Natuod ako sa aking kinatatayuan. Pinoproseso ko pa ng mabuti ang plano ni Kalbo sa akin. Sa lalim ng aking iniisip ay nakurot ko ang kaliwang hinlalaki ko. "Naestatwa ka na ata babaeng ka?' pukaw ni Kalbo. Inalog niya ako. "Ano? Nagulat ka?" Binatawan niya ako pero bago niya ako lubayan ay tinapik tapik niya pa ang pisngi ko sabay halakhak ng napakalakas. "Tignan mo nga naman. Marunong ka rin palang manahimik? Eh kung ginawa mo pa iyan dati eh di sana ay hindi na kita napagbuhatan ng kamay? Mas malaki pa sana ang kita ko sa iyo kapag nagkataon." Naikuyom ko ang kamao ko. "Walanghiya ka talaga," gigil kong saad. "Aba! Matagal na!" sabay halakhak ulit. "Hindi ako papayag sa gusto mo." "At ano? Magrerebelde ka na naman? Sus! wala ka rin naman magagawa." Inilapit niya sa akin ang kany

