Chapter 06

2620 Words
It's Sunday! Nagpaalarm talaga ako para magising. Mahirap na at aniguradong magagalit si Steven kapag malate ako. Today is so special to the three of us. Ito ang date na nakaset kung saan taon taon bumibisita kasi sa paborito namin na lugar. Ang lugar kung saan kami nanggaling. Sa orphanage. Napagkasunduan namin na magkitakita na lang sa bahay ampunan mismo. Si Cassey and Steven na ang namili ng mga dadalhin namin. Iniutos lang naman siguro nila. Angels Haven Orphanage Agad mo'ng makikita sa labas. Pagkahinto ng aking sasakyan. Hindi muna ako lumabas. Napangiti ako habang nakatanaw sa modernong building na nasa harapan ko. Kung dati para itong lumang bahay lang, ngayon modernong moderno na. Thanks to all the sponsor. Isa na ang mga pamilya namin na patuloy na nagbibigay ng mga donasyon dito. Biglang sumagi sa aking isip ang mga alaala naming tatlo sa lugar na ito. Parang kailan lang mga bata pa kami at nagkukulitan. Ngayon lahat kami ay nakapagtapos na. Except for that one little girl, si Ashley. Yung pinakabunso namin kung ituring. I hope she's okay and in good hands like us.Wherever she is, I wish that she's doing well. Tumunog ang aking cellphone at nakita ko si Cassey tumatawag. Me: [Yes loves?] Cassey: [Saan kana? Nasa loob na kami ni Kuya.] Me: [Oh, sige papasok na ako.] Kinalas ko ang seatbelt at lumabas kaagad. Tahimik na naglakad papasok sana sa loob ng bahay ampunan. Ngunit bigla akong may naramdaman na kakaiba sa paligid. Ramdam ko na may sumusunod sa akin. I know something is off. Nitong mga nakaraang araw parati ko na lang nararamdaman ang ganito. Bigla akong tumigil at nakiramdam. Hindi ako nagpahalata. Nagpalinga linga ako. It's creepy but I somehow feel it. Hinasa ako nina daddy na matuto kung paano makiramdam sa mga nangyayari sa palibot ko. Kaya alam ko na may sumusunod sa akin. Ganoon ka sensitive sa aking paligid. "Who are you? Alam ko sinusundan mo ako. Just make sure di kita mahuhuli. Sa oras na mahuli kita. Makikita mo." Banta ko. Nakiramdam ulit ako at huminga ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng building. "Good morning sa inyong lahat!" Masayang bati ko sa mga bata. "Good morning Ate ganda!" Napakasayang bati nila. Nilabas namin ang mga dala namin na pasalubong. At nagsimula na rin akong kwentuhan sila ng kung anu anu. Pag nandito ako sa bahay ampunan parang nag-iiba ang mundo ko. Nag-iiba ang aking pakiramdam. Nararamdaman ko ang kaginhawaan. Kasimplehan ng mga bagay. At nakikita ko ang tunay na kasiyahan. Dito parating pinapaalala sa akin na always remember to smile and be hopeful. Despite the uncertainty of the future. Habang nakikipagkwentuhan ako at tumatawa sa mga bata bigla kung nakita si Steven na matiim na nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong problema nito. Imbes na taasan niya ako ng kilay tulad ng madalas niyang gawin kapag nagtataray ako, nakita ko ang mga mata niyang magaan na nakatitig sa akin. At ang ngiti niya na nagsasabing. I'm happy to see you smiling. Steven knows my condition. Mas nauna niyang nalaman. Noong nasa New York ako for a compition. Dapat magkikita kami kaso bigla akong nanghina kaya di kami natuloy. Imbes na lumabas ay pinuntahan niya ako sa aking apartment. Kaso ang pangit ng hitsura ko ng madatnan niya ako sa araw na 'yon. Steven: Caily, where are you? I've been waiting for your call. Ano magpapakita ka pa? CL: Steven, I'm not feeling well. Sorry, biglaan lang sumama ang pakiramdam ko. Siguro sa pagod. Steven: Puntahan na lang kita. What do you want me to bring? CL: No, Steven. You don't have to. Hindi ako nagugutom. Kahit hindi kana magpunta okay lang. Kaya ko ang sarili ko. Fatigue lang'to. Steven: I won't accept no for an answer, Caily. You know that. Ano di ka magpapakita sa akin? Puntahan kita. Me: Okay. Ingat ka. Wala na akong nagawa. Kahit anu pang sabihin ko siguradong pupuntahan niya talaga ako. Knowing Steven. Hindi ko alam kung ilang minuto or oras ba akong nakaidlip. Nagising ako sa mga katok sa labas ng unit ko. I know it's Steven. Dahan dahan akong bumangon kahit ang sakit ng katawan ko. Para lang pagbuksan siya ng pintuan. "My God, Caily! I am so worried. Ang tagal mo. Kanina pa ako kunakatok at tumawatag sayo," kita ko sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. "I'm sorry nakatulog ako." Dali dali siyang pumasok at dumiritso sa kusina. Inilabas niya ang mga dala niyang pagkain at naghanda ng mesa. "Halika, kumain ka muna. Look at you. You're a mess. Payatot kana rin." Naiirita niyang wika. Bigla akong napanguso dahil sa sinabi niya. Kainis 'to kung nakapanglait wagas. Kahit walang ganang pinilit kung kumain. Ayoko sana kasi wala talaga akong gana. Ayaw ko na mag-alala siya kaya kumain ako. Pagkatapos kumain, nag coffee siya at tumambay kami sa may balcony ng unit. Mataman niya akong pinagmamasdan. Halos hindi nawala ang tingin niya sa akin. Parang pinag-aaralan niya lahat ng kilos at emosyon ko. "What's wrong?" Biglang tanong niya at nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi ako makapagsalita. "I know something is wrong with you. Kilala kita at alam ko may inililihim ka. Ang pangit muna. Mukha kang stress na stress. You're so pale. Any minute parang bibigay kana. Care to tell me? Or should I say. You need to tell me Caily," mahinahong sabi niya at tinitigan ako. Alam ko makakahalata siya. Wala naman akong plano na ilihim lalo na sa kaniya. He is like a brother to me and we are bestfriend. Nag-iipon lang talaga ako ng maraming lakas ng loob at tamang tiempo. Siya ang una kung sasabihan outside my family. "mmmmh... Okay lang ako. Anu ka ba." Tumawa ako at biglang natahimik. Napabuntong hininga ako ng malalim. Hindi ko alam if tama ba na ngayon ko sabihin sa kaniya. Ayaw ko siyang mag-alala but I need more emotional support. And I know Steven. She cares for me a lot. "Stevey...." Tawag ko gamit ang favorite kung tawag sa kaniya pag namimiss ko siya. "mmmmmh... Iiyak ka ba pag mawala ako?" Bigla ko lang naisip na itanong sa kaniya. "What? Anong klaseng tanong yan?" Kita ang gulat sa kaniyang mukha. "Huwag mong sagutin ang tanong ng tanong din. I want to know." "But, of course! Baka pa nga di ko makaya na wala na akong maldita at pangit na kaibigan. What made you ask that, mmmh?" Naging mahinahon ang sagot niya. Kita ko rin ang pag-alala sa mga mata niya. "That's good." Tipid akong napangiti. Nagdadalawang isip ako if sasabihin ko ba sa kaniya. But I guess he needs to know, kahit isa lang sa kanila ni Cassey malaman. "mmm...m-may sasabihin ako. But promise me wo won't tell Cassie about it. It's not that I don't trust her. Baka malungkot siya. Mas matapang ka kaya I know you won'nt mind." Kinakabahan kung sabi. "What is it? May problema ka ba?" Tinitigan niya ako. Nakita ko sa mga mata niya ang matinding pag-aalala. "I am sick. You know simula pagkabata ko masakitin ako. That's what all you know. You and Cassey. But...." Pumikit ako. Kaya ko to! Parang biglang nanikip ang aking dibdib. Ang hirap sabihin lalo na sa kaniya. He is my guy bestfriend. I felt my eyes sting. Any minute maiiyak ako. " Tell me, we know about it. But you were okay after your last hospitalization. You've grown up to be healthy. What's the matter now? You tell me, Caily... Pinapakaba mo ako eh." Natatawa niyang sabi. Pero halata sa tawa at boses niya na kinakabahan siya. "I wasn't healed totally, or should I say I'm just waiting tge right time. There's no cure. There are only some management to do to minimize the complications and other underlying sympstoms. To help me get over the crisis. But from time to time It's killing me bit by bit. The pain...it's excruciating. Minsan gusto ko ng mamatay sa sakit... It's been how many years. My parents, mom and dad and all my brothers were looking for a donor. They were even looking for my real family kahit masakit sa kanila. Gusto nilang malaman baka lang may makatulong sa akin. Baka sila ang sagot para tuluyan ako ana gumaling. Now, here it is again. This past few days I've been having a crisis. I don't want to go home, kasi makikita nina mommy. Mahihirapan sila. Ayaw ko silang makita na umiiyak at naawa sa akin. Mas nasasaktan ako." Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako. I look at him. I saw tears from his eyes. He is crying. Hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya at tahimik na lumuluha. It pained me to see his reaction. May isang tao na naman na nasasaktan dahil sa akin. Dali dali kung pinunasan ang aking mga luha. At pilit na ngumiti sa kaniya. "Don't cry Stevey... Buhay pa ako. I'm still alive and kicking." Biro ko sa kaniya. Pilit na pinapagaan ang sitwaston. Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ko ang mga luha sa kaniyang pisngi at mata. Namumula na ang kaniyang ilong. Umiiling-iling pa siya. "How can you stay calm with this situation Caily. Anu ang gusto mo na reaction ko? Magsaya? After all this years, I thought your okay? Tapos ngayon sasabihin mo na, you are sick at walang gamot?! You want me to stay calm and laugh at it?! Tell me!!" Galit siya. Kitang kita ko sa kaniyang mga mata. Sinapo niya ang kaniyang ulo at pumikit. Hindi ko alam ano ang sasabihin ko. Nilapitan ko pa siya at niyakap. Para kahit ito lang maparamdam ko sa kaniya na everything will be okay kahit na ako mismo hindi ko alam. "I'm sorry. Please don't get mad at me..." Puno ng pakiusap ko na bulong sa kaniya. Mas yumugyog pa ang kaniyang mga balikat tanda na umiiyak na siya. Pati ako napaiyak na din. Hindi ko namalayan na matagal kami sa ganoong posisyon hanggang sa kumalma kami. We never talk about it. Ang alam ko lang simula noon nag-iba si Steven sa akin. Kung dati caring siya ngayon mas naging super caring pa. Halos from time to time tumatawag ito. Lahat ng gusto ko sinusunod niya. Hindi ko na din siya nakita na papalit palit ng babae pag mayron man siyang girlfriend at nag comment ako na ayoko. The next day nalalaman ko na lang break na sila. Kahit busy siya sa business nila pag ako ang may mga favor o kahit anung request ko never ko narinig sa kaniya kahit anung reason para hindi tuparin ang mga kahilingan ko. That's my guy bestfriend Steven. Though alam ko ang nararamdaman niya para sa akin ay sobra pa sa pagiging kaibigan. I knew about it. He confessed before but I rejected him. I love him. I don't want him yo get hurt. If there's one person I can't leave without. It's him. Ngayon na nakatitig siya sa akin, hindi ko alam anu ang nasa isip niya. Bigla siyang ngumiti kaya nginitian ko siya pabalik. Nakakapagod na masaya. Iyon ang nararamdaman ko. Kahit na pakiramdam ko nanghihina ako ay okay lang. Nag-uumapaw naman ang saya na aking nadara na ngayon na nandito kami at nagbibigay saya sa mga bata. "Loves, okay ka lang?" Biglang tanong ni Cassey sa akin. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Nakita ko naman na biglang napalingon sa amin si Steven. "Yah, I'm okay. Napagod lang ako pero carry lang. Masaya ako." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Steven approach me with a worried face. I smiled at him. Pero hindi siya ngumiti pabalik. Lumapit siya at tinitigan niya ako. "You want to go home? You look pale. May masakit ba sayo?" Mahinahon na tanong niya ngunit ramdam mo ang pag-aalala. "I'm okay Stevey.... Don't worry." Hinawakan ko ang kamay niya to make him at ease. Tumango naman siya at pinisil ito. Hanggang sa natapos ang activities namin hindi ako hiniwalayan ng tingin ni Steven. Alam ko nag-aalala siya. Honestly nanghihina ako. Ang sakit ng mga kalamnan ko. Gusto kong umuwi at magpahinga. Ayaw ko na makita nila ang tunay kong kalagayan kaya pinapakita ko pa rin na okay lang ako. Nag-iyakan pa kami. Kasi umiiyak ang mga bata. Naalala ko lahat ang nakaraan. Ganyan na ganyan kami. Kaya nakakalungkot. At masakit isipin na sa murang edad namin ay nakaranas kami ng ganoon katinding emosyon dahil wala kaming pamilya. We went home immediately after. Hinatid nila ako. Ayaw nila pumayag na hindi, kaya wala akong nagawa. Lalo na at si Steven ang nagsuggest. Pagkabukas ng gate namin nakita ko agad si Kuya Marco na nag-aabang sa may pintuan. Lumapit siya bigla at inalalayan ako. Nagtaka naman ako sa inasal niya. "I called in advance. Wala daw kasi ang mommy at daddy mo. Good thing your Kuya Marco is at home. Sorry, I'm just worried." Bulong ni Steven sa akin. Tinanguan ko lang siya. Ayaw kung makipagtalo ngayon dahil gusto ko ng mahiga sa kwarto. "Thanks Steven!" Narinig kung sigaw ng kapatid ko. Habang inaalalayan niya ako. Kulang na lang kargahin ako nito. "Kuya, I'm okay. Really. OA lang si Steven." Napanguso ako na humarap sa kaniya. "No, you're not. Look at you. Ang pangit mo. Pag nakita ni Rennon ang hitsura mo magagalit yon sa akin." Inirapan ko siya. "Wow, siya pa may gana na magalit. Sa sobrang busy niya ah. Hindi manlang nakaalala na kumustahin ako. Dati rati naman halos araw araw siya kung mangumusta. Does he have a girlfriend kuya? Magagalit talaga ako pag mayro'n tapos hindi ko alam." Mataray "Your Kuya Rennon doesn't do girlfriend Caily Lane. Parang hindi mo kilala ang isang yon. Wala siyang signal ngayon sa lugar kung saan siya naka distino. Alam mo yan. Ikaw ang mas nakakaalam. Kaya pa n'on hindi magparamdam kina mom and dad but not with you." Paliwanag nito. Nakaakyat na kami sa kwarto. Tinanggal niya ang sapatos ko at inihiga ako sa kama. Plano ko pa sanang maligo ngunit hindi ko na kaya. "You sleep well, okay? Pag may kailangan ka just call me." Nginitian ko ito at tinanguan. Akala ko alis na agad ito ngunit mataman niya akong tinitigan. Halos pag-aralan niya ang kabuuan ko. "Baby... You're okay, right? You will be okay. Yah.. you will be. Kuya will do everything." "I love you." Mahinang sabi niya sa basag na boses at batid ko ang pag-aalala. He kissed me on my forehead and tucked me in my bed at dali dali siyang tumalikod. Alam ko. Naiiyak siya at ayaw niyang makita ko ito. "Thank you, Kuya. I----love you too." Nauutal kung sagot at gumaralgal na ang aking boses. I wanted to cry. I bite my lips to prevent from making a sound. He stop for a moment bago tumuloy sa pintuan at sinarado ito na hindi na lumilingon. Pagkasarado niya ng pintuan saka bumuhos ang aking mga luha at napa hagulhol ako ng iyak. I hate to see the people around me hurting because of me. I love all of them. Tahimik ako at patuloy na umiyak Bigla ko na lang din naalala, hindi ko pa pala tiningnan ang aking cellphone simula ng umalis kami sa orphanage. Gusto ko sana itong tingnan kung may mga messages na bago na kailangan kung basahin. Ngunit tinatamad akong tumayo. Bukas na lang. Gusto ko ng magpahinga. Mas lalo lang sumama ang aking pakiramdam dahil sa aking pag-iiyak. Naisip ko si Luca. Nagmessage kaya siya? Naalala kaya niya ako? Okay na rin na hindi siya nagpaparamdam at hindi na magparamdam. Habang maaga pa maiwasan ko na umasa. Pero namimiss ko talaga siya. And how I wish nandito ito ngayon sa tabi ko. Nakatulog ako na maraming iniisip sa sa malalim na gabi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD