Chapter 05

2899 Words
The next day I woke up alone in an empty room. Wala akong makita na Luca sa tabi ko. Baka maagang umalis. Nakita ko na may damit sa gilid ng kama. Halatang bago dahil may tag pa. I assume na para sa akin. Lalo na at kasukat ko lang. Pumasok ako sa banyo, naligo at nagbihis. pagkalabas ko ng kwarto may sumalubong kaagad sa akin na medyo katandaang babae at ito ay nakangiti. Sinuklian ko rin sya ng tipid na ngiti. "Good morning hija. Mabuti at gising kana. Tara sa kusina at ng makapag-almusal kana." Aya niya sa akin. Tinanguan ko sya at sumunod na ako. Iniikot ko ang aking mata sa kabuuan ng bahay. May hinahanap ako na kanina ko pa hindi nakikita at gusto kung makita. "Maagang umalis si Luca hija. Ibinilin ka niya sa akin." Bigla niyang sabi. Nahulaan niya siguro ang nasa isip ko. "Kain kana habang mainit pa ang pagkain. Kung gusto mo pang magstay dito sabihin mo lang ha hija? Kung aalis ka naman, sabihin mo rin para mapahatid kita." Tumango lang ako bilang tugon. Gusto ko sana itanong kung nasaan si Luca. I know for sure alam niya. Inaamin ko nalungkot ako pagkagising ko at malaman na wala sya sa tabi ko and worst malaman na maaga siyang umalis. Ang bigat sa pakiramdam. Ano ba CL hindi ikaw 'to. Huwag kang magdrama. Wala kayong label diba? Bakit ka nag e-expect na naman na magpapaalam sayo? I heaved a deep sigh not knowing na kanina pa pala ako pinagmamasdan ni Manang. Wait? Hindi ko pa alam ang pangalan niya. "Ano po name niyo Manang?" Bigla kung tanong. Nakatitig sya sa akin at nakangiti. "Ang ganda mo hija. Hindi nakapagtatakang magugustuhan ka ni Luca. Manang Emma na lang itawag mo sa akin. Ako ang nagpalaki kay Luca. Yaya niya ako. Parang ina na rin ang turing niya sa akin. Kaya huwag kang mahihiya. Sabihin mo lang ano pa gusto mo." Paliwanag niya. Tipid ko siyang nginitian at nag-umpisa na akong kumain. Hindi nagtagal natapos din ako at nagpaalam lay Manang Emma na uuwi na lang ako sa bahay. Gusto ko matulog ulit. Naintindihan naman niya ako at may tinawagan siya para maghatid sa akin. "Ingat ka hija ha. Salamat sa pagpapasaya sa alaga ko. Huwag ka sanang magbabago at mahalin mo siya. Pasensya na rin kung iniwan ka niyang mag-isa. May lakad lang siya na importante. Sigurado tatawag yon sayo." Nginitian ko si Manang. Kahit paano napanatag ako sa kaniyang sinabi. Pero may inis pa rin akong nararamdaman. Huwag talaga siya tatawag kasi hindi ko sasagutin. Mahirap bang magsabi kung saan pupunta? Sabagay wala pala kaming label. "Maraming salamat Manang ha. Okay lang po. Mauna na po ako." Hinatid ako ng driver sa bahay. Pagkadating ko palang deretso na ako sa kwarto at nahiga. Hindi ko pinansin ang aking fon na kanina pa pala may tumatawag. At alam ko na kung sino 'yon. No other than Luca. Deadma. Ayoko siyang makausap at lalong hindi ako makikinig sa paliwanag niya. Dahil hindi din naman siya nagpaalam o nag-iwan manlang ng note na aalis siya ng maaga. Umaasa pa naman ako na siya ang makikita pagkabukas ko ng aking mata. Wala akong ginagawa kondi ang matulog maghapon hanggang sa gabi. Kinabukasan na ako nagising. Nakalimutan ko na din ang kumain. " Nako'ng bata ka, napagod ka ba? Katok kami ng katok sa kwarto mo. Nagworry na din ang mommy mo kaya pinabuksan ng daddy mo yung kwartoni na na-i lock mo pa kasi. Okay ka lang?" Nakita ko ang nag-aalang mukha ni yaya Mila. "Sorry, Yaya. I'm okay. Napagod lang ako kahapon kaya napahimbing ang aking tulog. But I have to go now for my duty." Sabi ko sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "Oh sige, kain kana. Umalis na ang mommy at daddy mo kasi may pupuntahan sila. Hindi kana nila ginising." Tumango at nginitian ko na lang siya. Pagkatapos kung kumain ay nagready na ako para pumunta ng hospital. Naalala ko si Cassie kaya bigla akong napabukas sa aking telepono. I have a lot of messages coming from one person. No other than Luca. Tinadtad niya din ako ng missed calls. Napailing na lang ako. Siguro kung alam lang niya saan ako nakatira baka sumugod na dahil sa dami ng missed calls niya. Binaliwala ko muna ang messages at tawag niya. Si Cassie muna