Chapter 07

3386 Words
" Oooh -oooh Aisha... jamila habibi." Malinaw na boses na aking naririnig mula sa isang babae na humahalakhak. Sa himig ng boses nito ay malalaman mo na napaka saya niya habang kinakausap ang isang munting sanggol na tumatawa. Napabalikwas ako ng bangon. I am gasping for breath. Pinagpapawisan ako. Napapikit ako at pilit na inaalala ang nangyari. Maraming beses ko na itong napapanaginipan. Ang boses ng babae na tumatawa at ginagaya ang isang boses bata. Kapag masama ang aking pakiramdam o di kaya ay pagod ako. Bigla ko na lang napapanaginipan ang babae na may tinatawag na pangalan. Hindi ko maintindihan ang sinasabi dahil ibang lengwahe ito. I didn't have any idea what language it was. But I know for sure it was foreign. The image was blurry. The image of a woman smiling wasn't familiar either. Sumakit tuloy ang aking ulo. Bumangon ako at hinawi ang kurtina sa bintana ng aking kwarto. Maliwanag na pala sa labas. Alam ko maaga pa para bumangon. Wala pang gaanong sinag ng araw. Sinilip ko ang orasan sa aking kwarto, mag a-alas siyete pa lang ng umaga. Napasarap ang aking tulog. Tuloy tuloy ito. Kung hindi pa ako nanaginip siguro tulog pa ako hanggang ngayon. But I have to get up early. May duty ako ngayon, much better if maaga akong pumasok kesa naman malate ako. Parang okay naman na ang aking pakiramdam. Naligo ako at naghanda sa pagpasok. May uniform naman ako na puti dito sa bahay. Hindi ko naman lahat dinala sa condo. Tiningnan ko muna ang aking phone. Bat empty ito kaya chinarge ko muna at iniwan para makababa na ako. Pagkatapos kung magbihis, bumaba na ako para kumain. Alam ko maaga pa sina Yaya Mila nagigising. Tahimik ang ikalawang palapag ng bahay. Baka nasa hardin sila. Sa kusina na muna ako didiretso for sure may pagkain na sa mesa na nakahanda. Pagkababa ko ng hagdan ay naririnig ko na ang boses galing sa kusina. Dahan dahan akong lumapit. Nakita ko na nag-uusap sina Yaya Mila at Kuya Marco. Ngunit hindi lang dalawang boses ang naririnig ko. May isa pa at sobrang familiar ako. Tumaas ang aking isang kilay. So finally the youngest brother of mine is finally home, huh. Dahan dahan akong lumapit sa kanila para di nila ako makita agad. "So, the most handsome man is back!" Mataray kung sabi na nakataas pa ang aking isang kilay. Napalingon silang tatlo. Tumawa sila bigla at syempre ang pinaka close ko na kapatid ay bigla biglang lumapit sa akin at humahalakhak pa. Binuhat niya ako at inikot ikot habang walang humpay na tumatawa. "Kuya! Put me down!" Sigaw ko dito at tumatawa na rin. Maya-maya ibinaba na niya ako at niyakap ng mahigpit. "I miss you, baby. Masama daw pakiramdam mo sabi nila? Parang hindi naman, ah." Inikot niya ako at tiningnan ang kabuuan ko. Parang hindi siya naniniwala na masama ang aking pakiramdam. Umiiling pa ito may pilyong ngiti sa mga labi. Baka nakakalimutan nito. Ang laki ng atraso niya sa akin. "Sino may sabi sayo? I'm okay, as strong as an ox. So, kung hindi ka pala sabihin na masama pakiramdam ko hindi ka uuwi at magpaparamdam? Baka sa susunod lamay ko na ang maabutan mo." Biro ko sa kaniya na nakataas ang kilay na payak na tumatawa. "Caily Lane!" Halos sabaw nilang sigaw ni Kuya Marco. Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kita ko ang pagtiimbagang nila parehas. Matalim ang tingin na pinukol nila sa akin. "Don't ever said that again! Kung ayaw mo magalit kami. It's not even funny." Pagalit na sabi ni Kuya Marco. Natahimik ako at hindi umimik. Parang maiiyak ako at hindi na makatingin sa kanila. "I'm sorry..." Hinigit at niyakap ako ulit ni Kuya Rennon. He comb my hair at the back of my head. "It's okay, just don't say that again. You know that I'm worried about you all the time. I am busy pero hindi ibig sabihin no'n hindi kita iniisip. Alam mo ang trabaho ko kaya kina Kuya Marco na lang ako nakikibalita about sayo. I hope hindi ka nagtatampo. Alam mo pag hindi ako busy at wala sa trabaho. I have all the time in the world for you, tumatawag ako. Don't make me worry, baby...mmmh?" Mahinahon niya na paliwanag. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya. Tumango na lang ako. "I miss you..." mahinang bulong ko. Gusto ko sana dumagdag na. I miss us. Yung dating tayo. "I miss you more. Sunduin kita mamaya after your duty. Babalik agad ako bukas. Umuwi lang ako to check on you. Come on! You eat na and ihahatid kita sa hospital. Mabilis naman akong lumapit sa mesa at nagsimulang kumain. Sobrang bilis ngunit magana. Nabusog ako at dali dali ng naghanda sa pag-alis. Ihahatid ako ni Kuya Rennon. "Caily...." tawag ni Kuya Marco. Lumingon ako sa kaniya. If you don't know Kuya Marco masasabi mo na napaka snob niya. He is so intimidating. He is one hell of a snob handsome specie. Siya yung tipo ng tao na sa tingin pa lang titiklop kana. Pag kasama mo siya you will feel safe all the time. Siguro dahil sa work niya. He was trained to portrait that facade. He graduated from PMA after all. Siya din ang pinaka seryoso sa lahat. Wala pa siyang pinapakilala sa amin na girlfriend niya. Hindi ko alam kung nagkaroon na ba ito. Ang alam ko masyado siyang mapili pagdating sa babae. "Come here," dahan dahan naman ako lumapit sa kaniya. He hugged me. "I'm sorry about kanina. You know we love you right? At ayaw namin na iisipin mo na mawawala ka sa amin anytime. Kasi kami, we are doing our best. I'm doing my very best to look for a donor. Hindi ako titigil hanggang hindi kita makikita na free from that stupid disease We don't want to lose you. " Mahinang sabi niya habang yakap pa rin ako. " I'm sorry and thank you Kuya. I love you to the moon and back!!!" Bigla kung sigaw. At naramdaman ko na tumawa na siya. Natuwa naman ako. Ako lang ang nakapagpapatawa sa kaniya ng ganyan. "I'll go Kuya. Baka naiinip na si Kuya Rennon." Paalam ko sa kaniya at sabay halik sa kaniyang pisngi. "Ingat and call me anytime." "I will..." Tumalikod na ako at pumunta sa labas. Nasa labas na kasi ang sasakyan at nag-aantay na si Kuya Rennon. "Ba't natagalan ka? Nagsermon pa si Kuya? Ikaw kasi. Namiss ko ang kapilyahan mo actually... Hahah!" Tumatawa ito at bigla nalang naging magaan ang kaniyang ngiti sa akin at hinaplos niya ang aking pisngi. "Let's go. Baka malate kana. Sunduin kita mamaya after your duty. Let's have a date." Tumango sa kaniya at ngumiti. Pagdating sa hospital ay bumaba pa rin si Kuya Rennon at hinatid ako hanggang sa may elevator sa loob ng building. Kaya lahat ng tao napapalingon sa akin. First time nila akong makita na hinatid ng isang lalaki. Hindi lang basta na lalaki kundi gwapong lalaki. Kuya Rennon image is somewhat like a bad boy type. A guy who will swiftly off of your feet. With his incredible 6'3" height. Display a high degree of facial symmetry, with his heart shape face, strong brow bone that protrudes further with straighter eyebrows. Perfectly fit to his grey epressive eyes. Ang haba pa ng pilik mata niya. Ofcourse with a nose that is pointed. Thinner lips and pinkish. A strong jawline. He is definitely a hottie. Mas nakapag pasexy pa sa kaniya ay ang kaniyang mga tattoos sa arms. Mostly trival and hindi ko na alam ang iba. Alam ko lang sa dibdib niya ay nakaguhit ang aking mata. Hindi ko alam kung kailan niya pina tattoo basta nakita ko na lang ng minsan pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko siya na half naked. Hindi ko makakalimutan ang raw na yon. That day I found out that there were something odd between us. "Kuya! Manood tayo ng movie" I was shouting and knocking at his door kaso di niya ako naririnig kaya binuksa ko na lang at tumuloy. Wala ni anino niya akong nakita. Ngunit may narinig ako nalagaslas ng tubig sa banyo. He is probably taking a bath kaya mag aantay na lang ako dito. A couple of minutes he went out and he was shocked when he saw me. Hindi naman ito ang unang beses na nagtambay ako sa kwarto niya. We used to hang out a lot dito sa kwarto niya at sa room ko. Kaya alam na alam ko na lahat dito. Sa dingding ng kwarto niya ay ang malaking portrait namin na dalawa when we were in high school. "Oh, what are you doing here?" Natataranta niyang sabi kaya tumaas ang isang kilay ko. "Duh?! Bawal na ba ako dito? Kung makatanong ka para naman hindi ako nagtatambay sa room mo. Let's watch a movie... please..." With my pleading voice at papacute face. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Okay, we will. Magbihis muna ako. Labas ka muna?" mas lalo akong nagtaka. Dati naman halos maghubad siya sa harapan ko. "Are you hiding something from me? Magbihis ka. Dito lang ako. Nakita ko na yan lahat." Tumatawa kung sabi. Umataki naman ang kapilyahan ko. Nakita ko na umiiling siya. "But wait, parang may bago sayo. Lemme see?" Tinaasan niya ako ng kilay. Lumapit ako sa kaniya. Inamoy amoy ko pa ito. Same amoy lang naman. Then, I looked at his tattoo on his upper chest. It was a tattoo of an arab woman. At kilala ko king sino. I remember that face. That was me during a month wherein in may costume kami dapat at ito ang napili ko bigla. It was an Arab Woman and below that face was an arabic phrase na di ko na alam ang meaning. Hinawakan ko ito. He stilled. I can hear the sound of his heartbeat. "It's beautiful... Moochi." I said it almost whisper. "Yah it is... You will always be beautiful." He replied. Bigla din bumilis ang t***k ng puso ko. Para akong napaso sa sinabi niya. Nataranta ako. I kept my distance from him. At nagpaalam ako na sa baba ko na lang siya aantayin para manood kami ng movie. We used to be super close. Sa lahat ng kapatid ko sa kaniya ako pinaka close. Dahil halos siya ang kasama ko lumaki. Magkasamang maligo at matulog. Hindi kasi nagkakalayo ang edad namin. Matanda lang siya ng dalawang taon sa akin. We have the same likes and dislike. He always pampered me. Lahat ng gusto ko sinusunod niya. He has an endearment for me. He calls me moochi. Just like a mochi Japanese sticky rice, dikit ng dikit daw ako sa kaniya. Moochi means love also. Ganon niya daw ako ka love. I used to hang out on his room all the time. Same with him. Ayoko na may babaeng lumalapit sa kaniya or nakadikit sa kaniya. Sobrang nagagalit ako. Kaya never siyang nag nobya. Lahat patago dahil pag nalalaman ko ay inaaway ko siya. Iyon ang pinaka ayaw niya ang makita niya na nagtatampo or umiiyak ako. Mas gusto pa niya ang aking mga kapilyahan at pagtataray. One night changes everything. Hindi ko inaasahan. I know it was wrong. Nalaman ko na may nililigawan daw siya sabi ng mga friends niya. I was crying whole day sa room ko. Hindi ako lumabas at kumain. Nagkulong lang ako maghapon. Pagsapit ng gabi nakita ko siya sa loob ng kwarto ko. Hindi na ako magtataka. May duplicate sila ng susi sa aking kwarto. Most especially him. "Caily... Hindi ka daw lumalabas at hindi ka kumakain mula kaninang umaga. What's wrong?" Mahinahon na sabi niya. Alam ko nakapasok na siya sa loob ng kwarto ko. Ngunit hindi pa rin ako kumikibo. "Hey... talk to me. May problema ba? You tell me." Halos bulong na lang niya na tanong. Nasa may uluhan ko na pala siya at sobrang lapit niya sa mukha ko. At dahil nakatabon ang mukha ko ng blanket, dahan dahan ko itong tinanggal at tumambad sa kaniya ang nag-aalala niyang mukha. "Is it true? That... mmmmh. Do have a girl-friend?" Nauutal kong tanong sa kaniya. I saw him smiled. Pagkatapos bigla itong umiling. "Saan mo na naman nasagap ang maling balita, mmmh?" Natatawa na niyang sabi and he pinched my cheek. "Narinig ko sa mga kaklase ko. Nakita ka raw nila na may kasamang babae." Narinig ko siyang humalakhak. " You're jealous huh?" "No, I'm not!" I hissed. Mas lalo siyang tumawa. Nakakainis ang isang 'to. "Hey, princess. Come here. Look at me. I don't have a girlfriend. Pag magkaroon ako, ikaw ang una kung pagsasabihan. And malabong mangyari ang hinala mo, okay?" Hinawakan niya ang gilid ng aking panga at tinaas ang aking mukha. Nagtitigan kaming dalawa. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Ngunit may naaninag ako na kakaibang emosyon. Bigla na lang din bumilis ang t***k ng puso ko. This is new. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Ilang minuto kaming nasa gano'n na posisyon hanggang naramdaman ko na lang unti unti ng lumalapit ang kaniyang mukha hanggang sa gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Hindi ako makapagsalita at halos higitin ko ang aking hininga. Hindi ko alam ang gagawin at hindi ko rin alam if tama ba ang kutob ko sa gagawin niya. Naramadaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Sobrang gulat ko at hindi ko alam ang gagawin. His lips started to move. His lips is so soft. Hindi ko alam ang gagawin. This is my first kiss. Hindi ko alam if gagayahin ko ang galaw ng labi niya or itutulak ko siya. Hindi ko alam kung tama ba ito or mali. Nawala na ako sa tamang pag-iisip. Ang nagawa ko na lang ay gayahin ang mga kilos ni Kuya Rennon. Sobrang gaan ng mga halik niya, napaka banayad. Tumatagos ang kiliti sa buong katawan ko. Ilang minuto kami na nasa gano'n na posisyon hanggang sa may narinig kami na kumakatok sa pintuan. "Rennon, anak. Nasa loob ka? Andyan ba si Cailey?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses ni mommy sa labas. Bigla ko siyang tinulak. "Yes, mom. She's here. Nangungulit." Iniwan ako ni Kuya at binuksan niya ang pintuan para kay mommy." While me, I'm still in state of shock about had happened. "Are you okay, Princess?" My mom's soft voice put me back into reality. Bigla akong nakaramdam ng hiya at pandidiri. What have we done?! " Yah, I'm okay mommy. I'm sleepy already." Inakay ako niya ako na lumabas kami ng kwarto ni Kuya Rennon. Tiningnan ko lang siya habang papalabas kami ng kwarto. Hindi rin nagsalita pa si Kuya Rennon. Nakita ko siyang tumango sa akin as if telling me that everything is okay. After that incident. Naramdaman ko na lang na iniwasan ako ni Kuya Rennon. Hanggang sa nalaman ko na pumasok na din siya sa PMA. Pumasok siya ng hindi manlang nagpapaalam sa akin. Kaya grabe ang naging tampo ko sa kaniya. That was the moment when I started to change. Gusto ko kasi magpapansin sa kaniya. Kasi pag malaman niya na may masamang mangyari sa akin lalabas siya ng PMA at pupuntahan niya ako. Hindi niya ako matitiis. Ilang taon siyang gano'n hanggang sa napagod ako magpanggap na may sakit. Nagdesisyon ako na hayaan na lang. May time na umiiyak ako sa lungkot. He was once my bestfriend. Aside kina Cassie and Steven. Mas malapit ako kay kuya kasi nasa iisang bahay lang kami. Para mawala yung nararamdaman ko sa kaniya. Ibinaling ko ang aking atensyon sa pagkahilig ko ng mga extreme sports. Particularly ang motor cross. Akala ko pag malaman niya. Uuwi siya at pagagalitan ako. It didn't happened. Hanggang sa minsan inatake ako ng sakit after how many years na hindi na ito umaatake, bigla na lang. Doon nakita ko siyang dumalaw sa hospital pero saglit lang. Hindi kami nagkausap masyado. Pero nakiusap ako kina mommy na huwag sabihin kay kuya Rennon ang tunay kung kalagayan. Naririnig ko na lang siya natumatawag sa parents namin at tinatanong kung anu kalagayan ko. Ngunit hindi na ako same ng dati na excited ako na tumawag siya. Ako na mismo ang kusang umiwas. He changed a lot. That was good. But, I was hurt for those changes he turn into. The new version of him. Ibang iba na siya. He became so manly, matured and not the same Kuya Rennon before. Siguro dahil sa loob ng PMA he was trained to be stiff & strict. To be a strong man with power. Kaya iniwasan ko na rin siya. Kung kailan iniwasan ko na siya at kinalimutan ang mga nangyari sa amin saka naman siya biglang nagpapakita madalas sa bahay. Kinakausap niya ako pero yung normal, though nafefeel ko pa rin ang concern niya. I miss us. The way we were before bago siya pumasok sa PMA. "Hey Caily! Are you okay?" Nagulat ako sa pagsigaw ni Kuya Rennon. Gosh! Kanina pa pala ako wala sa sarili. Naglalakbay ang aking isipan sa mga panahon na nakaraan. " Oh... Yes! I'm okay. Napagod lang siguro kaya ganito ako. Nawawala sa sarili. So dito lang ako. Bawal kana sa loob." Nakangiti kung sabi sa kaniya. Naiilang na ako sa kaniya. Hindi tulad dati. He hugged me so tight kaya gumanti din ako ng yakap. "Okay, ingat ka. Message me anytime..." He whispered and heaved a deep sigh. " I miss you... my moochi... a lot." He painfully said. Ramdam ko ang sakit at lungkot sa bawat katagang binitawan niya. Gusto kung umiyak pero pinigilan ko. Ayoko na makita niya. "I miss you more... ku-ya... I felt that I lost you, for a long time." Mahina kung bulong sa kaniya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at I stared at him. I smiled bitterly and walked away. Hindi ko kaya maiiyak na ako. Hindi ako lumingon diretso lang ako hanggang sa nakapasok ako sa elevator. Hindi ko na tiningnan if tama ba ang napindot ko sa elevator o kung may kasama ba ako sa loob. Pagkasara ng elevator. Narinig ko na tumunog ang aking cellphone. Dali dali ko itong binuksan at binasa ang message. It was from Kuya Rennon. Kuya Rennon: [I'm sorry for everything. Someday you will understand why. And I will have the courage to explain to you. Always remember that I love you. I will always will and forever will be your the best kuya.] Bigla namasa ang mga mata ko at nag-unahan na pumatak ang aking mga luha ng di ko namamalayan. "I never expect that after days of being away. I will witness a scene and worst I will see you cry." Narinig ko bigla ang isang boses na familiar ako. Matigas at may diin ang pagkakasabi nito. Bigla na lang huminto ang aking mga luha sa pagpatak. Bigla kung itinaas ang aking mukha at right beside me inside the elevator is no other than Luca. "It's nice to see you again, baby." Gulat ang naging reaksiyon ko. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Sa gulo ng isip ko ngayon parang hindi talaga ako makakapag-isip ng matino. God! I missed him. I want to throw myself to him and hug him tight pero pinigilan ko ang aking sarili. Hindi niya deserve ganunin after ilang days siyang hindi nagparamdam and worst hindi nagpaalam. May mga tao talagang walang pakiaalam sa nararamdaman ng mga taong malapit sa kanila. Akala nila okay lang na bigla bigla na lang mawawala at pag ginusto naman, bigla na lang susulpot. Not knowing na nasasaktan ang taong iniwan nila ng biglaan. Ilang tao na ba ang gumawa sa akin ng ganito? My biological parents. Na kahit hindi ko sila nakilala. Hindi ba nila ako hinahanap? Si Kuya Rennon, na natiis ako ilang taon hindi manlang siya nagpaalam ng maayos ng umalis siya tapos babalik parang wala lang. And then now, Luca. Kahit alam ko na walang label ang relasyon namin. Pwede naman siguro magpaalam kahit sabihin lang na mawawala muna siya at matatagalan bago makabalik. Gano'n ba kahirap mamaalam? Kung alam mo naman na babalik kapa? Siguro kung hindi na babalik. Siguro okay lang. Para wala ng tanong na maiwan sa isipan ng taong napag-iwanan at ngayon biglang babalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD