"Nathaniel, Nathaniel!" Tumakbo ako para makalapit sa batang tinawag ko. Kaagad naman siyang lumingon sa akin. Napangiti ako nang makita kong hawak niya ang niregalo kong laruan sa kanya. Gumanti rin siya nang ngiti. Lumawak ang ngiti ko nang masilayan ko ang biloy niya. Nasa park kami na hindi ko maintindihan kung bakit kami lang dalawa iyong tao. Nilibot ko ang paningin ko. Napakunot iyong noo ko kasi parang ang tahimik naman ng parke na to. Taliwas sa parkeng nalalaman ko na masaya at maraming bata na naglalaro. Gamit ang kanang kamay ay winagayway niya ang laruan na action figure na Gundam Seed. "Dito po," sabi pa niya habang naka - upo sa bench na siya lang din ang tao. "Saglit lang," sagot ko pa sabay hawak sa laylayan ng suot ko na yellow dress. Natabing ko iyong buhok ko sa

