Napabalikwas ako nang may naramdaman akong malamig sa itaas na bahagi nang katawan ko. Napanganga ako. Pinilit kong bumangon kahit na hirap na hirap ako. Binagalan ko pa para hindi ko masyadong mapwersa iyong sugat ko. Hindi na maipinta ang mukha ko nang sinubukan kong iangat ang katawan ko. Muntik pa ako mapahiga dahil nagalaw ko iyong likod ko. Naagapan ko lang iyon nang ginamit ko pantukod ang kaliwang braso ko. Kaliwa't kanan ang paglingon ko. Salubong ang kilay na hinanap kung sino ang nagbuhos sa akin ng tubig. Hindi naman ako nahirapan hagilapin ito dahil katatalikod pa lang ng lalaking may gawa niyon. May dala pa siyang itim na timba. Nasa kanang kamay niya iyon at ayon nga wala nang laman. Humarap siya sa akin. Pagkakita ko sa mukha niya ay mabilis kong iniwas ang mata ko. Na