ang naisipan kung imessage. Me: [Loves, where are you?] Dali dali na akong pumunta ng hospital at nakita ko ang ibang mga residents na lumalabas sa hospital at patungong Archer Hall. Napakunot noo ako. " Hi Doc! May symposium daw and all the residents need to attend. Halika na." Nakangiting bati akin ng isang residente rin. I forgot her name. Nginitian ko siya. Ang alam ko she's that friendly kasi kahit saan kami magkita parati siyang nakangiti. Her smile is contagious. Kahit ayaw kung ngumiti ay napapangiti na lang ako. Sumakay ako ng elevator kasi nasa third floor ang venue at pagkabukas palang nakita ko agad si Cassie na naglalakad. Galing sa siya sa katapat na elevator at parang malalim ang iniisip. "Loves! Tinext kita kanina pa. Buti nandito kana." Nakasimangot kung sabi sa kaniya. "Naiwan ko ang phone ko sa kwarto loves kaya hindi ko mababasa ang message mo." "Ipahatid mo na lang kaya. Message ko si Steven. Alam ko dito na siya. Tumawag kasi last night." Sabi ko sa kaniya at agad akong nagtype ng message kay Steven. Me: [Hey, are you busy? Hatid mo nga ang phone ni Cassie dito sa hospital. Naiwan daw sa kwarto niya. We are here sa Archer Hall, 3rd floor for our symposium. Ingat!] Steven: [Are you okay now? Parang lasing ka last night habang kinakausap kita. Bigla mo din akong tinulugan.] Me: [ Oh? So hindi pala ako nananaginip? Nakausap talaga kita?] Natawa ako. Akala ko nanaginip ako na nagkausap kami. Kasi hindi ko narinig ang katok ng mga tao sa bahay. Pero kay Steven tawag nasagot ko pala. Anyway, sa sobrang pagod ko lang kaya nawala talaga ako sa aking sarili. Steven: [Yup, okay Ihatid ko dyan. See you, babe!] Hindi ko na sya nireplyan. Inakay ko na si Cassie papasok ng venue. Sumilip muna ako at tiningnan baka late na kami. Thank God, at mukhang magsisimula pa lang ata. Naririnig ko lang na nagsasalita na ang speaker sa harap. "Nagsisimula na ata, Loves." Narinig kung sabi ni Cassie. "Hindi pa, adlib lang yan ng speaker. Nine pa kaya ang start. Early pa nga tayo. May ten minutes to nine pang natitira." Sagot ko sa kaniya at hinila ko na sya papasok. Syempre hindi na ako magtataka kung makatawag pansin kami. Lahat ng attention sa loob ay nabaling sa aming dalawa. Nginitian namin ang speaker. "Good morning, akala ko naggagwapohang mga doctor lang ang mayroon dito sa MNH. May mga naggandahan pala." Biglang komento ng speaker. "Good morning Doc." Sabay bati namin ni Cassie sa kaniya. At luminga kami para makahanap ng mauupuan, sakto naman na mayroon sa unahan kaya doon na kami. "You are from what Department? The both of you?" tanong nito. "I'm Dra. Montero form OB department." "I'm Dra Riva from Neuro Department." " Montero, you're familiar... " Nag isip ito. "She topped the board Doc." May sumigaw sa likuran namin isang lalaki. Hindi ako familiar pero alam ko resident din dito. Ayiiiih! Alam na alaaaam! Napangiti rin ako. I'm proud of my best friend. Wala kasi alam gawin yan kung hindi ang mag-aral. We are the exact opposite, though matalino din naman ako. Nakapasok din naman ako sa top 10. But for me hindi yon importante. Status and rank in life doesn't matter to me anymore. Hindi mo siya madadala sa libingan. "This is what I love for being young. The stage of admiration, falling inlove and having an unrequainted love. Crush mo si Dra. Montero?" "May boyfriend kana Dra. Montero?" Tanong ng speaker at nakita ako ang pagkabigla ni Cassie. I patted her using my elbow at tinanguan ko siya. "Wala po Doc. But, I have someone special." Halos mamula ang pisngi nito sa hiya. Nailing na lang ako sa kaniyang sagot. My so innocent best friend. "Oh? sa ganda mong yan wala kang boyfriend? Bestriend kayo tama?" nakatingin na siya sa amin ni CL. "Yes Doc. " Ako na ang sumagot para sa kaniya. Alam ko nahihiya na siya. "Since when? Dr. Riva you are also familiar. How are you related to General Riva? "Sa unang tanong mo Doc, KC and I are bestfriend since baby pa kami. About General Riva, he's my dad." Mataray kung sagot. Naiinis na ako, I want this symposium to be done. Jusko bakit ang dami pang adlib. "Doctor pala ang unica hija ni General. I thought you will enter also the military since your four brothers are all in the military except for one. Kasi yon ata ang namamahala sa negosyo ng pamilya niyo but he came from the Military also. Lumabas lang siya. Tht's why you look fierce." Patuloy nitong sabi habang nakatingin pa rin sa akin. "Okay let's start our discussion. But before that can we pray? Who will lead the prayer? Nakalimutan kong magdala ng CD para iplay or magsave sa laptop. But there's a guitar here. Maybe we need a good worship song to start the day. Any volunteer?" Tmaas ang akinh kamay ni CL. Napangiti naman ang doktor. Naisip kung asarin ngayon si Cassie. "Talented pala si Dra. Riva. Okay can you lead us a prayer." sabi ng speaker "Sorry Doc hindi ako. Itong katabi ko. Hindi po kasi ako tanggap sa langit. Para talaga sa kanya ang pagtaas ko ng kamay." Sabi ko at sabay tawa. Nakita ko ang pag-iling ni Cassie. Nginitian ko lang siya. "Oh, Dra. Montero...okay." Walang nagawa si Cassie kung hindi ang pumunta sa harap para kumanta. I know she can do it. She has an angelic voice na dapat shini-share sa iba. Nagstart na ang symposium at natapos after two hours.Naglabasan na ang lahat at nagpahuli muna kami. Ayaw namin makipagsabayan. Lumabas na kami. Pagkalabas namin sakto nasa labas na si Steven, nag aantay. Sa mukha plang alam mo na inip na ito. Pero biglang nawala ang pagkainip at sumaya ang mukha ng makita niya kami. Nginitian ko ito at sabay halik sa pisngi ni Cassie rito. "Here's your phone buti na lang unakyat si mommy kaya nakita niya. Drain na drain kaya nag charge muna ako bago ko naihatid dito." Narinig kung paliwanag nito kay Cassie. "Thanks Kuya." Narinig kung sabi ni Cassie at hindi ko na napagtuunan ang iba pa nilang pinag-usapan dahil nakita ng mata ko si Dr. Allen and Luca. Masama ang ngiti ni Doc Allen sa gawi namin. I know something is up with my best friend and him. Baka nagseselos kay Steven. Tinarayan ko naman si Luca pagkakita sa akin. Hanggang sa naramdaman ko na nag vibrate ang akin telepono at tiningnan ko. Nakita ko na naman ang message ni Luca. Luca: [ Keep ignoring me, baby. You will see.] Hindi ako nagreply at deadma sa messages niya. Nagpaalam kami sa isa't isa na tatlo para bumalik na sa mga trabaho namin. Napagkasunduan din namin na magkita kita sa Sunday at bumisita sa Orphanage kung saan kami galing. I went back to OR at nag-assist pa ako ng isang operation. Hanggang sa hindi ko namalayan natapos na ang aking duty na walang Luca na nasilayan. Wala ito, hindi ko nakita at hindi na rin siya nagparamdam sa akin. Somehow I wish na sana nangungulit pa rin ito hanggang sa mga oras na ito. I won't deny it. Namiss ko siya. Pagod at matamlay ako na umalis ng hospital at naglakad papunta sa aking condo. Tinatamad na naman akong kumain ng dinner. Maybe I should rest na lang agad. Parang hindi ata magandang idea na humiwalay ako ng tirahan sa parents ko. Para akong nalilipasan ng gutom at minsan hindi nakakain kasi tinatamad akong magprepare ng aking kakainin. Pagkarating sa floor kung saan located ang aking unit. Pagkalabas ko pa lang ng elevator nabungaran ko na agad ang familiar na bulto na kanina ko pa iniisip. It's no other than Luca. Deep inside of me bigla akong sumigla pero ayaw ko itong ipakita. Pinanatili kung matigas ang aking mukha. Dahan dahan akong lumapit dito. Alam ko nararamdaman niya ang aking presensiya. Hindi ito lumingon, nasa malalalim ito na pag-iisip. "Why are you here?" Bigla kung tanong na ikinalingon niya. Seryoso ang kaniyang mukha na nakatingin sa akin. "Baby... you're ignoring me since yesterday." Hindi ako sumagot sa kaniya. Nilampasan ko siya at binuksan ang aking unit at pumasok. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Honestly, ayaw kung makipagtalo. Hindi ko alam pero nitong mga nakaraang araw ang bilis kung mapagod lalo na pagkakatapos ng aking duty. Kaya imbes na sagutin siya at magkasagutan lang kami. Tiningnan ko lang siya ng matamlay. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi pa rin ako kumibo. Umupo ako sa sofa and I leaned my back and head on the backrest. Tumingala din ako at sabay pikit ng aking mata. Damn! I'm so tired. Hindi ko siya narinig na nagsalit. Bigla ko na lang naramdaman ang mga kamay niya na tinatanggal ang aking sapatos at biglang minasahe din niya ang aking paa bago itinaas at pinatong sa may center table. Nakikiramdam lang ako sa kaniya. Maya maya narinig ko na lang ang papalayong mga yapak. Bigla akong nagmulat ng mata at naalarma. Baka bigla na lang umalis. Nakiramdam muna ako. Hanggang sa bigla akong may naamoy. Nanggagaling sa kusina. Napabuntong hininga ako ng malalim. I felt relieve. Nagluluto siguro siya sa kusina. Pumikit ulit ako hanggang sa di ko na namalayan at nakatulog sa ganong posisyon. Sa kalaliman ng gabi ako'y napadilat at biglang bumangon. My God! Nakatulog pala ako ng mahimbing. But, wait! Nilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng aking kwarto. Nag-isip ako ng mabuti. Sa pagkakatanda ko, sa sala ako inabutan ng antok. Panong nasa kwarto na ako? Dahan dahan akong bumangon at lumabas ng aking silid. Sumalubong sa akin ang madilim na sala at may malamlam na ilaw galing sa kusina. Mag-isa lang ako. Iniwan pala ako ni Luca. Bakit naman kasi ako nakatulog. Haist! Biglang kumalam ang aking tiya kaya tinungo ko ang kusina. May pagkain sa ibabaw ng mesa na nakatakip. Tiningnan ko ito. It's a pasta and garlic bread. May nakita ako na maliit na note na nakaipit. I'll leave you for a while. Please eat. I miss you, baby. -Luca- Para akong tanga na napangiti. It feel so warm. Siguro kasi first time na may gumawa ng ganito sa akin. Lahat ng inis ko sa kaniya parang bola na naglaho. Ininit ko ang pasta at kumain ako. Plan ko sana siyang itext pero naisipan ko na baka busy. Baka sabihin na napaka clingy ko. Tinapos ko na lang ang aking pagkain at naligo para ituloy ang pagtulog. I don't know if I can sleep easily since nakatulog na ako but I'll try since need ko dahil bukas may duty. Hindi ako makatulog agad pero buti ana lang nagtext si Cassey sa akin. Cassey: Loves, sa Sunday ha sa orphanage don't forget. Oh, I almost forget about it. Buti na lang nagmessage si Cassey. Good thing off ako sa Sunday. I have time for that. Kahit naman may duty ako gagawan ko ng paraan para makapunta. That place is so important to me. Me: Okay loves! See you. The next day I was busy at the OR assisting some major operation. Hindi ko na namalayan maghapon hanggang sa natapos ang aking duty. I haven't seen Luca the wholeday and I haven't heard about him. He didn't even bothered to send me a message, kaya busangot ang mukha na umalis ng hospital. Really Luca de la Vega?! Natiis mo ako maghapon na di ka nagpaparamdam?! Bweset talaga, someday you will really miss me that much. Hanggang sa pag-uwi ko umaasa ako na dadatnan ko siya sa may pintuan ng aking condo tulad ng madalas niyang ginagawa pag inaaway ko siya. I was hoping, kaya hindi ko mapigilan ang maexcite na baka andon siya nag-aantay. But my excitement die down when I glance at the door of my unit pero walang ni anino niya akong nakikita. Gustong gusto ko siyang itext at itanong kung nasaan siya. Gusto kong magalit bakit hindi siya nagpaparamdam. Kaso naisip ko napaka clingy ko naman. Isang araw pa lang naman at ilang araw pa lang kaming magkakilala. Wala naman kaming label. Di ba't ito ang gusto ko ang walang pakialaman. Somehow I expect something from Luca. I feel something diffrent for him. Alam ko ang nararamdaman ko ay hindi maganda at walang magandang idudulot. Pero gusto kong itry paano magmahal at masaktan as long as it worth the pain. Do I have to ask him what relationship we have? Para alam ko saan ako lulugar. I hate this feeling. These are all new to me. Natatakot ako. Pero mas nangingibabaw ang nararamdaman kong kakaiba para sa kaniya. I have to let it out. Kahit sa mabilisang sandali lang. Para kahit paano maramdaman ko paano maging masaya kasama ang taong gustong kung mahalin. Will everything be okay? Papayag din kaya siya? Paano kung ayaw pala niya ng relasyon. I'll have to find out. Kahit walang kasiguraduhan ang mangyayarin sa hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD