susunod ako." Biglang sabi niya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Pumasok ako sa kwarto at nahiga. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagpasok ni Luca sa aking kwarto at ang pagpasok niya sa banyo. Pati na rin ang lagaslas ng tubig na tanda na naligo siya. Hindi pa rin ako makatulog. Naramdaman ko ang paglubog ng kama at ang pagtabi niya sa akin. I felt his arm wrapped around my waist at kinabig ako papalapit sa kaniya. "Good night, baby. I'm not sure if I can have a peaceful sleep tonight without touching you." Namamaos na boses niyang bulong sa tenga ko. Ungol lang ang naisagot ko. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng antok pagkayakap niya sa akin. The next day nagising na naman ako na mag isa. Wala na si Luca sa aking tabi. Masarap siguro ang aking tulog at hindi ko na namalayan ang pag-alis niya. It's my off from duty today at napagpasyahan namin ni Cassie na magkita at magtambay since parehas naman kami na walang work. I prepared myself. I wore a spaghetti strap fitted top and paired with long skirt na may slit sa gilid. Sobrang hapit na hapit ang suot ko kaya kitang kita ang kurba ng aking katawan. I just wore a black boots style pointed shoes. I called Cassie ng makuntento na ako sa aking get up. Me: Hi loves! Are you ready? I'll be picking you up. Cassie: Hi loves! Yes I am. I'll wait for you here. Ingat ka ha. Me: Okay, see you loves. I picked up Cassie and we went directly to The Peak. Ang favorite tambayan namin. Cassie hate bars or any matatao na lugar. Mas gusto niya sa place na'to which I kinda like too. Umakyat kami sa second floor kung saan naroon ang fave spot namin sa naturang lugar. Sa pinaka dulo at tanaw na tanaw ang lahat sa buong area. Habang patungo sa mesa namin hindi namin pinapansin ang mga nakatingin na mga mata. Wala naman masyadong tao pero alam namin parehas na lahat sila napalingon at napatingin sa amin ni Cassie. We knew it. They can't help to stare. The moment we sat down and became busy making our orders. Naramdaman ko naman na kinakalabit ako ni Cassie. "Loves, yung kachat ko nag aask ng picture sa suot. Should I take a photo?" bulong niya sa akin. "Ikaw bahala. Make a selfie and send it to him para mas mamroblema siya," sabi ko sa kaniya. Mga lalaki nga naman. Gusto talaga alam na alam kung nasaan kaming mga babae at pati suot. Ngunit sila ayaw na ayaw na tinatanong kung saan pupunta at kung nasaan. While Cassie was busy texting with her chatmate hindi ko naman maiwasan na igala ang aking tingin sa kabuuan ng lugar. But I realized I shouldn't have done it. It was already too late. My eyes landed on a particular person near the stairs. That piercing brown eyes and clenching jew. Ano'ng problema ng isang 'to? Nakipagtitigan ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay. Ako pa rin ang unang nag iwas ng tingin. Dumating na kasi ang order namin ni Cassie. Pero hindi ko maiwasan na sulyapan siya ulit. Sakto naman na busy itong makipag usap sa katabi. Kasama niya si Doc Allen. Nakita kaya sila ni Cassie? Wait, kilala ko ang isang kasama nila. Si Bella? Yung OR nurse na maganda. Ang alam ko boyfriend niya yong isa sa kaibigan nila. Something is wrong I guess. Iiwas na sana ako ng tinging ngunit sakto naman na tumingin sa akin si Luca. Nahuli niya tuloy akong nakatingin sa kaniya. Grabe ang mga titig niya. Nag-aapoy sa galit. Ano kaya problema nito. Nakita ko siyang nagtype sa kaniyang phone. Maya't maya may narinig ako na tunog ng cellphone. Napatingin ako kay Cassie. Busy ito sa kachat. Kaya kinuha ko yung phone ko sa bag. There, I received a message from him. No other than the great Luca. Luca: What are you wearing lady?!!! Duh?! Galit? Ramdam ko ang galit kahit sa text message lang niya. Anong problema sa suot ko. Bahala siya. Ayaw ko sana siyang replyan kaso may naisip ako. Ang sarap kasi niyang asarin. Pumapangit sya pag galit. Me: Nakadamit ako. May problema? Hindi ko maiwasan mapangiti sa aking isipan. Bigla na naman nagbeep aking phone at reply niya ang nakita ko ulit. Luca: Yah, I know right. Who told you to wear that f*****g clothes? Halos lumuwa ang mga mata ng mga tao nakatingin sayo. Go home,Caily Lane! Change your clothes. My God! Really? Who give him the right to decide for me what to wear. Me: The heck! Sino ka ba? Mind your own business Dr. dela Vega. Luca: One... Hindi ako nagreply. Nakita ko na umalis na si Bella at iniwan sila ni Doc Allen. Nakatingin na silang dalawa sa amin. Pero si Luca sa akin lang talaga nakatingin ng matindi. Kulang na lang sugurin ako. Luca: Two .... Go to my car. It's in the parking area. The same car I used pag hinahatid kita. I'll count 'till five. Pag hindi ka pumunta doon, makikita mo. Hindi pa rin ako nagpatinag sa kaniyang pambabanta. Lalabanan ko siya. Luca: Three... Ano kaya gagawin niya sa akin? Ipapagulpi? Carry lang. Marunong nan akong lumaban ng patas. Buhatin niya ako? Bet ko yan. Napapagod akong maglakad. Halikan niya ako? Nanlaki ang aking mata. Ayoko! Hindi pwedeng malaman nila na fubu kami ni Luca. No way! Kaya bago ko pa basahin ang message niya na dumating binalingan ko na si Cassie. "Loves, may emergency lang ako. Need kong mauna. Okay lang? Papabook na lang ako ng mahahatid sayo," natataranta kung sabi sa kaniya. "Ano ka ba loves. Okay lang ako. Sige na alis kana. I can take care of myself. Hindi na ako bata," nakangiting sabi niya. "You sure?" pag-uulit ko ulit. Kinakabahan na ako dahil sa talim ng tingin ni Luca. "Yah, very sure. Go! Take care ha. Call me anytime soon." Hinagkan niya ako sa cheeks. Dali dali naman akong tumayo at naglakad ng deretso pababa. Hindi ko na tiningnan ang mga tao sa paligid. Pagkadating ko sa parking. Nakita ko agad ang sasakyan ni Luca. Kabisado ko na ang sasakyan niya. Bigla na naman itong tumunog tanda na bumukas. Nagpalinga linga pa ako sa paligid. Yun kasi ang ipinagtataka ko parati. Pagkasara ko ng pintuan saka naman bumukas ang kabila. And there I saw Luca infront of me. Staring at me intently. Parang kakainin niya ako ng buhay anumang oras. Nawala ang pagka tigre ko pag ganito na siya kagalit. Nagtitigan lang kami. Hindi ako nagbaba ng tingin. Sinalubong ko ang tingin niya at tinaasan ko pa sya ng kilay. "You're being stubborn Caily Lane," mahinang sabi niya. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Bigla niya akong kinabig papunta sa kaniya na ikinagulat ko. "Ano ba?! Luca let me go!" sigaw ko pagkatapos makabawi ng pagkabigla. "No, you're being bad today. Look at what you are wearing. Kahit sino titigasan sa suot mo. Kulang na lang maghubad ka!" galit niyang sabi at mas lalo akong hinawakan ng mahigpit. "Duh?! Anong hubad? Porket fitted ang suot ko hubad na? Baka ikaw lang ang tinitigasan. Palibhasa pervert! Let me go nasasaktan ako." Pakiusap ko sa kaniya na may halong inis. Bigla naman niyang niluwagan ang pagkakahawak sa akin. "I'm sorry baby. Ayoko lang nakikita ng iba ang sa akin lang." Nag iba na ang tono nito at huminahon bigla. Kumalma naman. He was being possessive na wala sa lugar. Wala naman kaming level. "What now? Paandarin mo ito at Ihahatid mo ako o baba ako pabalik sa taas. Sinira mo ang date namin ni Cassie. Minsan nga lang ako mag off," padabog at naiinis kung sabi rito. I saw how he clenched his jaw and pulled the gear para umandar ang sasakyan. Hindi ito nagsalita at nagmaneho lang ng mabilis. Hindi ko alam saan niya ako dadalhin. Hindi na ako nagtanong. Kakapagod makipag away. Nakita ko na hindi pamilyar sa akin ang daan. Palabas pala kami ng lungsod. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan. The gentle touch of a cool breeze on my face. A slight howl from the wind. A refreshing smell in the air. It relaxes & calms my soul. I love this feeling. I love province life more than the city now. I was in deep thoughts when I felt he placed his hand on top of mine and gently caresses it. Then he began playing my fingers with his. I found it sweet of him kahit busy pa rin ako sa pagsamyo ng hangin sa labas. "Are you okay now?" I heard him asked. Bumaling ang tingin ko sa kaniya. I saw a gentle emotion on his brown eyes. Kaya di ko namalayan na napatango ako sa kaniya. A way of telling him I'm okay. After more than an hour narating namin ang isang lugar. It's a rolling hills. Isang subdivision sa toktok ng bundok. Mga naglalakihan ang mga nakatayo na bahay. Halos pare-parehas ang design at kulay. Kaya napaka gandang tingan. But what caught my attention was the breathtaking view. The place is facing into a vast of ocean that some part were surrounded by hills. "Wow..." The only word that came out from my mouth. I was again speechless. Naramdaman ko ang mga kamay na biglang pumulupot sa aking baywang. It was Luca. Hinayaan ko na lang siya. "You like it here?" mahinang bulong niya sa akin. He was sniffing and smelling my neck. And suddenly he planted a lingering trail of kisses at the back of my ear down to my neck and shoulder. He continuously giving me breathy kisses and I can't take it anymore. It gives shivers down my spine. "Luca..." I unknowingly moaned his name. "Yes, baby?" he said softly. "Stop it. Can we enjoy the view first?" I told him. I heard him heave a deep sigh. He stopped from what he was doing and just hug me tight. "You're enjoying the view, huh?" I sense a hint of jealousy from his voice. "That's why you brought me here right? To enjoy the view. Well, I love it. Thank you. This place is beautiful." I said smiling. This place calms me. Magkano kaya rito? Gusto kong magkaroon ng bahay sa ganitong lugar. Siguro pag mayaman na ako. Yung pera ko mismo ang ipapambili ko. Kuntento na ako sa ganitong lugar. Wait! Did I think this place? Ako pa ba'to? Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Before I love City life. I love the noise. The sound of a busy City. Specially hearing the sound of tires on pavement. I am a racer, I love thrills. I love the sound of cars and motorcycles. "I love this place too." I heard him whispered. "I even love it more now that you're here. It will forever be my favorite place, baby." Napapikit ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero parang kinikilig ako. Kung hindi ko lang alam na playboy ang isang 'to, maniniwala na sana ako. "Are we gonna stay here?" biglang tanong ko sa kaniya na nagpaangat sa ulo niya mula sa pagkakasubsob sa leeg ko. "If you like to stay for the night. Sure we can. Naka ready naman lahat. I have someone taking care of the house." Napalingon ako sa kaniya at nginusuan ko siya. Bigla itong tumawa at tinitigan ako. "What's with the face?" "I don't have a spare of clothes. Ayaw mo nga sa suot ko." "It's okay. I love to see you without clothes. No worries." He smirked. "Luca Evan dela Vega!" tumaas ang boses ko at pinandilatan ko siya. I heard him laugh. Sarap sa tenga ng halakhak niya. Parang ang saya niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya. "I'm just kidding. You can use my shirt. We will just wash your undies." Nakangiti pa rin niyang sabi. After almost thirty minutes of watching the view we decided to go to his place. His house has a staple features of most contemporary, modern styled homes being built today. By looking at the house you will know that the owner is not just rich but very rich. "Beautiful house it is..." I can't help to say it loud. Sobrang ganda niya. May sinabi din naman kami sa buhay. But not as rich as Luca. "Good that you like it." He lead me to go upstairs para makapag palit ng damit. Sa master bedroom niya ako pinasok. Sa laki ba naman. Very manly din ang interior. And the smell. It smelled exactly like him. The addictive scent of him. Inabutan niya ako ng isang white shirt and a boxer shorts. I went to the bathroom and took a quick shower at nagbihis. Medyo may kaluwagan ang damit pero ok na rin. I don't have anything underneath. Hindi ako sanay matulog sa kama na ganito ang suot. I love my set of lingerie. Maaraw pa naman. Mamaya pa naman matutulog. Bumaba ako sa hagdan. Lahat ng nakikita ko sa paligid hindi ko maiwasan na hindi mamangha. It speaks so much elegance and class. Naamoy ko naman agad pagkababa ko ang amoy na nakakagutom. Sinundan ko ito hanggang sa marating ko ang kusina. I saw Luca wearing the same clothes. He is cooking a steak. Sa amoy pa lang nahulaan ko na. Pinagmasdan ko muna siya ng ilang minuto. "Hi, I'm done. Hindi kapa pala nagpalit." Basag ko sa katahimikan at lumingon naman siya sa akin at ngumiti. "Oh! Hi. Brace yourself. Feel at home. I'll serve the food in a while." Nakangiti niyang sabi. Umupo ako paharap sa kaniya. Gusto ko siyang pagmasdan habang busy sa ginagawa. Maya't maya natapos din ang niluluto niya. Marunong pala siyang magluto. This is the first time na nilutuan ako ng isang lalaki. My heart is jumping out of happiness. Kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti. "Okay, let's eat. Alam ko hindi ka nakakain kanina. I'm sorry about that. Kaya hito bumawi ako. Come'on eat, baby." Pinaghiwa niya ako ng karne at sinubuan. "mmmmh, taste good. I didn't expect you can cook this good." Puri ko sa kaniya at tinitigan niya ako. "I can cook for you always. But you taste even better than my steak." He smiled maliciously and even stole a kiss from me on the lips. Pinandilatan ko siya ng mata. Tumawa lang ito. Nang matapos kami kumain inikot namin ang buong bahay. Mas nalulula pa ako sa aking mga nakita. Pagkatapos pumwesto kami sa labas na upuan na pahaba kung saan tanaw ang buong kadagatan. I really love the place. I wonder kung ilang babae na ba ang dinala niya dito sa bahay niya. Tumabi siya sa akin ng upo, pinagitna niya ako sa dalawang naglalakihan niyang mga hiya at yumakap. Hinayaan ko na lang siya dahil gusto ko din naman. Angkop naman sa nakapaligid sa amin ang mga kilos niya. It's kinda romantic and I love it. "Luca..." mahinang tawag ko sa kaniya. "mmmmh?..." bulong niya habang nakasubsob na naman ang mukha niya sa leeg ko. He's smelling again my scent. "Dito mo ititira ang magiging asawa mo?" bigla kung tanong sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko naisip na itanong ang bagay na ito. Siguro naisip ko na napaka swerte ng babaeng magpapaibig sa isang Luca Evan dela Vega. Hindi siya sumagot. Naging parang sobrang tahimik ang buong paligid. Parang gusto kung sabihan na huwag na niyang sagutin dahil natatakot ako sa magiging sagot niya. Naririnig ko ang t***k ng aking puso. Hindi ko alam kung sa nararamdaman ko o dahil sa kaba oras na sumagot siya sa tanong ko at hindi ko magustuhan. "Ikaw... You want to live here?" Parang inaantok niyang sagot. Nakasubsob pa rin siya sa leeg ko at mas mahigpit na nakayakap sa akin. Natigilan ako sa sagot niya. Pero bigla akong napangiti. "Oo, gusto ko..." pabulong kung sabi na nakangiti. Para akong baliw na malapad ang pagkakangiti. Akala ko narinig niya. Naramdaman ko nalang ang tunog ng kaniyang malalim na paghinga tanda na siya ay nakatulog. Hay nako talaga naman. Akala ko pa naman moment na namin 'to. Tinulugan pala ako. I hold his arms tight the one hugging me na parang ayaw ko siyang mawala. I know it sounds crazy but I guess I'm in love with this man even in a small span of time. I already broke the wall that I built. Dahil takot akong akong magmahal at iiwan ko lang. This time I want to fall in love. Bago man ako mawala dito sa mundo if that's my fate. Gusto kung maramdaman kung paano ang totoong magmahal at masaktan. Kahit walang kasiguraduhan kung parehas kami ng nararamdaman. "I will make you fall in love with me so deep that you can't live without me Dr. Luca Evan dela Vega." I silently said and smiled to myself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD